University of The East Caloocan Campus

29.3K 463 42
                                    

Good morning guys eto draft na naman ako ng new chapter ng May Itsura at since nag aral ako sa UE sa Caloocan I decided to use this as my setting.

Picture of Tan Yan Kee building in UE Caloocan Campus.

Song I First Day High by Kamikazee

==================================================================================

CHAPTER THREE

Slater's Point of View

Finally first day of school incoming second year ako sa University of the East sa Caloocan Campus at nakita pa ako kinukulit nang Mommy ko na mukhang mas excited pa sa akin biruin mo nama alas kuwatro palang nang umaga ay ginising na ako sinabing malelate na daw ako.

Hays kung hindi ko lang mahal tong taong to baka kanina ko pa naupper cut pero siyempre joke lang yun hindi kaya ako nananakit ng babae.

Kaya wala pang alas sinco ay nakagayak na ako kaya nagdecide na lang ako mag login sa facebook account ko.

Napailing na lang ako dahil ang dami na naming nag aadd sa akin, hindi pa naman ako ng aapprove kapag hindi ko kilala.

Isa isa kong dinecline ang friend request at isang request ang nagpatigil sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa kakulitan ng taong ito, it's none other than the conceited self centered bastard na si Ruke.

Akala ko pa naman nang matapos ko itong ipahiya sa mall ay titigil na ito pero hindi eto't inaadd pa ako sa facebook ko.

"Block user." I said to myself blocking him from my Facebook account, thinking about this guy made me think about another guy.

Sa loob ng nakaraang linggo kasi ay hindi nawaglit sa akin isipin si Alex the nerd guy, how still want to help him in some way or another.

Mukhang masyado akong na enjoy sa pagbabasa ng City of Darkness na manga online kaya hindi ko namalayan ang oras at nang tignan ko ay seven fifteen na eh seven thirty pa namang ang unang klase ko.

"Mom alis na ko." Sigaw ko dito habang paalisay narinig ko pa itong nanenermon.

"Sinabi ko na kasi eh." narinig ko pang pahabol nito, mabuti na lang at hindi masyadong kalayuan ang school na pinapasukan ko since sa tabi lang ang village na tinutuluyan ko.

"Shit malelate pa ata ko oh." I said pero naisip ko naman na first day so baka ok lang naman na malate ako ng ilang minuto kaya bahagyang bumagal ang paglalakad ko.

Sa mga nakaraang taon ay gumaganda na ang UE Caloocan dahil napapalitan na an mga lumang building nito nang mas maganda at mas maayos na building una na nga dito ang Tan Yan Kee building for B.A students at since Marketing ang course ko ay doon ang building na papasukan ko.

Pagdating ko sa room 405 ay late na ako ng mga sampung minuto at saktong nandoon na pala ang Prof namin at hindi ko alam kung paano ako papasok na hindi maiinterupt ang lecture nito ngunit wala nang ibang paaraan, so just like in the commercial, kinuha ko ang Mentos sa bulsa ko at kinain.

"Good morning Sir, Slate De la Cruz reporting for duty." masaya kong sinabi.

"Glad you can come Mr. De la Cruz and to inform you, your late at hindi porke first day pa lang nang klase I will tolerate lates in my class." sita nito sa akin, kala ko magwowork pesteng Mentos commercial yan kaya medyo nahihiya akong umupo sa bandang dulo ng klase hindi ko tuloy napansin ang katabi ko, kaya medyo nabangga ko ito kaya nabagsak ang librong binabasa nito.

"Sorry hindi ko sinasadya." I said sabay pulot ng libro nito at hindi ako makapaniwala nang matitigan ko ito nang maigi.

"Ikaw!" napalakas kong sabi dito at nakita ko ang pagtataka sa mukha nito.

May Itsura (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon