I'm Liam Ferron. 15 years old.
Mahiyain.
Nerd.
Walang kaibigan.
Binubully lagi.
Puro pag-aaral ang iniintindi ko, wala rin namang gustong makipagkaibigan sakin dahil nerd ako.
Lagi nila akong pinagtritripan dahil sa ayos ko. Sa brace ko, sa makapal kong salamin.
Sanay na ako. Alam ko naman kasing walang magkakagusto sa itsura kong to.
Then one day, may nagtransfer dito sa school namin na isang babae.
Her name is Hannah Harrows.
Maganda siya, maputi, maamo ang mukha in short she's like an angel!
Kaklase ko siya. Unang tingin ko pa lang humanga na ako sakanya. Pero hanggang hanga na lang ako, mukhang madaming magkakagusto sakanya ano bang laban ko sa mga yon.
Hayyyy...
---
Minsan, naisipan kong patugtugin ang gitara ko, nasa garden ako ng school namin galing akong practice, choir member kasi ako. I'm the guitarist.
Pinatugtog ko ang Tears in Heaven by Eric Clapton. I started to close my eyes and sing.
Would you know my name?
If I saw you in heaven
Would it be the same?
If I saw you in heaven
I must be strong
To carry on
Cause I know I don't belong
Here in heaven...
Pagkatapos kong kumanta at tumugtog biglang may pumalakpak galing sa likod ko. Pagtingin ko si Hannah pala!
Damn! Nakakahiya!
Para tuloy akong bakla dito sa sobrang pula ng mukha ko. Aishh.
"Wow, ang galing mo palang maggitara at ang ganda ng boses mo Liam! " sabi niya habang ngiting ngiti.
Hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko sobrang kakaiba. Pagbanggit pa lang niya ng pangalan ko parang kinikiliti nako.
"H-hehehe hindi n-nnaman. Ah-mmm t-thank y-you Han-nnah". Utal utal kong sagot.
Sh*t!ano ba Liam umayos ka nga nerd ka na nga babakla bakla ka pa!
"Ang galing mo kaya no! Favorite song ko pa ung kinanta mo grabe! nakakaiyak kase yan".sabi niya habang umuupo siya sa may tabi ko.
Damn!
"Ah ganun b-ba. " nahihiya kong sabi sakanya.
"Yup! Wait nga bakit ka mag-isa dito nasan mga friends mo? ". Inosente niyang tanong.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"I don't have friends. Wala kahit isa. " malungkot kong saad sakanya.
Kumunot ang noo niya at parang takang taka.
"Hindi ako naniniwala. Seriously? Mukha ka namang mabait ah. Talented pa."
ČTEŠ
Tears In Heaven (One Shot) revising
RomanceBawat tao nararanasan magmahal. Alam natin na kapag nagmahal ka hindi maiiwasan ang may masaktan... Ano ang gagawin mo kung yung taong mahal mo iniwan ka na lang bigla? Magtatanim kaba ng sama ng loob o aasa ka parin na balang araw babalik siya sa...
