Today is Forever

6 1 0
                                    

   Parang nanalo sa lotto si Randolf ng may katatapos tumawag dito. Sumilay ang isang ngiti na ikinagulat ni Kim. Nandoon sila ng mga oras na iyon sa condo ni Kim dahil kararating lamang nito galing sa bakasyon.

"Oh, kuya you look so happy. I share mo naman sa akin yan." wika ni Kim habang nakutuon ang atensyon sa nakatatanda nilang kapatid.

"Its nothing Kim. Wala naman bago na dapat pa sabihin sa iyo. Instead mag kwento ka na lang about sa vacation mo." saad ni Randolf na umupo ng husto sa couch ni Kim.

"Okay naman kuya, napaka peaceful ng place na iyon. Minsan dadalin ko din kayo doon pati na ang prinsesa natin, sigurado akong magugustuhan niya doon." nakangiting sambit nito.

Biglang dumilim ang anyo ni Randolf. Mukha itong nag iisip ng malalim hanggang sa may anong ngiting napansin dito si Kim. "What's wrong kuya?" tanong ng nakababata.

Tumayo si Randolf at nagtungo sa kinauupuan ni Kim sabay inakbayan ito. "May pupuntahan tayo Kim, sumama ka at magbabakasyon ulit tayo." pilyong sabi nito. 

Magrereklamo sana si Kim dahil hindi pa niya nakikita ang bunso nila ngunit huli na dahil nahila na siya ng kanyang kuya Randolf. Masyadong malaki ang katawan nito kumpara sa kanya kaya lumaban man siya ay di niya magawa.

Bagot na bagot na pinagmasdan ni Caithlyn ang chandelier sa kanyang itaas, kumikinang ito na tila mga totoong dyamante. Bumagon siya sa kanyang kinahihigaan at tinungo ang isang sliding door patungo sa balkonahe ng kanyang silid na ibinigay ni Bryan sa kanya.

Umalis kasi ito ng maaga upang pumasok na, madami pa daw kasi itong aayusin kaya kung ano man daw ang kailangan nito ay sabihin lang sa mga maids.

Napabuntong hininga ito. Akala naman niya kung sino na siya po que nabili lang nya yung kompanya nila mama. Nasabi na lang niya sa kanyang sarili. Aminado siya na may pagka gentleman din ito, inalagaan siya nito at pinatuloy pa sa kanyang bahay kahit pwede naman siya kahit sa ospital lang. May mga ngiting sumilay sa kanya dahil naalala niya kung paano ito ngumiti, at ang malaanghel na mukha nito.

Pamaya maya pa ay nakita niya sa di kalayuan na may papasok na kotse. Dali dali siyang pumasok sa loob at inayos ang sarili. May kung ano na sa loob niya ang nagsalita. Excited ka naman na makita siya eh wala pa nga kayong isang araw na nagkakasama. Bigla siyang napahinto sa pagsusuklya. Bakit nga ba? Siguro ay humahanga siya dito kaya ganoon na lang ang pagkasabik na makita itong muli. Kahit siguro sino ay hahanga sa tulad nitong lalaki.

"You are beautiful Caithlyn, remember you are a model." Puri niya sa kanyang sarili. Pamaya maya pa ay bumaba na ito para salubungin si Bryan.

Habang ganadong bumababa si Caithlyn ay bigla siyang napahinto. Bryan was with another girl, and she's perfect. Nakita nya ang babae na parang full grown woman na at bagay na bagay sila ni Bryan.

She looked down at her dress, yes she can call herself magandang manamit pero it is not enough. She have to wear it with passion like what she's seeing with the other girl.

Bigla naman siyang nakita ni Bryan at tinawag siya nito. "Caithlyn, come over here I want you to meet someone." wika nito. Wala na lang siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito. Lumapit siya sa mga ito. "I want you to meet my fiance, Janette." wika nito habang nakayakap dito ang isang kamay nito. "Hello nice to meet you, I'm Caithlyn Moore." sabay lahad ng kamay nito. "Nice to meet you too." Hinarap ni Janette si Bryan at binigyan ito ng isang halik, pagkatapos ay hinarap ulit sa kanya ito.

"Pagpasensyahan mo na si Bryan ah, he always involved himself to troubles kaya laging napapagalitan sa akin." nkangiting wika nito. Bakit nga naman hindi ito magugustuhan ni Bryan ang bait bait pa nito hindi lang pala maganda. "Okay lang yun, pag okay na ako uuwi na ako sa amin." wika niya na akma nang aalis. "Sige mauu---" biglang naudlot ang pagsasalita niya ng biglang sumakit ang kanyang ulo. Hindi niya alam ang gagawin kaya bigla na lang niya naitukod ang kamay sa isang table kung saan natabig niya ang isang antique na jar.

Napasigaw na lang si Janette at nataranta naman si Bryan. "What have you done!" galit na wika ni Bryan. Agad naman inalalayan ni Janette si Caithlyn. Pati si Caithlyn ay nawala sa kanyang sarili. Patay. Itinuon niya ang tingin kay Bryan na noon ay umitim ang anyo. "Look I'm so sorry." halos magmamakaawang wika niya dito.

"Bryan hayaan mo na , its just a jar." wika ni Janette habang nakaalalay pa rin kay Caithlyn.

"You don't know anything about this jar." Ang anghel na mukha nito ay nagpalit ng anyo, para ngayon itong isang lalaki na gustong pumatay.

He punched the wall instead. Sobra ang pagkagulat ni Caithlyn at Janette sa ginawa ni Bryan. "You're going to pay for this forever  Ms. Moore." Wika nito sabay hila kay Janette patungong kwarto.

 She's alone now. No one could help her. Tumakbo siya papunta sa kanyang silid. You're going to pay for this forever. Naaalala niyang wika nito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FashionistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon