"Ahh, salamat miss," nakangiti pa rin siya sakin, parang nagpippigil nga siya ng tawa. Ano ba yan, nakakahiya ako! First time kong mag-drool sa isang guy, I mean marami rin namang mga gwapong nilalang ang napapadayo dito sa restaurant ni Auntie pero ito kasing lalaking nasa harapko ngayon, kakaiba yung appeal niya! Hindi lang nakakalaglag  ng panga pati na rin pantay!

"M-maari ko n-na po bang kunin ang order mo?" nauutal pa ako, ano ba yan!

"Umm... let me think," nilagay niya sa may baba niya yung daliri niya at kunwa'y nag-iisip, nakatingin siya sakin, I feel like melting! Pagkatapos, ng ilang saglit, ngumiti siyang muli, oh that killer smile! "Miss, I've decided. Can I order you?"

"Ha?" this time ako naman ang nabigla sa sagot niya. Pero mas nabigla ako nang tumawa siya, "Hahaha! Just kidding Miss, bumabanat lang din! Hehe!"

"Ahh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko o ire-react ko. Okay, hindi ko alam kung kikiligin ako o mamumula ako sa kahihiyan. Pwede both? Nakikipag-flirt ba itong poging ito sakin? Ayy feeler ko naman. 

Tumigil na siya sa pagtawa pero nakangiti pa rin siya, "Miss, pwedeng bumalik ka na lang later? I'm actually waiting for someone, well she's not yet here."

May ka-date siya, okay disappointed ako. What? Bakit naman ako madi-disappoint, halleeer obvious naman na may girlfriend or kadate itong si guy, sa pogi ba naman niya imposibleng single siya! Pero nakakalungkot talaga, taken na siya. Pero taken man siya o hindi, as if naman mapapansin niya ako diba? Sino ba naman papatol sa katulad kong long lost sister ni Shrek?

After almost two hours, napansin namin na si "oras guy" sa table number 7 ay hindi pa rin umo-order. Mag-isa pa rin siya dun. Hindi kaya siya sinipot ng kaniyang ka-date? Aba naman yung girl na yun! Wala ata sa tamang katinuan yun para indyahin ang isang poging tulad ni oras guy ng table 7! Kung ako ang ka-date niyan, baka 1 day before pa lang nasa restaurant na ako sa sobrang excitement! Pero like always, umeeksena na naman ang kabaitan (with full sarcasm) ni Auntie at inutusan akong palayasin si Oras Guy kasi daw kung wala daw itong balak umorder, mabuti pa daw na umalis na ito. Ako, kahit labag sa kalooban ko ay pinuntahang muli si Oras Guy.

"Umm sir, hindi pa po ba kayo o-order?"

Napansin ko na this time medyo malungkot na yung mukha niya,
"Pasensiya na pero hindi pa kasi dumadating yung ka-date ko."

"Sir kasi po, two hours na po kayo dito na hindi umo-order. Pinapagalitan na po ako ng boss ko, ang sabi paalisin ko na daw po kayo kung hindi pa daw kayo oorder."

"Ah ganun ba..."

"Pasensiya na ha?" I feel a bit sorry para sa kanya kasi hindi na nga siya sinipot ng kadate niya, pinapalayas pa namin siya. Umiling lang siya tapos ngumiti sakin kahit pa medyo malungkot yung ngiti niya ngayon, "Ok lang yun. Pasensiya na rin sa istorbong naidulot ko sa inyo."

Pagkatapos nun ay matamlay na lumabas na siya ng restaurant. Kawawa naman siya. Pinagpatuloy ko na lang ulit ang trabaho ko. From 5-9pm ang part time ko, pagpatak ng 9pm nagpalit na ako ng damit ko at nagpaalam na ako kina Auntie at lumabas na ako ng restaurant.

Maglalakad na sana ako palayo ng restaurant pero nakakailang hakbang pa lang ako nang may napansin akong figure ng isang guy na nakaupo sa may sahig at nakasandal sa may pader ng restaurant. Nakatungo ito, malapit ang tuhod sa may dibdib at nakalagay ang mga kamay sa may bulsa ng jacket.

Nilalamig siguro, medyo malamig na rin kasi ang simoy ng hangin ngayon kapag gabi kasi July na, tag-ulan na. Medyo naawa naman ako at na-curious, bakit kaya may lalaking nakaupo sa sahig? Hindi naman mukhang pulubi. Nilapitan ko nga.

"Excuse me..." pagkasabi ko nun biglang tumingala yung lalaki at nabigla ako nang marealised na siya si Oras Guy, "Ok ka lang ba?"

Bigla siyang tumayo at pinagpagan  niya yung pantalon niya, yumuko siya at napakamot ng ulo,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIARY NG PANGETWhere stories live. Discover now