"Hindi masyado, hindi pa kasi dumadating ang ka-date ko. Hinihintay ko siya."
"Eh? 9 o'clock na oh! Ilang oras ka nang naghihintay sa kanya, hindi na yun dadating..."
"Alam ko..."
"Alam mo naman pala eh! Bakit hinihintay mo pa rin? Shunga ka ba? Umuwi ka na, gabi na, nangingisay ka na diyan sa lamig. Mamaya madaanan ka pa dyan ng mga adik, mapagtripan ka pa." Tumawa siya, "Nagbabaka sakali lang naman ako na baka dumating sya pero siguro nga tama ka, mabuti pa nga umuwi na ako."
Biglang kumulog yung tyan nya, automatic na napahawak sya sa tyan nya and he smiled sheepishly kaya natanong ko sya, "Hindi ka pa ba kumakain?"
Tumango sya sakin, "Hindi pa, Umm miss, do you mind me eating an ice cream with me?"
Nabigla ako sa tanong niya. Waaa! Is he asking me for a date? Ay shunga ka Eya, feeling ka naman agad, nagpapasama lang yan kumain ng ice cream kung anu ano na agad ini-imagine mo. Loner siya ngayon at ako lang ang tao sa paligid niya kaya niya siguro ako niyaya.
"Umm... actually pauwi na kasi ako..." hindi ako nagpapakipot, nag- iingat lang ako. Kahit gwapo naman siya he's still a stranger to me, anong malay ko baka mamaya killer pala siya o terorista o alien na balak mag-abduct ng tao para pag-eksperimentuhan. Weh, korni.
"Dyan lang naman tayo sa may ice cream parlor sa tabi. Hindi naman malayo at saglit lang tayo. Samahan mo lang ako, brokenhearted kasi ako ngayon. Kapag iniwan mo ako mag-isa magsu-suicide na lang ako."
"EH? Oy wag ka ngang ganyan! Wag kang magsuicide at wag mo akong konsensyahin! Wag kang OA!"
Bigla siyang umakbay sakin, aba porket pogi siya ang lakas ng confidence niyang umakbay sa kung sinu sino? Sexual harassment ito oy! Pero uyyy kinikilig ako, inaakbayan ako ng pogi, first time in my life na nangyari ito! Wahaha!
"Lilibre kita ng ice cream miss kasi sasamahan mo ako! Don't worry I'll give you a ride pauwi, I have a car."
"Pero teka lang, hindi ako sumasama sa isang stranger!"
"Ako si Chad, Chad Jimenez. Ikaw?"
"Eya."
"Nice meeting you Eya. Ayan hindi na tayo strangers, let's go!" magrereklamo pa lang ulit ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na ako papunta sa may ice cream parlor. Waaa! Holding hands kami ng isang poging stranger! Sa tanang buhay ko, ngayon lang nahawakan ng isang gwapong nilalang ang kamay ko (well, except kapag nanananching ako sa simbahan tuwing Our Father)
Gusto kong isiping dito na nagsisimula ang love story ng isang panget na katulad ko at isang prince charming na tulad ng poging stranger na ito pero ECHOS ko lang 'to, masyado kasi akong nagbabasa at nanunuod ng mga kung anu-anong love story. Pero ang pogi talaga ng name niya, Chad Jimenez! Hindi na tuloy ako naka-angal, nagpahila na lang ako sa kanya papunta sa ice cream parlor. Masamahan na nga siya, hindi naman siya mukhang kriminal. Mukhang mayaman din eh, may kotse daw!
Nung makarating na kami sa may ice cream parlor, marami-rami ding tao ang nandun. Yung mga girls na nandun nagsisilingunan sila sa ksama ko, naririnig ko pa nga yung mga binubulong nila. Ang pogi daw ni Chad at iniisip daw nila kung girlfriend ako ng kasama ko o siguro atchay lang daw ako nito, masyado daw akong panget para patulan ng poging kasama ko. Napabitaw tuloy ako sa hawak ni Chad at napakamot sa may batok ko, Lumingon naman siya sa akin, nasa may counter na kami nun.
"Anong flavour gusto mo?"
"K-kahit ano..." Ngumiti sya sakin at umorder na sya dun sa may counter. Inabutan nya ako ng three flavoured ice cream sa malaking cone, kaparehas ng ice cream ko yung kanya. Umupo kami sa may labas ng ice cream parlor at dun namin kinain yung mga ice cream namin.
"Thank you sa ice cream," sabi ko habang nakatingin ako sa may sahig at dinidilaan ang ice cream ko.
Bigla nyang pinatong ang kamay nya sa may ulo ko at ginulo ang buhok ko, magulo na nga buhok ko guguluhin pa, "Wala yun, thank you din kasi sinamahan mo ako. Atleast hindi ako loner ngayon."
"Actually hindi kita sinamahan, hinila mo ako papunta dito."
Tumawa sya sa kaprangkahan ko, "Pero salamat na din. Kelangan ko kasitalaga ng kasama ngayon at ng ice cream para gumaan ang loob ko."
"Girlfriend mo ba yung hinihintay mo kanina?" pakiiki-usyoso ko.
"Hindi, pero sana nga. Haay. Nililigawan ko sya for almost a year na."
"1 year na? Pero hindi ka pa rin sinasagot? Bakit naman?"
"Ewan ko ba, panget siguro ako.
DIARY NG PANGET
Start from the beginning
