“Any volunteer to be my partner?”, maya-maya ay tanong niya sa amin.

Wala akong narinig na sumagot, hindi na ako nabigla. Eh kung ganun kasungit ang magtatanong sa iyo ay tiyak na matatakot ka na magvolunteer dahil baka kung ilaglag ka pa niya.

“YOU!” katakot naman ang pagtawag niya. Ang malas talaga ni you.

Nakiramdam lang ako kung sino ang you na tinawag ni Mico pero parang wala yata akong narinig na umimik.

Ilang sandali pa at parang naghihintay silang lahat ng may marinig ako na naglalakad.

“Bingi ka ba?”, napaigtad ako ng may nagsalita sa harapan ko at pagtingala ko ay nakita ko ang nakakunot na noo ni Mico.

Parang gusto kong tumalon at sumigaw ng “MAY HIMALA!”dahil first time in two months ay nakita niya ako.

“Ako?” wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa mukha niya.

“Bakit may hindi ba ako nakikitang kasama mong nakaupo dito?” masungit niyang sagot sa akin at narinig ko ang hagikhikan ng mga kasamahan namin.

Napailing na lang ako at nanginginig ang mga tuhod na tumayo ako. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng matagal ko na pag-upo o epekto ito ng gwapong mukha ni Mico.

Kung kanina sa pagtawag niya ng you ay naisip ko na ang malas ni you ngayon ay binabawi ko na.

At kahit na palitan ng you ang pangalan ko ay papayag ako.

“Stop grinning like an idiot. Wala akong ibang choice dahil parang ikaw lang ang kaya kong buhatin dito Tisay kaya don’t make a big deal out of this.”, masungit na sabi nya sakin pero hindi ako naapektuhan. Nasanay na ako sa kasungitan in fact ay namiss ko.

“Okay Josh, Jaimie watch carefully, dapat may cooperation kayong dalawa para hindi mahirapan ang isa man sa inyo. Josh hold Jaimie in her waist”, napaigtad ako ng hawakan niya ang bewang ko demonstrating Kuya Josh what he had said.

Hindi ko na napansin kong sinunod ba nila ang sinabi nya dahil isa lang ang napapansin ko nagyon ang mainit niya kamay sa bewang ko na nakapagpakaba sa akin ng husto. To the point na parang nagha-hyperventilate na yata ako.

“Then Jaimie place your both hands on his shoulder to support your weight para kahit na madulas ang sinusuot mo ay hindi ka mababagsak” sabi nya atsaka kinuha ang nanginginig kong kamay saka pinatong sa mga balikat niya.

“Pasmado ka ba?” tanong nya sa akin. Napapikit na lang ako kasi ilang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin. Ang tukso ay napakalapit.

“Since this part is acapella Josh you can adlib na bubuhatin mo muna siya bago mo kantahin ang last part ng song like this.”

Wlang kahirap-hirap niya akong binuhat at ng umangat na ang paa ko ay saka siya tumingin sa mga mata ko atsaka kumanta.

Si Introvert at ExtrovertDonde viven las historias. Descúbrelo ahora