“Ready Mom?” bungad sa amin ni Kuya ng matapos kaming maghugas.
Tumango naman si Mommy saka ako binalingan ni Kuya.
“Huwag ka ng maggagala sa labas at baka manguha ka na naman ng litrato sa labas ng hating-gabi” napairap na lang ako kay Kuya. Isang beses ko lang namang ginawa ang paglabas ng hating-gabi para kumuha ng larawan sa nabalitaan kong meteor shower pero ayun iyon parati ang ginagamit na paalala sa akin.
“Mico, ikaw na ang bahala rito at baka tumalon yan sa bintana”, biro ni Kuya kay Mico na ikinatango naman ni Mico.
Hindi ko talaga alam kong bakit ang laki ng tiwala nitong si Kuya kay Mico.
“Where are you going?”, masungit niyang tanong sa akin ng nakaalis na si Mommy at nakasunod pa rin ako sa kaniya.
“Maglalaro”, simpleng sagot ko sa kanya.
“Eh bakit sa kwarto ng Kuya mo?”, naiiritang tanong niya sa akin.
“Dahil hindi sa kwarto ko”bweheheheh gantihan lang ang drama ko sa kanya atsaka dali-dali akong pumunta sa loob ng kwarto ni Kuya at nakita kong nag-pause pala lang pala siya sa nilaro niya.
Tekken 5 ang nilalaro niya at wala pa siyang talo versus the computer pero napakunot ang nook o ng mapansin kong lahat ng tinalo niyang mga characters ay mga babae. Pati ba naman sa laro?
“Laro tayo”, untag ko sa kanya sabay abot sa game console.
“Ayoko.”
“Takot ka bang matalo kita?”, paghahamon ko sa kanya.
“Of course not. Takot lang ako baka maglupasay ka ng iyak pagnatalo kita.”sabi nya na ikinangiti ko. Alam ko na hindi siya aayaw sa hamon specially sa hamon ng babae.
“Okay at since napansin ko naman na hindi ka masyadong galit sa babae ganito ang magiging laro natin. Pipili ka ng 5 male characters na gagamitin mo at pipili din ako ng 5 female characters na gagamitin ko.”
“Okay”tamad niyang sagot sa akin na tila ba nagpapahiwatig na hindi siya threatened sa akin.
After 3 minutes ay nakapili na siya.
Pinili niya sina Marshall Law, Jin, Steve fox, Paul Phoenix at Bryan Fury habang ang mga characters ko naman ay sina Ling Xiaoyu, Nina Williams, Julia Chang, Christie Monteiro at Asuka Kazama.
“Let’s have a deal ang manalo can ask anything what he or she wants.”
“Okay”nabigla ako ng mabilis ko siyang napapayag. Pero ang pagkabigla ko ay napalitan ng pagningisi. Humanda ka sa akin Mico. You will be walking a step closer to me.
~~~~~~~~~~~~~~
Mico’s POV
Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap ang hamon niya sa laro. Baka kasi bored lang ako kaya tinanggap ko.
Walang akong planong seryosohin ang deal na nilahad niya at confident din ako na ako ang mananalo. Hindi nga nananalo maski isa sa mga teammates ko sa larong ito si Phoebe pa kaya na idagdag mo pa na puros mga babaeng characters ang ginamit?
Noong una ay wala akong planong seryosohin ang laro dahil alam ko na ako ang mananalo pero gusto ko yatang magsisi sa hindi ko sa pagseseryoso sa kanya dahil nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa paglalaro ngayon. Yung aura niya ay nag-iba, ang maganda niyang mukha na parating nakangiti ay napalitan ng seryosong mukha. Which results na nanalo siya. I am in awe. Sino ba naman ang hindi mamangha kung hindi man lang ako nanalo maskin isang beses.
Seriously? Is she for real?
POINK!
Pinitk nya ako sa noo.
“Wala man lang bang congratulations dyan?”, nakangiting saad niya sa akin.
“Okay congrats”, walang ganang sagot ko sa kanya.
“Thank you” pacute niyang sabi.
“Spill it” sabi ko. Alam ko naman ang salitang sportsmanship.
Nakita kong nag-isip siya ng malalim saka bumuntunghininga. Saka seryosong tumingin sa akin.
“I want you to…”napabuntunghininga na naman siya.
This is what I hate about girls. Alam naman nila kung ano ang sasabihin ay hindi pa rin sasabihin. In short magulo, nakakalito.
“You want what?”masungit na tanong ko sa kanya.
“I want you to…” ayun na naman ang pasuspense niya.
“Will you say it or kakalimutan na lang natin yung kasunduan?”, iritableng tanong ko sa kanya.
“Maghintay ka nga”sabi nya na panay ang laro sa kamay niya.
“Tssss”I am not a patient person kaya tumayo na ako saka lumakad papuntang pinto.
“Aishwantshyoushtodashttewithme”wala ako naintindihan sa sinabi niya na parang finestforward sa bilis.
“WHAT!”naiirita na talaga ako. Nakita ko na naman siyang bumuntunghininga at pumikit. Pero pagdilat niya ay tinititigan niya ako saka sinabi ang nakapagpayanig sa mundo ko.
“I want you to date me.”
A/n……. ang napakapilosopong si Mico sa gilid….
Anong say nyo sa gusto ni Phoebe?
Sa mga curious kina Samantha at Kirk may story po sila visit nyo lang po ang profile ko completed nap o yun…
Salamat sa comment mo hope you like this chapter @YannaNuevo
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 14
Start from the beginning
