♫ All I want for Christmas is you…….
At inikot niya ako without breaking the eye contact at narinig ko ang pagsinghap ng mga kasamahan ko. Pagkababa niya sa akin ay doon ko lang nalaman kung bakit sila napasinghap, umiiyak pala ako.
“I’m sorry” sabi ko saka dali-daling bumaba ng entablado.
Hindi ako nasaktan kaya umiyak ako. I was just carried away sa pitong salitang kinanta niya. If that’s his true wish for this coming Christmas ay hindi siya mahihirapan pero I know it’s the other way around. The one who should be singing that line is me.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“How’s school?” bati sa akin ni Mommy ng makauwi ako. Ang hirap talagang magcommute.
“Tiring Mom at ang hirap pang mag-commute lalo na at ang lakas ng ulan.”, sabi ko sabay upo sa sofa.
“Tapos ka na bang kumain anak?”, nag-alalang tanong sa akin ni Mommy.
“Not yet Mom” nakapikit kong sagot kay Mommy.
“Tamang-tama hindi pa kumakain sina Kuya mo”
Huh? Kailan pa naging dalawa si Kuya?
“Tawagin mo muna sina Kuya mo para may kasabay ka. ”, utos sa akin ni Mommy bago ko siya masita sa sinabi nya.
“Okay Mom”, sabi ko kay Mommy pero bago ako pumunta ng kwarto ni Kuya ay nagpalit muna ako ng damit.
“Kuya”, katok ko sa pintuan ni Kuya. Ilang ulit na akong kumakatok pero wala pa ring sagot si Kuya kaya pinihit ko na ang pinto para pumasok.
Pagpasok ko ay biglang kumabog ang dibdib ko ng maamoy ko ang pamilyar na amoy.
“What are you doing here?” kinakabahang tanong ko sa nakatalikod na si Mico.
“Tsss, bakit may kaibahan ba ang nakaupo dito sa Pilipinas sa nakaupo sa States?”supladong sagot niya sa akin na patuloy sa paglalaro ng X-box ni Kuya.
“Pilosopong Nognog”, bulong ko pero deep inside ay masaya ako dahil napapansin na naman niya ako.
“Asan ang Kuya ko?”, maya-maya ay tanong ko sa kanya.
“Anong akala mo sa akin, tanungan ng mga nawawalang tao?”, napatampal ako sa noo ko ng muli niya akong pilosopohin.
“Hoy Nognog umayos ka nga!”, medyo pikon na sabi ko sa kanya.
“Bakit Tisay, nakatiwarik ba ako?”
“Hmmmp” nasabi ko na lang saka hinanap si Kuya sa may veranda.
Napabuntunghininga ako ng marinig ko ang tawa ni Kuya habang may kausap sa telepono at ipupusta ko ang pinakamamahal kong dlsr camera kung hindi si Ate Sam ang kausap niya.
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 14
Magsimula sa umpisa
