Mortem Gadget: 7 STABS

Start from the beginning
                                    

"Umayos-ayos ka dyan ah! Oo na, ikaw na ang matalino dyan! Ngayon ipaliwanag mo na sa akin kung ano ang ibig sabihin ng gadget na yan at ipapaliwanag ko rin sayo mamaya ang kahalagahan ng buhay mo!" sigaw ko sa kanya pero alam nyo ang ginawa? Dinilaan lang ako at tumawa

"Kase nga, itong gadget na ito ay naglalaman ng mga secret files ng school na ito na tanging ang mga opisyal lang ang nakakaalam. Matagal nila itong itinago dahil ayaw na ayaw nilang may ibang makaalam ang kanilang mga sekreto." sagot nya in a serious way

"Talaga? So paano kaya kung nakawin natin? Para naman malaman natin ang mga sekreto ng school na ito! Nasaan kaya yun nakatago? Nasa principal's office kaya? O baka sa office ng president? Tara, mag-stalk tayo!" aligaga kong sabi sa kanya pero nagulat na lang ako nung tumawa na naman sya

"Hahaha, napakatalino mo talaga! Hindi ko alam na ganyan ka pala kautak! Paano mo naisip yun? Napakatalino mo talaga pero mas matalino pa rin ako! Alam mo bang nauna akong nakaisip nyan? Actually dala ko na nga ngayon eh. Pagkarating namin dito kanina, palihim akong pumuslit at hinanap ang gadget na ito." napanganga na lang ako nang makita ang hawak nyang tablet

"T-teka nga! Paano mo nakuha yan eh punong-puno ng CCTV ang school na ito? Kulang na lang eh pati ang septic tank ay lagyan na rin nila!" nagulat ako nang tumawa ulit si Leslei

"Hindi ko alam na sa likod ng napakatalino mong utak ay mayron palang natatagong kabobohan! Hahaha, nage-enjoy talaga ako sa kabobohan mo! Hahaha!" For the second time, binatukan ko na naman si Leslei. Ayoko muna syang patayin dahil sa kabila ng pagkatopak nya, marami syang naitutulong at alam kong marami pa syang maitutulong pa.

"Aray ko naman! Nakadalawa ka na ah! Aba siyempre sa talino kong to? Pumunta muna ako sa computer laboratory kung saan nakakonekta ang lahat ng CCTV at dahil matalino ako, nilagyan ko ng virus ang main computer na kung saan nakakonekta ang mga CCTV." sagot ni Leslei

"Hala! Eh paano na yan? Kung nilagyan mo ng virus ang main computer, paano na ang mga nai-record nilang mga incidents?" tanong ko sa kanya

"Inilipat ko lang naman sa kabilang computer. Tas kung tinatanong mo man kung paano na yung computer na nilagyan ko ng virus? Simple lang. Gumawa ako ng sarili kong virus na pinangalanan kong Floresca Virus. So far ako pa lang ang nakakagamit nun. Ang virus na ito temporary lamang. Mas umi-epekto sa mga computer kung saan nakakonekta ang mga surveillance camera. Tumatagal lamang ito ng 24 hours at hindi ito napapansin kaagad dahil kung titgnan mo ito, parang naka-live rin pero ang katotohanan eh photo na lang ito ng area. Oo, photo lang na hindi gumagalaw kaya kung titgnan mo ay blangko lang na area kaya kung susuriin ay parang nasa area ka nga talaga. Makikita mo lang na peke ito kung tititigan mo maigi. Oo nga't masisira nito ang lahat ng nilalaman ng computer, pero after 24 hours ay manunumbalik ang dating gana ng computer at magkakaroon ulit ito ng mga bagong files. Magagamit mo ulit ito ng normal gaya ng ibang mga computer." pagpapaliwanag ni Leslei. Ganoon na ba sya katalino at nakagawa na sya ng sarili nyang computer virus?

"Oo na! SIge na! Sobrang bilib ko na sayo! Pero nasaan na yung gadget na yan at gusto kong makita!" sigaw ko sa kanya kaya tinakpan nya agad ang bibig ko

"Shh, wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo dyan! Alam mo bang mainit ngayon sa mata ng mga tao ang tablet na ito? Ang tagal nila itong itinago kase diba nga nandito lahat ng secret files ng school na ito? Pati na rin kung saan nagmula ang patayan at mystery? At baka mamaya may makarinig pa sayo dyan na opisyal, ipapatay pa tayo! Kaya shut up ka na lang pwede?" sinamaan ko na lang sya ng tingin dahil sa sinabi nya

"Heto na yung gadget!" sabi nya sabay labas nun sa bag nya, bago pa man nya yun mabuksan eh hinablot ko na agad

"Huy teka lang naman!" reklamo nya pero di ko yun pinansin

Mortem's Curse: BARYOWhere stories live. Discover now