CHAPTER NINE – BAHAY
FRANCIS VILLASANTA
Bakit ang tagal nya? Kung sabagay lagi naman syang late.
“Good morning class!” Bati nung teacher namin. Stat na naman, ayoko makinig.
Nagdi-discuss na yung teacher at lumipas na din ang ilang minuto pero hindi pa din sya dumadating. Hindi sya nale-late ng ganito katagal. Teka bakit ko ba sya hinahanap at hinihintay?
“Sir!” Napatingin ako dun sa kaklase ko nahawak ang cellphone nya at nakatayo.
“Yes, Ms. Madrigal?”
“Sir, I received a text from Sydney. She said she can’t attend classes today because she’s sick,” umupo na sya pagkasabi nya nun.
“Thank you, Ms. Madrigal. Going back to our lesson…blah blah blah…” Hay ayoko talagang nakikinig sa teacher na ‘to. Ang boring!
Nagkasakit sya siguro dahil kagabi.
Buong araw akong wala sa sarili ko. Bakit ba ako balisa? Ang lagi kong naiisip gusto ko syang makita at puntahan. Eh bakit nga kaya hindi ko na lang sya puntahan? Alam ko naman na ang bahay nya.
Hindi ako umatend ng klase ko at nagmadali akong nagpunta sa kanya.
Tumigil ako dun sa may tindahan. Nakita ko yung bahay nya, parang wala namang tao. Nagdadahilan lang kaya yun na may sakit?
Bumaba na ako, itatanong ko na lang kay manang kung may tao ba dito sa bahay nya.
“Ahm, Manang kilala nyo po ba si Sydney?” Tanong ko sa isang ale na nasa loob ng tindahan.
“Aba, oo naman, apo ko sya. Anong kailangan mo sa kanya?”
Kung ganon kasama nya ang lola nya sa bahay. “Kaibigan nya po ako,” kung narinig nya ‘to malamang sasampalin nya ako ulit. Nai-imagine ko na sasabihin nya sa akin ‘to: “At kelan pa tayo naging magkaibigan, ha?!”
“Nalaman ko po kasing may sakit sya,” pagpapatuloy ko.
“Ah, oo may sakit nga sya. Nilalagnat kasi nagpa-ulan kagabi.” Lumabas yung lola nya at pinagbuksan ako ng gate. “Pasok ka hijo.”
“Salamat po.”
“Ano nga palang pangalan mo?”
“Francis po. Pakisabi na lang po na ako po yung kaklase nya sa Stat.” Pumasok na si lola sa loob pero ako nanatiling nasa labas. Mabuti ‘to siguradista si lola.
YOU ARE READING
Happy Tears
RomanceSi Syd, naniniwala sya na kapag hindi sya nagmahal, hindi sya masasaktan.. pareho ba kayo ng paniniwala??
