Mabuti pa si Kuya at Ate Sam na kahit magkakahiwalay soon ay masaya pa ring hinaharap ang sitwasyon nilang dalawa. Habang ako naman ay malapit nga si Mico pero tila kay layo naman nito sa akin.

BOGSH!!!!

Napahawak ako sa ulo ko na tinamaan ng maliit na unan na ibinato ng sino pa bang nilalang.

“Tsss alam mo ba na masamang makinig sa usapan ng ibang tao”, piangagalitan niya ako pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalaro ng Tekken sa X-box ni Kuya.

“Alam mo rin ba na masama ang namamato ng mga bagay ng ng walang ano-ano?”, panggagaya ko sa tono ng pananalita ni Kuya Kim kung magbibigay siya ng trivia.

“Tss so anong gusto mo magpaalam pa ako sa iyo?”, pang-iinis niya sa akin.

“Ewan ko sa iyo malaki ka na Nognog ko. Sabihan mo si Kuya na kakain na”, sabi ko sa kanya saka naglakad papuntang pinto.

Kailangan ko ng lumabas baka kasi magawa ko pa ang kinatatakutan kong gawin sa kanya specially na nakaexpose pa ang sexy niyang mga braso.

“Tisay!”, tawag niya sa akin bago ko mabuksan ng lubusan ang pinto.

Napalingon ako sa kanya.

Nakita ko siyang tinigil muna ang nilalaro niya at nakatingin siya sa akin. Wala sa sarili kong inayos ang buhok ko at ang suot kong shorts at oversized shirt.

“What?”,pukaw ko sa kanya ng mapansin kong nakatingin lang siya sa akin.

Hindi pa rin siya umimik kaya tinalikuran ko uli siya.

“Babatuhin kita ng unan ngayon”

“What?”, napatingin uli ako sa kanya. Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko siyang hawak-hawak na naman ang unan na binato nya sa akin.

“Ibabato ko na talaga ito sa iyo”, sabi nya saka binato ang unan sa akin at tumama sa mukha ko. Mabuti na lang atmahilig si Kuya sa mga malalambot na unan kaya hindi ako nasaktan.

“What the?” napasigaw ako sa ginawa nya.

“Di ba sabi hindi dapat nambabato ng walang pasabi, e di ayan nagsabi naman ako bago ko binato di ba?”, sabi nya ng may nakakalokong tingin.

“GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR”nasabi ko na lang saka tumalikod pero bago ako tuluyang nakalabas ay nakita ko na ngumisi siya.

“Saan na ang Kuya mo at si Mico?”, tanong sa akin ni Mommy na nadatnan ko na naghahanda ng makakain namin.

“Kausap pa ni Kuya si Ate Sam Mom”sabi k okay Mommy na tumulong na din sa paghahanda.

“Mom bakit nandito yung lalaking iyon?”

“Si Mico?”, sabi ni Mommy na may kakaibang ngiti sa labi. It’s a teasing smile.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now