Lumipas ang mga araw naging masaya kami,  nag out of town nag date, pilit naming kinalimutan ang mga nangyari. Masaya, na halos makalimutan ko ang ginawa niya pinaramdam niya sakin na ako lang, ipinaramdam niya sakin na ako lang ang mahal niya at walang iba. Pero lumipas ang isang buwan na pagiging masaya dumating ang araw na kinatatakutan ko.

"Tita kamusta na po kayo ?"

"Ayos naman, anong kailangan mo at naparito ka?"

"Itatanong ko lang po sana kung andito po ba si Jhay ?"

"Pumunta sya ng Batangas."

" Weh ? Totoo po tita ? "

"Oo nga, bakit hindi niya ba sinabi sayo ? "

" Hahaha sige po tita aalis na ako, may pasok pa po ako, salamat po. "

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang nagpaparamdam sakin si Jhay, ang huling pagkakaalam ko hindi naman kami nag-away at hindi rin naman ako gumawa ng kahit na anong bagay na dapat ikagalit niya. Ni hindi ko sya ma-contact sa cellphone number niya, at hindi rin siya nagbubukas ng facebook niya dahil ang dami ko ng message sa kanya pero ni isang tuldok na reply galing sa kanya wala man lang ako natanggap. Naiiyak na ako sa ginagawa niya pero i decided to go sa Batangas kung saan nakatira ang ate niya.
Umasa akong andoon lang sya sa ate niya pero wala parin akong nakitang Jhay. Hindi na ako nag-abala pang magtanong sa ate niya kung nasaan sya, dala ng hiya umalis na din ako agad. Pag labas ko ng pintuan ng gate nila sunodsunod na tumulo ang mga luha, gusto kong sumigaw dahil sa nararamdaman ko pero hindi ko ginawa dahil baka pagkamalan akong baliw, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga kaibigan niya.

"Hmm hello Jo, sorry sa abala ha itatanong ko lang kung kasama mo ba si Jhay ? "

"Hindi e, bakit anong nangyari sa inyong dalawa nag-away nanama ba kayo?"

And this time I begin to cry

" Jo kasi, kasi hindi ko alam kung nasaan siya e, pwede bang puntahan mo ako. "

"Okay stay there susunduin kita nasaan ka ba ? "

" Andito ako sa bahay ng ate niya"

" I'll be there in 10 minutes, wag kang aalis at dyan ka lang"

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na inalala kung may nagawa ba akong mali sa kanya, pero kahit na anong pilit ko ay wala akong maalala, masaya pa nga kami last time na magkasama kami. Nang dumating si Jo nakatayo lang ako sa harapan ng gate at pinuntahan ako, hindi niya ako kinausap o nagtanong pa inalalayan niya lang ako papunta sa kotse niya at pinaupo sa tabi ng driver seat. Wala sa aming nagsasalita, hindi naman kami ganoon ka close kaya nakaramdam din ako ng medyo pagkaawkward sa aming dalawa. Pinaandar niya ang kotse niya, hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya ipinikit ko nalang muna sandali ang aking mata.

Ng tumigil ang kotse na sinasakyan namin ay iminulat ko na ang aking mga mata, tumigil kami sa isang bahay na hindi naman ganun ka laki.

"Hindi ko alam kung saan kita dadalhin para kumalma ka kaya dito ka nalang muna sa bahay ko. "

Pumasok kami sa bahay niya at inalok niya akong maupo sa couch. Simple lang ang bahay niya at malinis.

"Hmmm wala ka bang kasama dito?"

"Wala ako lang naman ang nakatira dito. Teka kumain ka na ba ? Teka ipaghahanda kita, ipagluluto kita ng chicken soup."

Maghahapunan na pala at ngayon ko lang din naramdaman ang gutom, mula pala kaninang umaga ay hindi pa ako kumakain sa sobrang pag aalala kay Jhay kung nasaan sya.

"Heto higupin mo to para mahimasmasan ka"

"Jo pasensya ka na sa abala ha, alam ko may trabaho ka pa, pasensya ka na talaga"

WHEN YOU TWO REALLY DISTINED TO EACH OTHERWhere stories live. Discover now