WALA PA RING IBA
Written by: Jasmin Caserayan
Ang kuwentong ito ay kathang isip lamang.
Kuwento nang Pag-ibig, na pilit pinaghihiwalay nang tadhana, ngunit sa bandang huli nanaig pa rin ang dikta at nilalaman ng puso nang dalawang nagmamalahan.
----
Si Anne a young pretty woman, galing sa mayamang pamilya, ulila sa ina, sa murang edad, natutong umibig ng wagas, sa lalaking inaayawan ng kanyang ama. Dahil mga bata pa sila, pilit silang pinaglayo.
Si Lander, mayabang, may pagka pusong bato, ngunit napaibig ni Anne.
"Pag-aaral muna ang atupagin mo Anne, bago ang lalaking 'yon." sigaw nang kanyang ama.
"Mahal ko si Lander, Dad.," giit ni Anne.
"Hungkag , hindi pagmamahal 'yan, ke bata bata mo pa, anong alam mo sa pagmamahal?" pamamatigas ng ama ni Anne.
"Ilalayo kita sa lalaking 'yan, don ka sa malayo mag-aral", patuloy ng kanyang ama.
Nang marinig ni Anne 'yon tumakbo ito palabas ng bahay, at pinuntahan si Lander,
"Lander, ilalayo niya ako sayo, mahal na mahal kita." di nakaimik si Lander, dahil nakasunod na agad ang ama ni Anne.
Hinila si Anne palabas ng bahay nina Lander, habang hawak ni Anne ang kamay ni Lander, halos ayaw bitiwan ni Lander ang kamay nito.
"Mahal na mahal kita, Lander, huhuhu." hagulhol ni Anne at hinila na siya ng kanyang ama.
Pagdating ng bahay, sinaktan ng kanyang ama si Anne, sinampal-sampal.
At nagkulong siya sa kuwarto iyak ng iyak. Napasandal sa may salamin, remembering the memories of Lander.
Nang tumunog ang mobile niya...
"Umiiyak ka ba?" boses ni Lander.
Pinahiran ni Anne ang kanyang mga luha.
"Hindi ah," nangingiti ito nang marinig ang boses ni Lander.
"Sinungaling, umiiyak ka eh." sabi ni Lander. At lalo pang naiyak si Anne.
"Ikaw umiiyak ka din diba?"sabi ni Anne.
"Hindi." seryosong tugon ni Lander.
"Sinungaling." at nagtawanan silang dalawa. Nang biglang may kumatok sa kuwarto ni Anne.
"Narinig ko may kumatok, buksan mo," sabi ni Lander.
Nang buksan ni Anne gulat siya, si Lander pala ang kumakatok, sa gulat nabitawan tuloy niya ang kanyang mobile. Pumasok si Lander sa kanyang kuwarto.
Nag-usap sila, nag-iiyakan.
Kung kinakailangan nilang magkalayo, naiintindihan nila, bastat nanatili ang pangako sa
isa' t-isa, na pagdating nang panahon, ay sila pa rin ang magkakatuluyan.
Na wala pa ring ibang nilalaman ng puso kundi ang bawat isa.
Ipinagpatuloy ni Anne ang pag-aaral niya sa London , pinipilit niyang huwag isipin si Lander, ngunit lalo pa itong sumasagi lagi sa isipan niya. Ginawa niyang inspirasyon ang pag-ibig niya kay Lander.
Ganon din si Lander, sa paglayo ni Anne, lagi na lang siyang tulala, inaalala niya ang mga kakulitan ni Anne, na siyang di niya makakalimutan, na laging nagpapangiti sa kanya.
May mga nanliligaw kay Anne, ngunit wala na silang puwang sa puso ni Anne.
"Sorry, im taken, " ang tanging sinasabi ni Anne, sa kanyang mga manliligaw.
Ganon din si Lander, hindi na ito nanligaw pa sa iba, dahil tanging si Anne lang ang nilalaman ng kanyang puso. Wala man silang komunikasyon sa isa't isa, ang tiwala sa isat'-isa at paninindigan, at higit sa lahat tunay na pag-ibig, ang naging inspirasyon ni Lander. Nakapagtapos ng pag-aaral si Lander, hanggang naging successful Attorney, ganon din Anne, pareho ang kursong kinuha nilang dalawa, at parehong naging successful ang mga ito.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon, nanatiling matatag ang pagmamahal ni Lander kay Anne.
Napapadalas ang punta ni Lander, sa kanilang dating tagpuan, do'n nagmuni-muni, sa mahabang panahong hindi sila nagkita ni Anne, sobrang namimis niya ito.
Isang boses ang nagpagulat kay Lander:
"Lander ", ika nang boses at nilingon niya ito.
