DIARY NG PANGET

52 0 0
                                        

My name is Reah Rodriguez, they call me "Eye." Isa akong sirena. Joke lang, isa akong normal na babae na pinugadan ng pimples at kakambal ng walis tambo ang buhok. May pagkapandak din ako pero hindi naman ako unano, malapad ang noo ko. May ipapabasa ako sa inyo, ang aking diary. Ssh!!! Top secret ito, huwag niyong ipagkakalat! Oo, makaluma akong tao, alam kong hindi na uso ang diary dahil may blog na pero mahirap lang ako, wala akong pambili ng computer para mag-blog.

Dear diary,

Ito ang simula ng istorya ko.

"Hoy Eya, bakit ngayon ka lang? Late ka na ah?!"

"Sorry po auntie! Medyo late po kasi natapos ang klase ko."

"Tsk! Bilisan mo na, magpalit ka na at magtrabaho ka na! Andami na nating customer!" tumango na ako at dumiretso na sa may staff room upang makapagpalit na ng waitress uniform ko. Yung mataray na babae kanina ay si Auntie, siya at si Uncle ang may-ari ng restaurant kung saan nagpa-part time ako. I'm 19 years old at 4th year Accounting student na ako sa may Willford Academy. Nagpa-part time ako kasi mahirap lang ako, ulila na pati ako.

Ike-kwento ko sa inyo ang mala-MMK kong istorya, ihanda niyo na ang uhog niyo dahil maiiyak kayo. My parents died in a car crash when I was 14, wala akong ibang kamag-anak na mapupuntahan kundi sina Auntie at Uncle, sila lang kasi kakilala kong kamag-anak sa Maynila. They took me in hanggang 17 years old ako pero nung nag-18 na ako at hindi na ako isang minor, pinalayas na nila ako sa bahay nila which is sa taas ng restaurant na pagma-may ari nila. Napilitan lang naman kasi silang kupkupin ako. Psh!

So when I was 18, naghanap ako ng apartment na matutuluyan and luckily I found one na sobrang mura! Kahit na medyo feeling ko araw-araw endangered ang buhay ko kasi sobrang luma na nung apartment na tipong minsan may nasisirang sahig o hindi na masarhan yung pinto at nagpaparty ang mga flying ipis! Pero sina Auntie at Uncle, kahit may pagkasa demonyo, kahit 0.01% ay may kabutihan din namang taglay. Pinagtrabaho nila ako sa may restaurant bilang part time ko para ako ay may kitain kahit papaano, para may pangkain ako at pambayad sa rent. Medyo mababa ang sweldo, pero mabuti na ito kesa wala! Ang drama ng buhay ko nuh? Nakakaiyak, ang sarap magpaka-emo, ajujuju! Joke lang, hindi ako madramang tao, ako si Eya at isa akong darna! Matatag ang kalooban ko!

"Eya, ikaw na dun sa may table number 7," katatapos ko lang kumuha ng order at pinupuyod ko ang buhaghag kong buhok nang tawagin ako ng katrabaho ko. Tumango na lamang ako at kinuha ko na si handy dandy notebook kung saan nililista ko ang orders at dumiretso na ako sa table number 7 pagkatapos.

Naglalakad na ako sa may table number 7, nakatalikod sakin yung customer, lalaki ito at mag-isa lamang. Nung makarating na ako dun, natatakpan ng menu yung mukha nung lalaki, hindi ko makita yung mukha niya. Tumungo muna ako sa handy dandy notebook ko at sinulat dun ang table number 7 saka ako lumingon muli sa kanya para batiin sya, "Good evening si..."

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi pagkalingon ko sa kanya, nakababa na yung menu aat ohmygollywow! Ang yummy naman nito! I mean, my gosh, nakatingin sya sakin habang nakangiti ang pang-close up na mga ngipin niyang pantay-pantay! Ang gwapo-gwapo naman nitong nilalang na ito, feeling ko nakakakita ako ng mga sparks sa paligid ng mukha niya at parang nagii-slow motion ang paligid dahil sa kagwapuhan niya!

"Miss, pwede ko bang itanong kung anong oras na?"

Medyo tulalado pa rin ako sa kagwapuhan niya at napasagot ako nang hindi nag-iisip, "Oras na para mahalin mo ako."

"Eh?" nabigla siya at nabigla din ako. Napatakip ako ng bibig na noo'y nakanganga pala at kamuntik nang tumulo ang laway ko.

"W-wala!" nagpa-panic at namumulang sabi ko, tiningnan ko agad ang mumurahing wristwatch ko at sinabi sa kanya ang tamang oras. Grabe! Ano ba yung sinagot ko kanina!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIARY NG PANGETWhere stories live. Discover now