"Okay. Is that all?" tanong niya at tumayo na siya.

Tinitigan ko siya. Parang hindi siya yung si Cone. Nagalit talaga siya kaya naiintindihan ko.

"Yun lang" sabi ko saka tumabi sa gilid para bigyan siya ng daan palabas.

Hindi siya tumingin sakin at tuluy tuloy lang na lumabas ng kwarto ko. Nakakapanibago. Tiningnan ko ang laptop ko at nakita kong tapos na ang homework ko. Kumunot lalo ang noo ko. Bakit niya ginawa to? Tsk.

Umiling na lang ako at sinara ang laptop saka ako bumaba para kumain. Wala pa rin si Papa kaya nauna na akong kumain. Natulog din akong maaga dahil wala na akong magawa kaya naman ang aga ko ding nagising.

"Good morning baby" bati ni Papa pagkababa ko.

"Morning" sabi ko saka naupo sa gilid niya.

"Hindi ka na galit sakin?" tanong niya na parang naninimbang pa.

Umiling ako habang nagsasalin ng pagkain sa plato ko. "Yung sinabi mong babawi ka.. Sigurado ka ba dun Pa?" tanong ko saka lang ako tumingin sa kanya.

Ngumiti siya sakin saka tumango. Tumaas ang dalawang sulok ng labi ko. "Gusto ko ng sarili kong motorbike" sabi ko.

Biglang nawala ang ngiti ni Papa at bumuntong hininga. "Inaasahan ko na yan" sabi niya saka tumayo at umakyat sa hagdan. Ilang saglit lang naman siyang nawala saka bumalik at may inabot saking maliit na kahon.

"Ano to?" kunot noong tanong ko. Baka alahas to, hindi ko kailangan nito.

"Open it" sabi ni Papa saka ngumiti.

Pinaningkitan ko muna siya ng mga mata bago ko buksan ang kahon. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ako. Kinuha ko ang susi na may kasama pang panabit na kotse at kulay gold! Nagniningning ang mga mata ko habang titig na titig dito.

"Tingnan mo na" narinig kong sabi ni Papa kaya naman tumakbo agad ako sa labas para tingnan ang motorbike.

Gusto kong magtatalon sa tuwa ng makita ko ang inaasam asam ko. Halos katulad lang din ito ng kay Papa iba lang ang kulay.

"Thank you Pa! You're the best!" sigaw ko at tumawa lang siya.

Inangkasan ko na ang big bike ko at binuhay ang makina.

"Mamaya na yan. Kumain muna tayo" Sabi ni Papa at sinunod ko naman ng hindi nagrereklamo.

Mabilis kong tinapos ang pagkain pero si Papa ang bagal bagal! Parang nananadya pero wala akong nagawa kaya hinintay ko na lang siyang matapos. Nakahinga ako ng maluwag at malakas na nagpasalamat kay Lord ng matapos siya at agad akong tumayo para maligo at magbihis. Magugulat si Yanna sa bagong sundo niya.

"NO WAY!" sigaw ni Yanna pagkalabas niya ng gate nila.

Nginitian ko lang siya habang inaabot ang helmet.

Umiling siya "Hindi ako sasakay dyan! Tapos ikaw pa ang driver! I'll die Pam!"

"Madali akong kausap Yanna, alam mo yan. Sige magcommute ka" sabi ko saka pinaandar na ang motor at iniwan siya.

Pero hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko.

"Wait! Pam!"

Tumigil at nilingon ko siya, tumakbo siya palapit sakin habang hinihingal.

"I hate you!" she rolled her eyes saka inagaw sa kamay ko ang helmet at sinuot.

"Kapit" sabi ko saka pinaandar ulit ang bike ko.

*

Tawa lang ako ng tawa buong byahe habang tili ng tili si Yanna at minumura na ko. Hindi pala mura si Yanna, once in a bluemoon lang o kaya kapag galit at ngayon enjoy na enjoy ko to dahil wala ng ibang lumabas sa bibig niya kundi puro mura.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon