Tumango na lang ako ayaw kong patulan ang panunukso ni Mommy eh naiinis nga ako di ba?
“Kasi anak wala siya doon, kaya nandito siya.”nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Mommy. Seriously? Kailan pa naging contagious disease ang pagka-pilosopo?
“Isara mo yang bibig mo anak dahil paparating na sina Kirk at ang pinagnanasaan este hinahangaan mo”
“Mommy”, saway ko kay Mommy. Dapat siguro hindi ko sinabihan si Mommy tungkol sa pag-like k okay Mico.
“Hello po Tita”, mabait na bati ni Mico.
“Nasa telepono ka ba para mag-hello ka?”, nasabi ko sa kanya dahil naiinis pa rin ako sa kanya.
“What?”, tanong sa akin ni Kuya na hindi naman tumitingin dahil nagkakalikot pa sa telepono niya.
“Anak kumain na tayo” nakangiting sabi ni Mommy.
''''''''''''''''''
“Oh Mico ito pang paella.”, napairap ako sa oa na pag-asikaso ni Mommy kay Mico habang ito naman ay parang asiwa sa ginawi ni Mommy.
“Mom, tantanan mo si Mico hindi yan sanay”, sabi ni Kuya.
Malamang totoo ang sabi ni Kuya dahil alam ko na kung bakit hindi siya interested sa mga babae dahil pala ito sa nangyari sa papa at lolo niya.
Nang malaman koi to ay mas lumakas ang urge ko na magkaroon siya ng interes sa akin.
Pero hindi ko alam na bukod sa hindi siya interesado sa babae ay ubod ng pilosopo pala ito.
“Phoebe are you listening?”,pukaw sa akin ni Mommy na may kasama pang kalabit.
“Huh? May sinasabi ko Mom?”
“Sabi ko susunduin namin ni Kuya ang Daddy mo”
“Okay Mom sasama ako” sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain.
“Huwag na anak samahan mo lang si Mico dito.”
“What?”muntik na akong mapaubo sa sinabi ni Mommy.
“He will be spending here tonight kasi tumawag si Tito James na malakas na masyado ang hangin sa kanila.”
Hindi na lang ako nagreact baka kasi mapaghahalataan ako masyado.
“Okay lang ba na susuong kayo sa baha Mom?”
“Hindi pa naman masyadong mataas yung tubig anak kawawa naman ang Daddy mo kung hindi masusundo”paliwanag ni Mommy habang nagliligpit kami ng pinagkainan.
“Sige Mommy basta ingat kayo ni Kuya”
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 14
Magsimula sa umpisa