"Anne. ", gulat ni Lander, nang paglingon niya ay si Anne ang kanyang nakita.
Agad-agad niyang kinarga si Anne, niyakap ng mahigpit, pinupog ng halik, na halos ayaw nang bitawan pa.
"Nabalitaan ko lagi ka nga raw nagpupunta dito , Lander," nasabi ni Anne.
"Kanino mo naman nabalitaan?" ika ni Lander.
"Sa aking panaginip." biro ni Anne na may pilyang ngiti.
"Pilya ka talaga, hanggang ngayon di pa rin nagbabago, ang pagiging mapagbiro mo at pagiging makulit." sabi ni Lander habang tumatawa.
"Kulang ata ang sinabi mo , higit sa lahat ang hindi nagbago, ang pag-ibig ko sayo, wala pa ring ibang nilalaman ng puso ko kundi ikaw lang." seryosong tugon ni Anne.
"So, well you marry me?", seryosong sabi ni Lander.
"Yes, i will," ika ni Anne, at niyakap nang mahigpit si Lander.
Pagdating ni Anne mula sa London, dito agad siya nagpunta sa dating tagpuan nila, dahil malakas ang kutob niyang dito niya matatagpuan si Lander, ni hindi pa nga ito umuwi sa kanilang bahay. At pagdating nang bahay,
sermon agad ang natanggap niya mula sa kanyang ama.
"Abah, dumating ka na pala, pero mas inuna mo pa ang lalaking 'yan, " mariing sabi nang kanyang ama, nang makitang kasama si Lander.
"Dad, naman hindi na ako bata para sermonan mo nang ganyan, at nakakahiya sa magiging manugang mo." seryosong sabi ni Anne sa ama nito.
"What?" gulat nang kanyang ama.
"Tama ang narinig niyo Dad, magiging manugang mo na ako sa ayaw at sa gusto mo," seryosong sabi ni Lander sabay mano sa ama ni Anne.
Hindi na nakaimik pa ang ama ni Anne, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Naisip niyang sa tagal ng panahong pinaglayo niya ang dalawa, ngunit nananatili pa rin pala ang pagmamahalan nila. Malaki ang galit niya sa mga magulang ni Lander, nagunit nang dahil sa pag-ibig, naisantabi na ang galit sa isat'-isa.
Surpresang, namanhikan ang mga magulang ni Lander, kay Anne, na lalong ikinagulat nang kanyang ama.
Ang tagpong 'yon ang naging daan upang magkabati ang dalawang pamilya. Nagkapatawaran at kung anumang galit na namagitan sa kanila ay napalitan nang kasayahan.
Magpapasko, no'n napag-usapan nila ang bonggang kasalan ng dalawa. Mismo sa araw nang Pasko, itinuon ang kasal ng dalawa.
Dahil para kay Anne, special at hindi malilimutang pangyayari sa buhay niya , inimbita niya ang buong baranggay sa nalalapit na kasal nila ni Lander, lalong lalo na ang mga batang nasa lansangan.
Sumapit ang araw ng kasal, at ang buong barangay ay dumalo, masayang sinalubong ang Pasko, nang lahat ng mga naroon.
Si Anne, umakyat ng entablado, nagsalita sa madla:
"Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, alam ko napasaya namin kayong lahat, pero mas lalo po akong naging masaya, at makakapiling ko na sa wakas, ang aking minamahal na walang iba kundi si Lander, at higit sa lahat, pinasasalamatan ko nang malaki ang aking nag-iisang Ama, kung hindi dahil sa paghihigpit niya, sa mga pangaral niya, hindi ko mararating, ang tugatog ng tagumpay sa buhay. Mas masaya pa rin, kung pinaghirapan mo ang bawat tagumpay na nakamit mo." mahabang speech ni Anne, na nagpaiyak sa kanyang Ama, and now her father was so proud of her.
Isang tugtugin ang pinakawalan,
matapos ang drama, este ang speech ng bawat isa.
"Wala pa ring iba, na papalit sayo, ikaw pa rin lagi, ang iibigin ko...." ang tugtuging nagpaluha kay Anne, luha ng ligaya.
Para kay Anne , araw -araw ang Pasko, basta't ang lahat ay nagmamahalan at nagbibigayan.
Anne and Lander, was so happy, and they live happily ever after.
***Wakas***
Didicated song: Wala pa ring iba by: Rockstar.
Moral lesson: Ang paghihigpit nang ating mga magulang, is a way for us to be successful in the future.
Sundin ang utos nang mga magulang, upang pagdating nang panahon, we can stand alone, i mean, kung sakaling wala na sila, inihinda ka na bilang isang matatag, upang harapin ang next chapter of your life.
Payo:
Huwag madaliin ang pag-ibig sa halip ay gawin itong inspirasyon.
