"Good morning anak. Breakfast ka na," aniya at nakangiting inilahad ang upuan sa harap ni Luke.

Kinalma ko ang sarili at marahang umupo sa harap ng hapag. Salubong ang kilay ko at matalim ang titig kay Luke ngunit hindi ko siya mabugahan.. Hindi sa harap ng nanay kong malaki ang ngiti.

Luke, on the other hand, was just there sitting comfortably who didn't seem to faze by my sharp glances.

Nakatingin lamang siya sa akin na parang sinasabing maging mabuting anak ako sa harapan ng nanay ko. The guts of this guy!

Nagsimula na din akong kumain. Ngunit hindi talaga ako mapakali sa mga tanong na nasa isip ko.

"May appointment ka ba rito, Luke?" Tanong ko. I didn't want to sound rude but it seemed like my vocal chords can't help it.

Napatingin siya sa akin at ganoon na rin si Mama. Napansin ko ang pagsulyap nila sa isa't isa. I smelled something fishy between them.

Tumikhim si Luke bago sumagot.

"I'm just here to visit Tita Emily," sumulyap siya kay Mama na nakangiti sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. I wasn't convinced, really. There's something in my guts that's telling me it wasn't that.

"Really? This early in the morning?" Sarkastiko kong tugon.

"Why? Is there a proper time to visit someone?" Aniya at tinaasan din ako ng kilay. Kumibot ang labi ko sa inis. Medyo napahiya ako roon.

"Well.. It's just that this is unusual. Are you sure you're not having an affair with my Mom?"

"Empress!" Gulat na sambit ni Mama at nanlalaki ang mga matang tinignan ako.

Ngayon ko lang din narealize ang sinabi ko at alam kong mali iyon lalo na't nakaharap ang nanay ko. Oh, I wasn't thinking again.

"I was just kidding," pagbawi ko at nginitian si Mama. Binigyan ko naman si Luke ng matalim na tingin habang siya ay naka kunot noo sa akin.

"Anyway, I'm done," wika ko at tumayo na. "Ibababa ko lang ang maleta ko Ma.."

Bitbit ko na ang maleta ko nang bumaba ako. Nasa sala na si Mama at Luke. Hindi pa ba ito aalis? Aba'y sobra naman yatang pagbisita ito! Nakikain na nga siya ng breakfast, may balak ba siyang dito din mag lunch?!

Umirap ako sa kanya nang magtagpo ang tingin namin. Nakaupo patagilid sa akin si Mama kaya hindi niya ako kaagad napansin.

Nang makalapit ako ng tuluyan upang magpaalam ay saka lamang ito tumayo at yumakap sa akin.

"Kelan ang balik mo dito anak?" Tanong ni Mama matapos kumalas sa akin.

"Titignan ko pa Ma," wika ko. Tumango ito.

"Oh, siya. Mag iingat kayo sa biyahe," aniya. Napakunot noo akong tumingin kay Mama.

"Kayo? Kami nino?" Naguguluhang tanong ko.

Tumayo na si Luke at dinukot ang susi ng kotse sa bulsa niya. Tumingin ito sa akin at humakbang palapit.

"Let's go?" Tanong niya.

My eyes bawled out of their sockets in absolute horror! No. Freaking. Way!

"What?" Hindi makapaniwalang usal ko.

"Give me your load," aniya at sinubukang abutin ang maleta ko. Mabilis ko iyong inilayo.

"No! I'm going back to Manila alone!" Singhal ko at tinignan ang Mama ko na nalilito sa amin. "Mama naman eh!"

Para akong bata na nagpapadyak sa frustration. Paano nalaman ng gunggong na ito na aalis ako? Na babalik na ako ngayong araw at sa ganitong oras?!

"Anak, babalik din ng Maynila si Luke. Bakit hindi pa kayo magsabay?" Mahinahong wika ni Mama. Why did it felt like she has something to do with this?

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now