The Flashback

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ka ba okay lang yun, teka ano bang nangyari sa inyo?"

"Hindi ko alam, okay naman kami last time na nagkasama kami e ang saya pa nga namin, tapos ngayon bigla nalang naging ganito, wala ba sya sayong sinabi kung nasaan sya? Hindi mo ba sya nakakausap?"

"Hindi na kami nagkakausap e. Pasensya ka na ha wala akong maitulong"

"N-no malaking bagay na ito Jo, pwede ba akong humingi ng favor sayo?"

"Yes anything chris"

"P-pwede mo ba akong samahang hanapin sya, please. Parang awa mo na hindi ko na kasi alam ang gagawin ko e. Para akong mag e-emotional breakdown dahil sa nangyayari. Jo hindi ko kayang mawala sya, mahal na mahal ko sya. Sobrang mahal ko sya Jo."

This time hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko wala na akong pakiaalam kung ano mang sabihin ni Jo basta ang alam ko ay dapat ko tong mailabas. Lumapit sakin si Jo at niyakap ako, siguro ngayon ay awang-awa sya sa kalagayan ko. Pinunasan niya ang luha ko at nangsalita.

"Oo sasamahan kita pero pwede bang magpahinga ka muna ngayong gabi. Ako ng bahala na magpaalam sa trabaho mo basta magpahinga ka muna okay, bukas na bukas din ay pupuntahan natin ang mga pwedeng puntahan niya okay"

Tumango nalang ako sa sinabi niya, tutal ay pagod na rin ako. At sana bukas makita ko na sya at makapag usap kami. Ihinatid ako ni Jo sa kwarto para makapagpahinga at pagkahiga ko ay agad akong nakatulog.

----

Kinabukasan agad kaming umalis ni Jo, una naming pupuntahan ay ang mga kaibigan ni Jhay. Buong byahe ay walang nagsasalita sa aming dalawa kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Binuksan ni Jo ang radyo at saktong pagkabukas niya ay patapos na ang kanta ang kantang dapat sana ay kakantahin ko ay Jhay, ang favorite song ko. Ang kanta kinikilig ako tuwing kinakanta niya habang hawak ang gitara.

" I take one step away"

Loves nasan ka na ba ?

"But I find myself coming back"

Please magpakita ka na sakin, hindi ko kayang mawala ka.

"To you"

You're the only one left Loves, so please don't leave me.

"My one and only, one and only you"

Please Im begging you.

"Jo tatlo lang yung kilala kong kaibigan ni Jhay at lahat naman sila magkakalapit ng bahay, pasensya ka nasa abala ha."

Tinapunan lang ako ng tingin ni Jo at ngumiti.

" I'd been there in that situation Chris, I know how it feels. Wala yun sakin, gusto lang kitang tulungan"

"Salamat Jo, hindi naman tayo close but still tinutulungan mo pa rin ako, dalawang beses palang tayong nagkasama hindi pa nga nag-uusap nun e."

" It doesn't matter, alam mo mas bagay sayo ang ngumiti, ngumiti ka naman. By the way malapit na tayo sa bahay ng pinsan ni Jhay"

Buntong hininga nalang ang isinagot ko kay Jo dahil hindi ko magawang ngumiti. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ng pinsan ni Jhay na si   Trex, pagkadating namin doon ay sinabing hindi na sila nagkikita ni Jhay dahil busy sya, ganun din ang sumunod pa,ang mga kaibigan ni Jhay na sina Carl, Jude, pati si Kyle. Wala daw silang balita hindi rin daw nila macontact si Jhay.

Laglag balikat akong pumasok sa loob ng kotse ni Jo, at nagsimulang tumulo nanaman ang luha ko. Nagtanong na din ako sa mga relatives niya na kilala ko through facebook pero wala din daw.

"Hey! Don't give up okay! Wag kang umiyak! Shhhhh tahan na, magpapakita din sya, baka may dahilan sya kaya hindi sya sayo nagpaparamdam"

"Jo tell me, anong dahilan niya? Alam niya namang mag-aalala ako sa kanya e, Apat na araw na syang hindi nagpaparamdam Jo!"

"Shhhhhh stop crying"

Hinayaan ko syang punasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisnge dahil parang wala na rin akong lakas upang punasan ang mga ito, abala ako sa pag-iisip kung saan pa ba sya pwedeng pumunta. At nanghihina na rin ako dahil sa mga nangyayari.

"Isipin mong mabuti kung may iba pa ba syang pupuntahan"

"Zen tower, sa condo ng ninang niya"

Agad na binuksan ni Jo ay kanyang kotse at agad na nagdrive. Ito na ang huling naisip ko na pwede niyang puntahan, kung wala pa sya at hindi ko makita maybe huminto na ako at hintayin ko nalang kung kelan sya magpaparamdam.

"Jo, maybe he fall out of love, I don't know. Its been a month since I saw him kissing with another girl."

Sa sinabi ko biglang bilang lumingon sakin si Jo, at hindi ko na hinintay pang sumagot sya.

" That was our 2nd anniversary, I planned to surprise him but the I was the one who surprise"

Ngumiti ako ng pilit at may pait sa mga labi at pilit na inaalala ang mga pangyayari.

"He told me that we can make it, all I had to do is give him a chance, and for the 2nd time I give him a chance, He even told me that he loves me so much, but now I don't know. Hindi ko alam ang gagawin ko Jo kung mawawala sya, sya nalang ang natitira sakin, sya nalang ang nag iisang kakampi ko."

"Chris Im sorry pero wala akong kakampihan sa inyo, wag ka sanang magagalit, maybe he has the reason why he's doing this kind of shit. And I know may mali din sya dahil hindi man lang sya nagpaalam sayo kaya ka nagkakaganito ngayon. Thats why here we are hinahanap sya para masagot lahat ng taong na nandyan sa ulo mo."

After niyang sinabi yan binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, ngitiin ko na lang rin sya bilang tugon sa sinabi niya. Hanggang sa nakarating kami sa condo kung saan nakatira ang ninang niya. Agad kaming bumaba at dumeretso sa receptionist hall upang magtanong kung anong number ng unit ng ninang niya. Nang makuha namin ang number ng unit at kung anong floor agad kaming sumakay sa elevator at pinindot ang 10th floor button.

"Jo nahihiya ako. Hindi ko naman kilala ang ninang niya, nagkita kami isang beses lang nung pinakilala niya ako, pwede bang ikaw ang kumausap para sa akin. Please"

"Sure"

Nang makarating kami sa unit nila ay kumatok si Jo, pinagbuksan kami ng isang lalaking matangkad at maitsura, hula ko ay ito'y si alex ang anak ng ninang niya.

" Andyan ba si Jhay ?"

" You mean yung kinakapatid ko ? Sorry pero wala e, why ? May problema ba?"

"Wala naman, hindi na kasi sya nagpaparamdam sa girlfriend niya. So we're here because we thought andito sya, nowhere to be found kasi sya."

" You mean something happened to him? "

"Hindi siguro nagtatago sya, nagtatago sya sakin, pasensya ka na sa abala sige nauuna na kami."

Ako na ang sumagot, siguro nga nagtatago sya, napapagod na sya. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at tuluyan ng umalis, habang naglalakad ay tahimik lang kami at walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating sa kotse.

"Uuwi nalang muna ako sa amin Jo"

" Sige, are you okay? Pwede kang umayak I have a shoulders to lean on"

"I'll be fine don't worry."

WHEN YOU TWO REALLY DISTINED TO EACH OTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon