Entry #32

1.7K 56 4
                                    

P.O.V ng isang LaLaki------😊

(ito ay isang note na gusto niyang ipabasa sa babaeng kanyang minahal pero nabigo at iniwan..sad note)

"BALANG ARAW"

siguro may mga bagay na hindi para saatin,mga sandaling pwede nating nakawin.mga oras na masaya tayong magkasama pero ngayon ay parang bula lang na biglang naglaho.Mga pangakong paniwalang-paniwala tayo,Hindi natin alam na sa isang iglap ay maglalaho ito.Sana magkita pa tayo at sa mga oras na yon ay mahal mo pa ako,Ewan ko nga lang kung magagawa mo pa iyon sa lahat ng mga maling nagawa ko.Alam kong bata pa tayo at marami pang taong darating sa buhay natin,pero kahit ganun mahal kita at aaminin ko yun.Wag ka sanang magbabago at ipagpatuloy mo ang iyong mapagpakumbaba,isa kang magandang babae at sa mga kaidaran natin ay isa kang magandang halimbawa.Hindi kita masisisi kung nagsawa ka saakin,sana sa susunod na lalapit ako sayo ay magkaroon ng himala.Himala na kung gaano kita kamahal ay maibabalik mo saakin,kahit na ang salitang MAHAL KITA ay pudpod na at binabato nalang sa hangin.BALANG ARAW maibibigay ko rin ang buhay na hinahangad mo,Sana sa araw na iyon,ako parin ang lalaking magpapatibok ng puso mo.Medyo nalulungkot ako nung mga araw na bumitaw ka,kahit na hindi naging tayo alam ko na alam mo na ginawa ko ang lahat para mapasaya kita.Kahit na malayo tayo sa isa't isa pinipilit ko parin na iparamdam sayo na andiyan ako sa tabi mo,Yung mga yakap na sana naibigay ko sayo.Sana mabasa mo ito,at kahit papaano kahit huling beses Mapangiti kita.BALANG ARAW magpaparamdam ako ulit sayo at sa mga araw na iyon sisiguraduhin kong nararamdaman mo ang pagmamahal ko.

the end..

A/N:Naluluha ako nung sinulat ko to para akong timang,pero sana nagustuhan niyo itong chapter:))tnx for reading and taking your time to read this book:))Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi :((pero hindi ito hugot,sad note lang..

Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon