Manhid

23 3 0
                                        

This is a very short one shot story and my very first one. Sana po ay magustuhan n'yo. Enjoy!



***

"Shan!" Sigaw ng kaibigan ko.

Tumingin ako kung saan nanggaling yung boses niya at nakita siyang naka-simangot habang lumalakad patungo sa'kin.

"O? Bakit ka naka-simangot?" Tanong ko.

"Eeeeee! Nakita ko si Shawn na may kasama ng babae thus ang landi nun! Ang touchy!"

Si Shawn na naman.


Gusto niya talaga si siya.


Highschool ako ngayon. Since nagkaklase kami ni Shawn ay gusto ko na talaga siya since elementary. Hindi ko nadama yun. Ngayon lang talaga na may alam akong nagkagusto sa kanya.


Bestfriend ko pa.


Si Shawn naman yung tipo na palabiro at hindi palaaway. Kaya kang pasayahin. Hindi rin siya nang-iinsulto. May hitsura siya. Ordinaryo lang siya at simple.

"Ano naman ngayon?" Tanong ko habang naglalakad kami patungo sa classroom.

"Basta! Tingnan mo lang! Magagalit ka talaga pag nakita mo yung malanding yun!"

"Selos." I corrected.


Selos kasi yung nararamdaman ko ngayon, Pat. Alam ko naman may gusto ka sa kaniya pero bakit siya?


Wala kang karapatan kung sino ang dapat kong magustuhan.


I thought with Pat's voice. I imagined na sinabi niya yun. Ang sakit.

Pumasok kami sa room at nakitang tumatawa yung bago naming kaklase kasama si Shawn. Nakapatung yung paa niya sa lap ni Shawn.


Nakapatung lang 'yan sa lap niya.


Parang baliw lang. Selosa na talaga ako. Wala naman akong karapatan na magselos kasi hindi kami. At alam kong hinding-hindi magiging kami.

Hindi nila alam. Walang nakaka-alam kundi ako at ang diyos lamang na may gusto ako sa kanya. Na patay na patay ako sa kanya.

He's my first love. At sa kanya ko rin first naramdaman yung selos. At inis sa pag-ibig. At yung sakit.

Araw-araw at kada-oras ko siya iniisip. Naiisip. Hindi ko mapigilan. At araw-araw ko ring sinaktan ang sarili ko.

Pero Pag-ibig 'yan e. Wala tayong kalaban-laban diyan. Kaaway ng puso natin ang ating utak.

Kung pwede lang sana nating kontrolin ang ating puso. Kung pwede lang sanang tayo ang pipili king sino ang magustuhan. Kung pwede lang.

Pero 'di naman pwedeng puro nalang puso ang pairalin kasi para ka nang tanga diyan. Minsan mas lalo mo lang sinaktan ang sarili mo.

Ang sakit nun. Parang gusto mo nang sumuko. Gusto mo nang mawala yung pagmamahal mo sa kanya. Pero wala e. Kahit ilang beses mong subukan, di mo napipigilan.

Friends lang kami. Hindi bestfriends o close friends. Friends lang talaga. Hanggang dun lang yun.

Hindi hahantung sa pagiging close. Pagliligawan.


Assumera talaga ako.


Ano naman ang magugustuhan niya sa'kin? Wala naman akong kawala sa ibang babae diyan.

Manhid Where stories live. Discover now