Bumababa ako ng hagdan nang tawagin niya ako. " Da, ano yung sasabihin mo? " he looked confused kaya natawa ako. " Wala. Joke lang. Bye Baste. " at nagsalute ako sa kanya. 

" Ginawa mo? "

" Obyus ba? Malamang hindi. "

**********

Inaway ko po si Baste. Opo. Inaway ko po siya. Kahit hindi naman at sadyang mababaw lang siya. -.- Matanong ko kayo.. Ayos bang magalit kapag hindi ka nakareply sa text at may sakit pa yung katext mong di nakareply? Ano? Hindi ba sagot mo? AYOS YAN! Siya kasi parang batang sinasabi yung word na AYAW. -.-

Pasalamat siya ayoko ng kaaway at mababa baba ang pride ko kahit iritangirita ako sa kanya. Hinanap ko siya para mag-SORRY -.- at natagpuan ko siya sa court. Nagpapraktis. 

" BASTE! " sigaw ko. Lumingon naman siya mula sa kinauupuan niya at tumingin sakin habang papalapit ako sa kanila.

" Baste, sorry di ako nakareply, wala na kong load e. "

Inialis niya ang tingin niya sakin at sinabing " HINDI! WALANG SORRY SORRY DITO! " Doon ako nag-crack ng tuluyan. Napayukom ang mga palad ko sa sinabi niya. " Wala? OK FINE! Babooo! " sigaw ko habang naglalakad palayo. Narinig ko naman ako sinabi ni Mar na " GAGO KA PARE! ISANG LINGGONG MAY SAKIT SI DARYL! DI MO BA ALAM? " And with that binilisan ko ang lakad ko papalabas ng gate. Tawag tawag pa niya yung pangalan ko. ANG KAPAL NG MUKHA! -.-

** The following months before Grad **

Ilang beses na nagsorry sakin si Baste. Pero patuloy kong ipinamumukha sa kanya yung mga salitang " WALANG SORRY SORRY DITO MANONG! " sa pagmumukha niya. Katulad ngayon.

" Ano ba Baste. Tigilan mo na ko. Please. " irita kong sabi sa kanya. " Sorry na Da. Di ko naman alam e. " Ramdam ko kung gaano kasincere yung words niya. " Da..."

" Baste. Listen. Makinig ka please? Kahit ngayon lang. Alam mo hindi ka naman dapat nagkakaganito e. HIndi ka nagpapakatanga, nagpapakagago sa babaeng walang alam kundi ubusin yung laman ng ref nila na kulang na lang pati cat food ng pusa niya kainin na niya.. " Medyo natawa siya sa sinabi ko. Ewan ko na lang kung tatawa pa siya sa susunod kong sasabihn.

" Di ka dapat nasasaktan ngayon, di ka dapat naghahabol. Baste, di naman sa ayaw ko sayo. Actually, nawala na nga yung hatred na nararamdaman ko sayo e, feeling ko bestfriend kita pero hindi e. Pero Baste, di ka naman panget, chinito ka nga e, di ka naman panot, wala ka namang amoy, mabait ka, matalino, medyo spoiled ka nga lang kaya nga dapat di ka nahihirapan. DI mo dapat pinapahirapan yang sarili mo. Baste, alam kong hindi mo alam na hindi talaga ako yung para sayo, kaya nga pinapaintindi ko sayo ngayon. Kase kung ako nga talaga, edi sana masaya ka ngayon hindi yung ganito ka, parang naglalaslas kana din e. Sorry Baste pero itigil mo na to, wala kang mararating sa pagbubuhay mo. Kilala ko ang sarili ko, hindi ako nagpapaasa ng kahit na sino kaya please Baste, get a hold of yourself, kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako pero pasensya na, hindi ako magiging higit pa sa kaibigan para sayo. " Halos mangiyak ngiyak na ko sa speech na sinabi ko. 

Tiningnan ko siya na nakahalf smile habang nakayuko. " Haha. Alam ko na kung bakit madami kang kaibigan, kung bakit andaming naghahabol sayo at kung bakit gustung gusto ka ng mga tao. Da, yan ang gusto ko sayo, sobrang honest mo. Kahit papano natutuwa ako kasi hindi ka nagsinungaling sakin at sa sarili mo. Salamat nga pala for being a good friend. Basta ang alam ko, hinding hindi mawawala tong nararamdaman ko para sayo. "

Sinuntok niya ko ng mahina sa braso at umuwi na. Ang bigat sa pakiramdam. Diba dapat magaan yung pakiramdam ko kasi nasabi ko na lahat? Kaso hindi. Ito na yata yung pinakamabigat na kasalanang nagawa ko kasunod yung pagbutas ko sa sofa namin gamit yung ballpen nung 4 years old ako.

*** Sixth Grade (1st week) ***

" Uy Daryl, natatandaan mo pa si Baste? Yung.. " 

" Ops ops! Oo. Natatandaan ko pa. Laki ng kasalanan ko dun Jasper. Bakit? "

" May naalala lang kasi akong sinabi niya . Kasi nga diba bestfriend niya ko. "

" Oo na matagal ko ng alam yan. Di mo na kailangang isuntok sa pagmumukha ko. Ano yun? "

" Una sa lahat, nagtransfer na siya. "

" ANO?! "

" OO! BIGNGI KA BA?! Alam mo perstaym ko siyang nakitang umiyak nun. Ikaw... "

" HOY! WAG MO KONG PAIYAKIN DITO! TATADYAKAN KITA E. *singhot* *singhot* "

" Ok sorry sorry. Eto na talaga. Sabi niya sakin dati may 5 promises daw siya sayo.

1. Susuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya.

2. Susundan ko siya kahit sa Canada man yan.

3. Sabay kaming gagraduate.

4. I'll never stop and never give up on her.

5. HInding hindi niya akong makikitang umiyak, lalo na kung dahil sa kanya. "

" Gago ka Jasper. *punas luha* Perswik na perswik pinapaiyak mo ko. Alam ko namang kahit ilang sorry pa sabihin ko dyan sa bespren mo e wala! "

" Baliw ka te. May isa pang promise yun. Kakasabi niya lang bago siya umalis. 

* Nabasted man ako, ituturing ko pa din siyang bestfriend at isa sa mga hinahangaan kong tao. "

*END*

Baste-d (One-shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora