Mortem Gadget: 7 STABS

1.1K 28 6
                                    

Killer's POV

Una sa lahat, ayoko munang magpakilala kung sino ako. Para may pasabog factor.

Nandito kami ngayon ni Leslei sa rooftop para pag-usapan ang ilan sa mga nalalaman nito

"Hanggang ngayon talaga, hindi pa rin ako makapaniwala na tatlong taon na syang patay! Eh sino yung babaeng kasama namin? Sino yung nagtuturo sa amin? Sino yung nakakausap namin? Sino yung mga tagatawag sa mga clients kung sakaling may kailangan?" sunod-sunod kong tanong

"Alam mo kase, hindi man ako naniniwala sa mga multo na yan, totoong nag-eexist pa rin sila. Ayon kase sa mga research ko, hindi pa daw umaalis sa mundo ang mga kaluluwa hangga't hindi pa nila natatapos ang misyon nila dito sa lupa. Meron din yung iba, yung mga pinatay, hindi pa sila umaalis hangga't hindi nagbabayad o hangga't hindi napaparusahan ang pumatay sa kanila. Ewan ko lang kung alin doon si ma'am Mara?" sagot naman nya

"Ewan ko ba? Hindi ko na alam ang mga nangyayari!" yun na lang ang nasabi ko dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"Teka nga, saan mo pala nalalaman yang mga yan? Ikaw ah, napaghahalataan na kita!" tanong ko sa kanya

"Di mo ba alam? Wizard ako pagdating sa mga mystery na yan!" -Leslei

"Sorry, di ko alam. Ngayon lang kita nakilala eh." sarcastic kong sagot "So paano mo nga nalaman? Kapag ikaw hindi sumagot ng direct to the point, isusunod na talaga kitang papatayin!" pagbabanta ko sa kanya at sinisigurado kong gagawin ko yun kapag hindi sya sumagot ng maayos

"Dahil sa Mortem Gadget!" masaya nyang sagot

"Hoy, hoy, hoy! Anong Mortem Gadget ka dyan?" nawala naman ang ngiti sa mukha nya at napalitan ng grin. Yung titig na hindi makapaniwala

"Oh, anong meron sa tingin na yan?" nagtataka kong tanong na may pagbabanta sa tono

"Oh my gosh! Taga-Mortem ka ba talaga?" mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi nya

"Aba malay ko kung anong meron dyan sa gadget gadget na yan? Malay ko ba kung ano yan!" sagot ko sa kanya

"Oh my gosh ka talaga! Sige na nga! Ipapaliwanag ko na sayo dahil ang hirap nga namang makipag-usap sa mga taong hindi nakakaintindi gaya mo! Tanga lang for short!" nainis naman ako sa sinabi nya

"Anong sabi mo? Ako tanga? Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ha! Baka nakakalimutan mong ako ang killer ng school na ito at pwede kitang patayin anytime!" imbes na matakot ay pinagtawanan lang ako ni Leslei

"Okay go! Sige lang. Ano namang mapapala mo kapag napatay mo na ako? Great revenge? Successful life? Happy living? Hahaha, mas marami ka pang mapapala kapag pinapanatili mo akong buhay! At least nakakakuha ka ng idea tungkol sa past! Hindi yung patay ka na lang ng patay dyan na hindi man lang alam ang past mo at kung ano nga ba ang tunay na intensyon ng paghihiganti mo! Tama ba ako?" pagmamayabang na sagot ni Leslei. Oo inaamin ko nga na wala akong kasiguraduhan. Basta ang alam ko eh may ipinaghihiganti ako na namatay dati dito sa school na ito na malapit sa akin.

"Wag ka ngang mausisa dyan! Sinong nagsabi sayo na pwede mong pakialaman buhay ko? Ano ba kaseng meron sa gadget na yan?" naiinis ko nang tanong

"Hindi mo ba talaga alam? Bago ka pumasok dito sa Mortem, wala ka bang nababalitaan tungkol sa gadget?" tanong nya kaya saglit akong napaisip

"Basta ang alam ko lang noon ay meron isang tablet na naglalaman ng secret files. Pero wala akong nababalitaang gadget!"sagot ko sa kanya

"Eh talaga naman palang ang tanga mo! Bakit hindi ba gadget ang tablet? Yun nga yung tinutukoy ko!" binatukan ko naman sya dahil sa sagot nya

Mortem's Curse: BARYOWhere stories live. Discover now