Prologue's seam

3K 93 2
                                    

* Prologue's seam*

Kasama ko ngayon si abby. Buti na lang at may ligaya pang natitira sa akin matapos nang mga nangyari sa akin sa ginawa ni clyde. Akala ko magiging manhid na ako, akala ko puro lungkot at pagkamuhi nalang ang mararamdaman ko. At nang dahil kay abby salamat sa kanya. Dahil kahit papaano pinapasaya niya ako.

Kung nagtataka kayo kung bakit kasama ko si abby.

Muntik ko nang makalimotan. Yung pagtatampo ko kay abby. Nawala nalang nang parang bula nang sabihin nya sa akin na may pagtingin din pala sya sa akin. Nahihiya lang daw syang sabihin ang tungkol doon kase baka pagtawanan lang daw sya nang pinsan nya that time na magkasama kaming tatlo sa restaurant. Sasabihin na nga dapat nya sa akin din daw nung gabing yun ang kaso daw pinapasabay ko sya sa pinsan nyang umuwi. Nagtaka pa nga sya kung bakit hindi ko sya sinama sa lakad ko nung gabing din yun. Kase nga nagtatampo ako sa kanya diba?. Syempre i need to be alone.

At ngayon heto kame sa may park. Hindi kame pumasok dahil nga sa aking pakiramdam. Masakit parin talaga ang pang-upo ko.

"Buti pa. Samahan na kita sa doctor ipa check-up natin yang dinadaing mo?"ang worry nyang pagkakasabi.

Nasabi ko kasi na masakit ang katawan ko lalo na ang pang-upo ko. Nag alala nga sya nang husto bakit kung bakit masakit ang katawan ko. Syempre gaya nang ginawa kong pag sisinungaling kay mama. Sinabi ko din ang tungkol sa banyo accident. Medyo napaniwala ko din naman sya kaya hindi na ako nag alibi pa nang husto.

"Wag na. Ako nalang siguro. At tsaka diba pupuntahan mo pa si kiefer sa practice nila.?"

"Oo nga pala muntik ko nang makalimutan. Birthday nya pala sa sunday. Iniimbitahan ka nga nyang pumunta sa birthday party. You should come!"

"Nakakahiya ata."ang pag-aalinlangan ko.

Mayaman sila abby at ganun narin ang pinsan nyang si kiefer. Kaya sigurado akong mga mayayaman ang pupunta sa birthday nya. Nakakahiya kung pati ako na hindi kagaya nila pupunta sa ganung selebrasyon. Mga magagara ang suot at mamahalin ang mga dalang regalo. Eh ako. Sa suot palang tamang-tama lang. Pero pagdating sa mga parangyaan naku! Tumabi nalang tayo. Sigurado akong malalaos lang tayo sa kanila.

"Ano kaba! Only friends relatives at mga ka banda lang nya ang imbitado. Siguro may mga ibang tao din if yung mommy nya ang mag imbita. Pero jhero please...pumunta ka. Sige ka pag hindi ka pumunta magtatampo ako sayo."mag puppy eyes siyang tumingin sa akin. Ang cute lang nya. Pati ako napapa ngiti nya kahit ayuko talagang pumunta. Pero dahil sa sinabing magtatampo sa akin si abby. Pupunta nalang din ako.

"Sige na nga."

"Really? .....Yeahey!!!"she shout for joy at bigla nalang hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko.

Napalingon ako sa kanya na hawak ko ang pisnging hinalikan nya. Is she kiss me? Namula syang tumingin sa ibang direksyon. Nahiya ata sa reaksyon ko. Ang cute talaga nya.

.......

I was about to go home nang salubongin ako nang ka teammate kong si Ben sa hallway.

"Jhero pinapatawag ka ni coach sa office nya."

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam pre. Buti pa puntahan mo na. Ang init nang ulo nya ngayon. Kanina kasi ang daming hindi umattend sa first meeting noong linggo."

"Ganun ba?"

Sabay na kaming pumunta sa office ni coach.

Pagdating ko doon sa loob. Hindi naman ako kinabahan. Nagtaka lang ako dahil wala sya sa loob nang office nya. Malang baka nasa pool area. Lumabas ako at nakita ko nga si coach. Naka line ang mga ka team ko at lahat naka yuko ang mga ulo. Sigurado akong sermon na naman itong si coach sa kanila.

