Ang Aking Pagtalon

18 3 1
                                        

Nakita kita sa baba ng kinatatayuan ko.
Hindi ito tungkol sa antas ng buhay o kung ano man
Hindi ko sinasabi na mas marami akong alam kaysa sayo
Hindi ko sinasabi na kailangan mong tingalain ako.
Hindi ko alam kung pano ko ito mapapaliwanag
Pero nakita kita talaga kita sa baba
Takot akong mahulog mula sa mataas na lugar
Pero hindi ko mawari kung bakit ako tumalon
Tumalon ako papunta sa iyo,
Tumalon ako habang iniisip na sasaluhin mo ako
Parang bola na malapit nang tumama sa sahig
Parang prutas na nahuhulog at sa taas pa nanggaling
Parang dahon na nalagas at sumusunod sa hangin
Parang ako na nahulog... nahulog sayo.
Sa bawat galaw mo,
Sa bawat ngiti mo,
Sa bawat pagtawa mo,
Sa bawat pagtingin mo,
Malapit na ako sa'yo. Malapit na kitang mahagkan
Hindi ko alam kung gano kataas itong aking tinalunan
Pero ayos lang basta't ikaw ang aking babagsakan
Sasaluhin man o hindi, ayos lang basta't ikaw ang dahilan.

Mga Naiisip Ko Tuwing GabiStories to obsess over. Discover now