Chapter 1

3 0 2
                                        

Karen P.O.V.
(Mommy of kate story)

Bata palang ako ng mabuntis ako ng boyfriend kung si Chris 16 year old ako at si Chris 18 year old lang.

Chris buntis ako magkaka-anak na tayo!

Sinabi ko kay Chris na buntis ako pinuntahan ko siya sa bahay niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ka ba masaya?

Tinanong ko siya ng makita kong hindi siya masaya sa sinabi ko. Tinignan niya ako sa mata at hinawakan ang dalawang kamay ko

I'm sorry hindi pa ako handa na maging isang ama.

Nagulat ako sa sinabi niya. Anu daw?! hindi pa siya handang maging isang ama? Pero buntis na ako paano na ang anak namin kung hindi siya ayaw niya akong panagutan

Anong sabi mo? Sinabi ko at sinampal ko siya

Sorry talaga! Umalis kana bago kapa makita ng daddy ko! Sabi ni Chris at hinatak ako palabas ng bahay niya

Umiyak na lang ako at umalis na sa harap ng bahay niya. Wala na akong magagawa ayaw niya akong panagutan paano na ako ngayong mag-isa na lang ako wala na akong magulang namalalapitan pagkatapos malaman ng mga magulang ko nabuntis ako pinalayas nila ako sa bahay!

Dalawang taon na ang nakalipas ako lang mag-isang napapalaki sa anak. Isa siyang babae at pinangalanan ko siya Kate wala na rin akong narinig na anu mga balita tungkol kay Chris magmula ng huli kaming mag-usap.

Nakatira kami ng anak ko sa isang maliit na apartment at Magtatrabaho ako ngayon sa isang restaurant bilang isang dishwasher. Iniiwan ko muna si kate sa pinsan ko habang nagtatrabaho ako sa restaurant.
Makalipas ng dalawang buwan na pagtatrabaho ko sa restaurant may nakilala akong isang lalaki ang pangalan ni Mark. Anak siya ng may ari ng restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Mapakabait niya inaalagaan niya ako at kate. Hanggang nahulog na ang loob ko sa kanya at magdisisyon na kaming magsama at makalipas ang ilang buwan naming pag-sasama finally nagpakasal na kami. Makalipas ang 10 taon Naging masaya buhay ko kasama ang anak kong si kate at ang asawa kong si Mark. 12 year old na ngayon si kate. Isang araw nagbago ang lahat ang masaya kong pamilya naging magulo at malungkot nagsisula ang lahat ng malugi ang restaurant ni Mark. Maging mainitin ang ulo niya at laging nakainom. Inintindi ko siya kahit lagi kaming nag-aaway. Pero lumipas ang ilang araw lalo siya nagbago lalong tumindi ang init ng ulo niya at nagsimula na niya ako pagbuhatan ng kamay at kinukulong ni ako at si kate sa kwarto at minsan hindi niya kami pinapakain. Magbago na siya hindi na siya ang mabait na lalaking pinakasalan ko noon, naging isa siyang halimaw. Lumipas ang mga araw lalo siyang naging halimaw binubug-bug, sinisipa at kinukulong niya ako tiniis ko lahat-lahat kasi wala kaming ibang mapupuntahan ng anak kong si kate. Isang araw umuwi siya sa bahay ng lasing na lasing at binuksan niya ang kwarto kung saan niya kaming kinukulong ni kate sa tuwing wala siya sa bahay.
Takot na takot ako ng bumukas ang pinto ng kwerto at nakita kong May dala siyang baril

Gusto muna ba mamatay karen? Sabi ni Mark
at hinatak niya ang buhok ko at tinapat niya ang baril sa ulo ko

Wag please Mark! Nagmamakaawang sabi ko sa kanya

Binabaniya ang baril at tinulak niya ako sa kama at lumakad na siya palabas ng kwerto at ni-lock niya ulit ang kwerto.

Gusto ko ng sumuko pero paano ang anak kong si kate napakabata pa niya parang makita ang lahat ng gulong ito. Bumukas ulit ang pinto ng kwarto at nabuhay ulit ang takot ko ng makita ko ulit ang mukha ng halimaw kung asawa.

Labas kayong dalawa! Sabi ni Mark habang nakatayo siya sa tabi ng pinto

Bakit? Sabi ko at dali-dali ako tumayo at bitbit ko si kate

Hindi siya sumagot. Bumaba kaming tatlo sa ibaba at pinaupo niya ako sa kitchen may nakahahing pagkain.

Kumain na kayong dalawa! Sabi ni Mark habang umiinom ng beer sa living room

Kumain na kaming dalawa ni kate. Salamat kay god at nakakain din kaming dalawang mag-ina at nakalabas na kami sa kwerto. Pagkatapos naming kumain ni kate at hinugasan kuna ang mga plato. Tinawag kami ni Mark at pinaupo sa tabi niya sa living room habang umiinom

Mark lasing kana! Tama na. Sabi ko sa kanya

Wag mo akong pakialaman busit ka! Pa sigaw na sabi ni Mark at sinampal ako

Patutulugin ko na si kate! Sabi ko at tumayo na ako pero hinatak niya ako at bunugbog niya ulit ako. Wala kung magawa nakikita kong umiiyak si kate at pinipigilan siya ni kate.

Tama na po please! Sabi ni kate habang umiiyak

Tinulak siya ni Mark at sabay sabing "ikaw bata ka pumasok ka sa kwerto kung ayaw mong masaktan".
Dahil sa takot ni ng anak ko tumakbo siya sa kwerto. At pinagpatuloy ni mark ang pananakit niya sa akin. Pagkatapos niya akong saktan nakatulog na si mark sa sofa. Dali-dali ako pumasok sa kwerto at niyakap ang anak kong si kate habang natutulog siya.
Hindi kuna kaya! Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak sa tabi ni kate.
Magising si kate at nakita niya akong umiiyak at puno ng bugbog sa mukha at katawan. Mommy okay ka lang ba? Sabi ni kate at niyakap niya ako ng mahigpit

Hindi kuna kaya anak! Sabi ko kay kate habang hawak niya kamay ko. Inalis ko ang kamay niya sa pagkahawak sa kamay ko at tumayo na ako sa kama at kinuha ang mag damit ko sa kabit.

Mommy saan ka pupunta? Sabi ni kate habang nakatingin sa akin

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ko ang lagay ng damit ko sa maleta. Hindi ko na kaya ang kadimonyohan ni mark. Aalis na ako sa bahay na ito. Ng malagay ko na ang gamit ko sa maleta umupo ako sa tabi ni kate na umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Mommy aalis ka! Wag mo akong iwan please! Sabi ni kate habang umiiyak

Wag ka ng umiyak! Sabi ko at tumayo na sa kama. Hinawakan ni kate ang kamay ko pero inalis ko ang pakakahawak niya sa kamay ko.
Aalis na ako sa bahay na ito. Babalikan kita dito pag nakahanap na ako ng trabaho. I love you baby Sabi ko kay kate at dali-dali akong lumabas sa bahay. Hinabol ako ni kate sa labas at sinabing "Mommy don't leave me here. Sama ako sayo please"

Masakit sa akin na iwan ko siya pero wala akong pera hindi ko siya mabubuhay.

Babalikan kita promise! Wag ka ng umiyak at pumasok kana sa loob ng bahay! Sabi ko sa kanya at sumakay na ako ng sasakyan. Naririnig ko ang patawag niya sa akin ng "Mommy, mommy, mommy" habang umahandar ang sasakyan palayo.

Babalikan ko siya pag may trabaho at pera na ako para mabuhay ko siya.

Born For You Where stories live. Discover now