Author's note: Super thank you sa lahat ng nag welcome back sa'kin! Na-touch ako sa mga comment niyo. Kaya nakaka-inlove tong chapter na to. Sana ma-inlove kayo.
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-
~~~.CHAPTER TWO.~~~
How can I tell her about you?
Girl, please tell me what to do.
Everything seems right, whenever I’m with you.
So girl, would you tell me, how to tell her about you?
“Grabe na. Ano bang araw ngayon? Bakit oldies ang tumutugtog sa radio mo?!” sabi ni Patrick.
Nakasakay kasi kami sa kotse ko. Remember the pink convertible beetle?! Siya yung nagdrive. Hindi kami live-in ha. Natulog lang siya last night sa’min kasi nga po, pinag-usapan namin yung tungkol sa coffee shop namin.
“Monday. Hindi ko alam kung bakit yan yung kanta. Yan daw sabi ni Dee e.”
“Sino si Dee?!”
“Si DJ. Yung DJ ng radio! Hahahahahaha.” I laughed at my own joke.
“So stupid. Tss. Joke yun?! Corny ha.” Sabi niya habang nag crooked smile at pailing-iling siya.
Kinurot ko yung pisngi niya.”Sungeeeeeeeeeeeet ih! Monday na Monday nagsusunget. Alam mo, hindi bagay sa lalaki ang nakakunot ang noo. Kaya ngiti ngiti din. Hmmmm! Cute cute talaga.”
“A-araaaay! Kulit mo ah! Tigilan mo ko. Kapag tayo nabangga malalagot ka sa’kin. Hindi pa nga tayo kasal, mabubyudo na ako agad. Wag ganon! Papakasalan pa kita!” sabi niya.
Shet naman! Kung nakamamatay lang ang kilig, patay na ko. Nabuhayan ako ng dugo pati na rin lahat ng bacteria, germs, tae, ihi o lamang loob ko nagsibuhay ata e! Juskopo Lord! Parang kidlat kung manguryente e! Kinikilig ako. :”>
“Wag masyadong kiligin. Namumula ka. Lalo kang gumaganda… I love you, Stupid.”
“I love you too, Sunget.”
“Behave sa school. Kapag hindi ako naka-attend ng last class namin mamaya, nasa shop ako. Sumabay ka kay Beb sa pag-uwi pag wala pa ko ng 8:30.”
“Alrightee.” I said. Binuksan ko na yung pinto ko. “Thanks for the ride.”
Bababa na sana ako ng kotse nung bigla siyang nagsalita, “Stupid ka talaga. May nakakalimutan ka.”
ESTÁS LEYENDO
Marrying Mr. Wrong
Romance"True love comes right after you fell out of love with that person yet you still chooses to love him." ~Anonymous