"Mr. Angeles!!"lahat nang mga ka team ko napatingin sa direksyon dahil sa nakaka binging sigaw ni coach sa akin. Pati ako parang nabingi sa sigaw nya.

"Where the hell have you been all this week.!!"ang galit nyang sermon sa akin.

"Sorry coach."yun lang ang nasabi ko. Nahiya ako sa nagawa ko. Hindi lang sa yun. Pati sa mga ka team ko. Napagalitan tuloy sila nang dahil sa akin. One week na akong absent at wala manlang pasabi sa coach namin. Kaya ayan pati ang pag-aaral ko na damay. Hindi daw mona ako papasok at mag iinsayo daw mona ako. Malapit na rin kasi ang intrams kaya subsub sa practice ang grupo namin sa swim team.

Nasa office nya ako ngayon at nagpapaliwanag nang husto.

"Say it. Para maniwala ako sa sinasabi mo."he say as he give me a chance.

"1 day po kasi ako nasa hospital dahil sa isang aksidente at kahapon lang po sumakit ang katawan ko lalo na ang pang-upo ko. Kaya heto ako ngayon paika-ika po. Masakit po kasi."

"Eh ano ang pinapalabas mo? Naku jhero. Lumang palusot na yan.!"he smile like hindi sya naniniwala sa sinabi kong paliwanag.

"Totoo po yun coach. Maniwala kayo."bukal sa puso kong paliwanag sa kanya.

Sana maniwala naman sya. Ayuko na pagalitan nya ako. Dahil kapag hindi ako makapag explain sa kanya nang totoo. Baka madamay ang grupo at bigayan kame nang punishment nang dahil lang sa akin. Ayuko ka mangyari yun.

He chuckle nang sinasabi ko ang totoo. Nakakabastos naman itong si coach. Bakit ba nakakatawa ba ang sinabi ko.

"Sige. Para maniwala ako. I need proof. Kailangan ko nang patunay na may sakit ka nga. I need you to see a doctor. Pa check-up mo yung sinasabi mong masakit sayo at pagkatapos nang check-up mo. Come back here and give me the result. You got that!"ang mapang-utos nyang sabi sa akin.

Napa opo nalang ako sa sinabi nya. I don't have a choice kundi sundi sya. Susundi ko nalang ang sinabi ni coach kesa sa magalit pa sya kung hindi ko susundin ang utos nya. Ayaw ko din nang punishment. Iba pa namang magbigay nang parusa si coach.

Wala akong choice kundi ang lumabas nang office at umuwi.

"Bro. Anong sabi ni coach?"ang tanong sa akin ni Ben.

"Pare pinagalitan ka ba ni coach?" Tanong naman ni Isaac.

"Aba syempre naman. Sino ba ang hindi pagagalitan na umabsent nang one week. Ayan damay pati tayo."sabi naman ni Blake na mukhang naiinis pa sa akin.

"Sorry mga pare. Pati kayo nadamay pa sa ginawa ko."paghingi ko sa kanila nang sorry.

"Ano kaba. Ayos lang sa amin yun." Ben.

"Oo nga. At wag mo nang damdamin ang sinabi ni coach kung pinagalitan ka. Ganyan lang yun kasi tumatanda na." Ang pabirong sabi naman ni Isaac.

"Ahammm..." nagulat kame sa boses mula sa likod ko. Si coach. Nanlaki ang mga matang nakatingin sa amin si coach. Narinig nya ata ang sinabi ni Isaac. Patay kang bata ka Isaac. Mukhang nag-aapoy na sa galit si coach nang lumapit sya sa kinatatayuan namin.

"Ano pa ang ginagawa mo dito Mr. Angeles? Umalis kana para mag pa check-up.!"ang bulyaw naman sa akin ni coach.

"Opo coach."

"And all of you!! Balik sa praktis. Oh baka naman bigyan ko kayo nang punishment.!"

"No coach.!!"ang sabay nilang sigaw nang paalis na ako.

Narinig ko nalang na lumusong na sila sa paglangoy. At ako naman. Pupunta nang clinic to check-up. Putcha talaga. Ano na ang gagawin ko. Paano ko sasabihin sa doctor ang nangayari. At isa pa hindi ko din alam kong paano ako pupunta dun. Natatakot kasi ako sa mangyayari. First time ko'to!.

Can someone help me.??!!












The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon