Chapter 1, 2, & 3

279 4 7
                                    

CHAPTER 1

Pwede mo ba akong samahan sa sementeryo?

Dadalawin lang natin  ang puso kong patay na patay sayo.

Notes and Lyrics

The Musical

December 12

for inquiries  blah blah blah

Well, nakita ko na naman ang poster niya.

Sa dinami-daming nakapaskil dun sa freedom wall ng school namin, yun yung unang-unang nahagip ng mata ko.

Ang poster ni Daniel ko.

Grabe. Parang nakatitig sa'kin ang sparkly eyes niya.

Hay, Daniel. Bakit ba ang gwapo mo?!?!

Sana lang talaga payagan ako ni Mama.

17 na naman ako di ba? Mentally and Physically able na ang 17 years old para mag-attend ng concert na mag-isa.

Basta matured na ako.Pwede na akong manuod.

"Oy Euri, tama na nga yan!  Malulusaw na ang kawawang poster na yan eh." --->Miah

"Miah! Nakakainis ka naman eh! Feel na feel ko nang tumitig,tapos sisingit ka para lang mapagbigyan ang nega mong side? May Ghad!"

"Kanina ka pa kasi yang ginagawa mong pagtitig eh.Nagmumukha ka nang tanga. Pati, magti-time na.  Ayokong ma-late sa klase ni Mrs. Velasco."--->Miah

Inis na si Miah, kaya kahit ayoko pa, sumama  na ako sa kanya. Ay hindi. Kinaladkad niya ko. As in >___<. Pssh. Wagas ang pagiging supportive bestfrined niya kahit kailan talaga.

I'm Euri by the way. Nickname lang yan. Ang real name ko, Eula Mari Ayuzawa. Taray noh? Im a half-Japanese and half-Goddess. hahah:D Joke lang po. 17 years old na ako,as stated above. freshman sa St. Catherine Academy.

And, I'm such a fan of Daniel Lopez.

kkkyyyyaaaaaaaaahhh! *_____________________________*

Nagsisimula pa lang si Daniel, inaabangan ko na talaga siya. From commercials, cameo roles, tv guestings, music videos hanggang sa nagkaroon na  nga siya ng big break sa music industry.

It's been five years since I first laid my eyes on him. And mula noon, nagpromise ako sa sarili kong sa kanya na lang iikot ang buhay ko.

Weird no? Kung tutuusin, hindi niya ako kilala. Hindi niya pa nga yata ako nakikita eh. Marami namang ibang lalaking nanliligaw sa'kin, pero wala sa'kin yang lahat.

In love?  I guess so.

Siguro nga, mahal ko na si Daniel. I know how to distinguish my feelings. Alam  ko kung infatuation lang ang nararamdaman ko o yung totohanan na.

At si Daniel, siya lang ang lalaki sa buhay ko.

Basta, yun na yun. Alam mo naman siguro ang feeling ng mahal mo yung isang tao. Yung makita ko lang si Daniel sa tv eh parang wala nang bukas na darating sa katitili  ko. Yung nalulunod ako sa tuwa pagnapapakinggan ko  yung boses niya sa radio. Yung pinapakilala palang siya, hindi ko na alam kung tatalon ba ako o uupo. Hahah:D Baliw.

Call it madness. I'll name it love.

Kaso, masyado bang elusive?  Masyado bang impossible? Sa palagay ko naman, hindi. Pinag-ppray ko naman kay Lord na sana magkatotoo rin yung pangarap ko. Nothing's impossible with him, anyways.

But, so much for that. We entered our class and thankfully, Ms. Velasco isn't there yet, pero hindi pa rin nama kasi time.We still have 5 minutes. 5 minutes na daydreaming about Daniel and I.

I'm TIRED, but I STILL LOVE YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon