Ano bang pinakanakakatakot na bagay sa mundo? Ang pagiging alone, o 'yung pagiging dependent ?
Kapag alone ka, malungkot hindi ba? Nakakatakot maging malungkot, marami kang maiisip na mga bagay. Mga bagay na dumadagdag sa takot mo sa kalagitnaan ng pag-iisa.
Kapag dependent ka, hindi ka sanay maging alone, matatakot ka na baka kapag 'yung taong sinasandalan mo ay mawala, guguho na ang mundo mo. Matatakot ka na sa lahat ng bagay dahil, madidisappoint ka kasi akala mo hinding-hindi ka bibiguin ng mga taong kinasanayan mo na. Masasaktan ka kasi mas inuuna pa nila 'yung iba kesa sa'yo. Most especially, maiisip mo na parang wala kang halaga sa mundong ito. Na para bang bigla ka na lang naging invisible, na 'yung attention na nasa sa'yo dati, nawala. 'Yung mga taong inaasahan mo, iniwan kang mag-isa. Now, it's just you against the world, against real life.
Bakit ba dependent at alone 'yung subject of matter natin? It's because these two said things are Faith's weaknesses.
Nasanay kasi siyang may taong palaging nandiyan para sa kaniya, may palaging susuporta sa kaniya, may lilingunin siya kapag nauuna siya at may palaging magbibigay ng attention at care sa kaniya.
Pero iba na ngayon para sa kaniya.
Real life is waving at her.
At dahil hindi niya matanggap na unti-unti siyang naiiwan, pilit siyang nagmamatigas sa mga bagay na kinasanayan at hinahanap-hanap niya.
But life is a bitch, a good one.
Pilit man siyang nagmamatigas, hindi niya maiiwasang lumambot dahil sa hidden beauty ng dalawang bagay na kinahihinaan niya.
That's when she'll realize how the things that keeps on knocking her down will lift her up.
YOU ARE READING
You Took My Heart Away
Teen Fiction"Kapag sinabi kong MAHAL KITA, huwag kang maniwala. Kahit gusto mo nang maniwala, please, pigilin mo." pilit niyang pinipigilan ang nagbabadyang likido mula sa kaniyang mga mata na tila'y nawalan ng buhay habang mariin siyang nakikipagtitigan kay Fa...
