networking

11 0 0
                                        


meron akong nililigawan
Ang tagal ko na siyang nililigawan. Almost eight months na rin yata. Wala naman akong inaasahan from her kasi alam kong hindi naman tipo ko ang ideal guy niya. 'Di naman kasi ako gwapo. Unlike her ex boyfriends na famous sa campus. May galing sa booster, may drummer, may institute singer, e ako simpleng estudyante lang.

Pero one time nagulat ako kasi nag message siya sakin sa facebook. She asked me if I want to have a coffee bonding with her. E siyempre umoo agad ako. Sa starbucks daw sa P.Noval. Sobrang excited ko. Habang naglalakad mula condo papuntang P.Noval iniisip ko kung bakit bigla niya akong pinansin. Inisip ko na siguro napansin niya na yung mga efforts na ginagawa ko for her kahit alam kong wala akong chance sa kaniya. Pag dating ko sa coffee shop nandun na siya. Naka smile. Umorder kami syempre treat ko kasi ako ang lalaki. Tapos konting chitchats. Maya-maya bigla siyang naglabas ng parang magazine.

Her: Open-minded ka ba sa business?
(In my mind: Fuck! Networking!)
Me: *panggap na walang alam sa ganun*
Her: *diniscuss yung about sa recruiting at bayaran something*
Me: Ah. Ay sorry wala kasi akong pera for that.
Her: Aww. Sayang naman.
Me: Sasagutin mo na ba 'ko pag sumali ako diyan? *pa joke kong sinabi*
Her: Hahaha! Hmmm. Sige! Tutal maeffort ka naman saka matagal mo narin akong nililigawan diba?
Me: Oo nga. Haha!
Her: Sige, here's the deal. Sasagutin kita kapag narecruit kita at nakapag recruit ka ng ten people. Okay?
Me: Sure!

To make the long story short:
Nakapag recruit ako ng ten people. Napag bayad ko na rin sa kanya. Some are my friends, my cousins, uncle and aunties.

Then tinanong ko siya. "So tayo na ba?"

Her: Oo. Yun yung agreement eh.
Me: So girlfriend na kita?
Her: Yup.

So naging kami na nga. Pero walang pang one month dinededma niya ako. Busy daw siya. Pinapatayan ako ng phone. Never siyang nagsabi ng "I love you" sakin. Puro "thank you", "haha". Saka ako nakahalata na FAK! NAGOYO ATA AKO NITO. Tinawagan ko siya sabi ko usap kami. Ilang attempts yun kasi puro siya busy ako, hindi ako pwede. For the sixth time, pumayag siya.

Nilinaw ko sa kanya kung anong meron samin.

Then sabi niya..

"SINABI KO, SASAGUTIN KITA. PERO HINDI KO SINABING MAMAHALIN KITA."

Tanginang yan! Para sakin lang pala kami.

Ayun, nag back out ako sa networking niya pero hindi na raw maibabalik yung pera. Pinalit ba naman sa sampung libo ko e kahon-kahong kape, sabon at glutathione. WTF! Sa'yo na yan!

Moral lessons: 1. Ang pagmamahal, hindi naipipilit dahil kung ipipilit mo, ikaw lang ang masasaktan.

2. Shit! Wag kayong sasali sa deputang networking shits na yan! Bullshit! Wala na akong tiwala sa mga taong mag aayang magkape!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

networking palaWhere stories live. Discover now