Chapter 28

14.8K 509 9
                                    

Manila,Philippines


I have a month to fix this mess.Nag leave ako sa kompanya para lang umuwi sa Pinas at ayusin to.I just hope that one month is enough.


"Ryan!"

Hinanap ng mga mata ko ang pamilyar na boses sa waiting area dito sa NAIA,at sa dami ng tao dito ay nahihirapan akong hanapin ang sundo ko.Kanina pa ako inaalok ng mga lalaking naka uniporme ng puti na kung gusto ko ba daw ng taxi.Puro iling lang ang aking sagot.

Malaki ang ngiti ko ng mahanap ko si Tatay Nante."Tay!"

Niyakap ko sya ng mahigpit.Lalo syang tumanda,dumami na ang kanyang puting buhok kaysa nung huling nandito ako,pero palangiti at palabiro pa rin ito.I think that's inborn.That will never change as years go by.

"Kamusta ang byahe? Ang Amerika? Si mareng Liberty nakatayo pa rin dun sa kahihintay ng forever nya? Naku,sabihin mo sa kanya walang forever! Ay,lalo kang gumanda hija! Si Nanay Minda mo,ayun nasa bahay.Inatake ng rayuma nya kaya di nakasama."


Napahagikhik ako sa sunod-sunod na tanong nya.He is still the same old man who joke around.Sabi nya kasi yun ang sekreto ng forever young.Bawas wrinkles,bawas stress.


"Yup! Nandun pa rin si mareng Liberty mo,nakatayo pa rin dun."

Nilagay nito ang dalawang maleta ko sa trunks saka nagtungo sa driver's seat.Agad kong kinabit ang seat belt ko pagka upo.

"Parang kilan lang na umalis ka pabalik ng Amerika at akalain mong five years na rin pala? Masyado bang excited ang orasan sa mother earth kaya ganun kabilis ang pag ikot? Tingnan mo,nakabalik ka na ulit!"

Yup,it's been five years and it feels like it happened yesterday.

"Oo nga po eh."

Bahagya akong nilingon nito saka binalik sa kalsada ang kanyang tingin."Bakasyon ka lang ba o mag migrate ka dito?"

"Bakasyon lang po.I have some things that i need to fix here."


They didn't know about my secret marriage,right? What if they know? Will they tell my parents too? Hanggang ngayon,hindi ko pa rin nasabi sa parents at mga kapatid ko na nagpakasal na ako.Do i need to tell them ba? Maghihiwalay din naman kami ng tuluyan kaya napagpasyahan kong wag nalang sabihin.Tsaka hindi ko alam kung legal o valid ba yung kasal ko kay Alejandro.


Pupunta ako ng NSO para malaman yun.

Magiliw na ngiti ang sumalubong sa akin pagdating sa bahay galing kay Nanay Minda,may isang babae rin syang kasama na apo niya,i think she's in her teens.

"Wow! Ang mga paborito ko!"

Agad akong umupo sa upuan na madalas pwesto ko noon.Suman,kutsinta,siopao,siomai ang nasa hapag! I miss this food! Nakakakain ako ng mga ganitong pagkain back in States but it will never be the same taste of Nanay Minda's cook.Kumbaga walang kapantay.Sabi nga nya may secret recipe daw sya nun.

Naaaliw nila akong pinagmasdan na kumain.After kong kinunan ng picture yun ay nilantakan ko na ang mga yun.Ahh...heaven!

I posted it on my IG account and so happy to see that i eat my favorite food in the world!

Pinagpahinga nila ako pagkapos kong kumain dahil mahaba ang naging byahe ko.Mixed emotion.De ja vu.Hindi ko nga ma-explain kung ano yung nararamdaman ko.Masaya,makungkot,takot o pangamba,halo halo yata!

Gaano man ako kapagod ay di rin ako agad nakatulog.I'm thinking about all the posibilities when i see him again.If he is mad? Kasi umalis akong di nagpaalam sa kanya at hindi kami nagkausap or maybe it was nothing to him and act like a jerk like he is used to be?

Kinapa ko ang phone ko bedside table at may mga notification sa IG ko.May mga nag comment,asking me if nasa Pinas na ba ulit ako,may mga likes din.I realized that this is the first picture i posted after five years at pagkain pa.

I click my followers at sa dami nun ay nahirapan akong hanapin ang pangalan nya.I click the search instead and enter his name.Hindi naman ako nabigo.His account is still active.And i realized,that he moved on already base on pictures he posted since i lefted.Puro mga picture ng mga naging adventure nya sa iba't ibang lugar o bansa ang nandun,he is with his friends and with girls.Which one is his girl? The recent picture he posted just this week was they are in Cebu.He was driving a jetski and there's a girl on her back wearing a two piece bikini and they were smiling widely.

Nawala ang ngiti ko at masakit ang lalamunan ko.He looks happy.Of course i get hurt for doing this pero sige lang ako ng sige.There's a part of me that hoping that maybe there's still us,kakausapin ko sya,aayusin ang dapat sana ayusin at kung hindi talaga,i'll file an annulment.Umaasa pa rin kasi ako.At nasasaktan na ako sa mga naisip ko ngayon,paano na kaya kung totoo ang mga naisip ko? Torture yun.

I stopped scrolling down when i saw our photos when we were together,it's still in his account.I thought he delete it? Napangiti ako sa mga masayang memories na nakita ko sa mga pictures.

Now,where to begin?

I'll see him again.When? I don't know! How? I don't know! I want it as soon as posible and i don't know if i'm ready to face him.I think i have no choice,right? Ang harapin at kausapin sya? Or i'll go directly to my lawyer? It makes me confuse.


Tanghali na ako nakababa kinabukasan and i still feel tired and sleepless.I didn't sleep well last night.Iniisip ko yung mga dapat na isipin.

"Kumain ka na..."

Ngumiti ako sa dalagitang naroon.

"Anong pangalan mo? Nasaan sila Nanay?"

"Marie ang pangalan ko.At nasa bayan sila,namili ng mga ititinda sa palengke."

Tumango tango ako.Nagtitinda pa rin sila hanggang ngayon.Inanyayahan ko si Marie na kumain pero tumanggi ito at tapos na raw sya.Napag alaman ko na nag aaral pala ito dito sa syudad kaya ito nandito at para masamahan din ang matanda pag nasa bahay.


Dahil mag isa nalang ako at walang magawa ay inayos ko ang gamit ko at nilagay sa loob ng cabinet na naroon.Nung natapos na ay binalikan ko ang IG account ko,i look for Megan.Napakunot ang noo ko ng makita ang mga post doon...a pictures of a boy with her.Her son? With whom? I send her a DM and ask her whereabouts.I just hope that she'll response to my message.

Inaliw ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga account ng mga kaibigan ni Alejandro and it's good to know that they're successful at where they are good at.

See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon