Kabanata 28

Depuis le début
                                    

"Wala. On leave pa ako hanggang bukas," kalmanteng sagot ko.

"May lalakarin ka bukas?" Tanong niya ulit. Medyo napakunot noo ako. Bakit ba ito tanong ng tanong?

"Sa condo ng kaibigan ko," sagot ko ulit.

"Condo ni Mr. Austria?" Aniya at nagtaas ng kilay. Tumigas ang tingin niya. I suddenly have the urge to piss him off.

"What is it to you?" Patay malisya kong sabi.

"So kay Mr. Austria nga?"

Nakipagtitigan siya sa akin at matapang din akong tumitig bago umirap sa kawalan.

"It's t none of your business," walang gana kong tugon. Lalong dumilim ang titig niya at nakakunot na ang noo niya.

"That guy likes you!"

"Ano naman ngayon sayo?" Nagsisimula na din akong mainis. Bakit ba ang laki ng problema niya kay Crane? He is my friend!

"Nagseselos ako," aniya sa isang madiin ngunit mababang boses.

I stared at him and fell silent for a moment. Napabuntong hininga ako.

"Kay Molly ako pupunta, okay?" I said, giving up with the argument.

Wala nang nagsalita pagkatapos niyon. Natapos kaming kumain at nagpresinta siyang maghugas ng pinagkainan. Pinagbigyan ko na lang dahil pagod na ako para makipagtalo pa.

Nagpaalam na akong matutulog na at iniwan siya roon sa kusina. Pumanhik ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Tumulala ako.

Ang daming nangyari nitong mga nakalipas na araw. Halos hindi ko maiproseso ang lahat.

How many times did I tried to get rid of his presence? Ilang beses.. Pero bakit heto pa rin ako't kasama siya? Does this mean I didn't tried hard enough? Or it was fate that's working this time?

If it was fate this time, bakit ngayon lang? Bakit hindi pa noon? Bakit kinailangan pa naming pagdaanan ang pinagdaanan namin? Bakit kailangan pa naming magkasakitan?

Bakit pakiramdam ko ay tamang nasa malapit siya kahit alam kong mali? Bakit mahal ko pa rin siya kahit alam kong posibleng may nagmanay ari na sa kanyang iba?

Tahimik na sa labas at alas onse pasado na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Ilang oras na akong dilat at tulala. Nagawa ko na lahat ng ayos at posisyon sa kama ko pero hindi ako dinalaw ng antok.

Pagod ang katawan ko pero hindi makalmante ang pag iisip ko. Kailangan ko bang magbilang ng pabaliktad? Ang sabi kasi ay magbilang daw ng pabaliktad kapag hindi makatulog sa gabi.

"One hundred..." Simula ko.

"Ninety nine..."

"Ninety eight..."

"Eighty seven..."

"Eighty six..."

"Seventy five.."

"Fifty.. Uggghh!"

Gumulong gulong ako sa kama saka bumangon. Pinadaanan ko ng mga daliri ang buhok ko bago tahimik na pinihit ang door knob.

Dim na ang light sa sala at naaaninag ko lang si Luke na nakahiga roon. Nakaunan ang ulo niya sa armrest at yakap niya ang unan na ibinigay ko sa kanya. Ang binti niya ay bahagyang nakalawit sa armrest, halatang pilit nitong ipinagkakasya ang tangkad sa maikling sukat ng sofa. Mukhang mahimbing na itong natutulog.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng malamig na gatas at sumandal sa lababo.

Inisang tungga ko iyon bago nilapag ang baso sa sink. Bukas ko na lamang iyon huhugasan. Lumabas ako ng kusina.

In His Paradise (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant