Bind 7

3.1K 94 2
                                    

BIND 7

Ilang buwan na ang nakalipas simula nung makilala ni Sapphire ang bampirang si Jiro.

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung makaranas si Sapphire ng mga kakaibang bagay tulad ng biglang pagsakit ng ulo niya, biglang pagpapakita sa kanya ng isang babae na paminsan ay lalaki at paghapdi ng likod niya..

dahil sa mga nangyayaring hindi maipaliwanag, hindi napansin ni Saph na malapit na pala ang kaarawan niya.. ang ika-labingwalo niyang kaarawan.

SAPH'S POV

(Date: September 4, 20**. 11:50am)

Nagising ako dahil sa sobrang hapdi ng likod ko.
"AAAAHHHHHHH!" Napasigaw ako sa  Sobrang hapdi at napaupo ako sa sahig.

"A-Ahhhhh!" Sigaw ko ulit. Sa sobrang lakas yata ng pagsigaw ko eh narinig nila Jiro.

"S-SAPH!" Sigaw ni Jiro at ni Zidler. Lalapit na sana sila sa akin pero sabi ng Extinct ko ay itaboy ko sila.

"W-WAG K-KAYONG LALAPIT!" Sigaw ko sa kanila na naging rason ng paghinto nila sa paglapit sa akin.

"Anong nangyayari sayo Saph?!" Tanong ni Jiro.

"S-saph.."  wika naman ni Zidler.

Hindi na ako umimik at napasigaw na lang sa sobrang sakit. Miski ako  ay hindi ko rin alam ang  nangyayari sakin.

"AAAAAHHH! A-Araaaay!" Sigaw ko. Lalapit nanaman sana si Jiro at Zidler ngunit muli ko silang pinigilan.



11:55am


JIRO'S POV

Nanlaki ang mga mata ko sa nasasaksihan ko.. Si Saph..

Nakadapa siya sa sahig habang namimilipit sa sakit.. Wala man lang akong magawa.. Gusto kong lumapit ngunit pinapalayo niya kami..
Unti unting nagbabago ang kulay ng mga mata niya..

Ang mga itim niyang mga mata ay naging kulay asul kasabay ng pagliwanag ng kanyang likod. Habang nakahiga siya sa sahig ay nagkaroon ito ng marka..

 

 

 

 

Ang marka ng kinamumuhian kong lahi..

 

 

Ang marka ng mga Equinox.



SAPH'S POV

(Date: September 5, 20**. 12:00am, Sapphire's 18th Birthday)

Habang namimilipit ako sa sakit ay may mga nagflashback sa akin na mga ala-ala..

Para itong isang bangungot.. Nakalutang ako sa ere.. Mula dito ay kitang kita ko kung paano paslangin ng mga bampira ang mga tao sa lugar na iyon.

Sirang-sira na ang lugar na iyon.. Ang mga magagandang bahay ay wasak na.. Ang mga puno ay nagsibagsakan at ang napaka linis na ilog ay unti unting nagiging kulay pula dahil sa mga dugo na dumaloy papunta rito.. Ang ikinabigla ko lalo ay ng makita ko ang babae sa litratong nakita ko sa inuupahan kong bahay..


May niligtas siyang isang bata mula sa isang napakalakas na pag atake at pagkatapos nun ay nakita ko na lang ang babaeng iyon na nakaratay sa lupa, Duguan habang ang batang lalaki naman na niligtas niya ay nakaupo lang.. Wala kang mababakas na ekspresyon  sa mukha nito.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay bigla na lang nagliwanag at napunta ako sa loob ng palasyo.. Doon ko naman nakita ang lalaking kasama ng babae sa litrato habang nakaluhod sa sahig at duguan siya.

"Hindi ko isusuko ang Trono sa iyo Eujime! Kahit ako pa ay iyong paslangin!" Sigaw ng lalaki sa Isang bampira na nagngangalang Eujime.

"HAHAHA! Wala ka ng mgagawa Judis! Katapusan mo na! Ji Ronan, aking anak.. Lumabas ka na! Ikaw ang pumaslang sa hunghang na ito! Ayokong madungisan ng malansa niyang dugo ang aking mga kamay!" Pagkatapos banggitin iyon ni Eujime ay lumabas mula sa madilim na parte ng lugar na iyon ang isang pamilyar na lalaki na siyang ikinabigla ko.. Si Jiro, Siya ang tinutukoy na anak ng  bampirang si Eujime.

Unti unting lumapit si Jiro kay Judis at Itinarak dito ang isang espada na sanhi ng pagsuka nito ng dugo.

"Mapatay niyo man ako ay hindi pa rin kayo magtatagumpay.. A-ang a-anak k-ko.. Pa-patayin niya k-kayong l-lahat.." Pagkasabi ni Judis nun ay nawalan na siya ng malay. Patay na siya.

"Sawakas! Mapapasakin na rin ang Trono! HAHAHAH! Wag ka mag ala-ala Jiro! Sayo ko rin ipapasa ito pag dating ng takdang panahon. Sa ngayon, Hanapin mo muna ang Prinsesa at paslangin siya!" Utos ng bampirang nagngangalang Eujime kay Jiro.

"Masusunod aking ama." At nawala na ng parang bula si Jiro.

Pagkatapos ng tagpong iyon.. Biglang nagliwanag at Napunta ako sa isang napakagandang lugar.. punong puno ito ng  mga bulaklak. Nakatayo ako sa gitna nito ng biglang lumitaw si Tifa sa tabi ko. Seriously? Palagi na lang pasulpot sulpot tong babaeng to hah -___-

"Tifa?" Tanong ko.

"Ako nga kamahalan.. Tungkol sa mga nakita mo kaninang ala-ala..." Umpisa ni Tifa.

"Ano naman ang tungkol doon Tifa?" Tanong ko.

"Ang mga iyon ay ala-ala mong lahat Saph.." Wika ni Tifa.

"Paano naman naging sa akin iyon Tifa?! Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari?!"

"Ang mga taong pinatay ng mga bampira ay iyong mga kalahi.. Pinatay sila ng mga bampira galing sa Angkan ng mga Shin... Kung natatandaan mo.. May nakita kang isang babae na niligtas ang isang batang lalaki hindi ba?" tanong ni Tifa sa sakin.

"Oo.. Bakit?" Tanong ko.

"Ang batang lalaking iyon ay isang bampira.. Siya si Ji Ronan Shin. O mas kilala mo  sa pangalang Jiro." Sambit ni Tifa na ikinabigla ko naman.

"At ang babae naman na nagligtas kay Jiro ay ang iyong Ina Saph.."

"H-hindi... k-ko maintindihan.." Sambit ko.


"Ikaw ang Prinsesa ng mga Equinox Saph.. Ang mga tumatayo mong magulang sa mundo ng mga mortal ay hindi mo tunay na mga magulang.. Sila ay Isa sa mga  tapat lamang  na tagapaglingkod ng Iyong Ina't Ama." Wika ni Tifa.

"Dinala ka nila sa mundo ng mga tao upang iligtas ka mula sa kamay ni Eujime." Pagpapatuloy ni Tifa.

"Eujime?" Tanong ko.

"Si Eujime.. Ang pinuno ng pinakamakas na Lahi ng mga bampira. Siya ang pumatay sa iyong Ama na si Haring Judis upang maagaw ang Trono mula sa iyong mga magulang." Pagkasabi nun ni Tifa ay Tumulo bigla ang mga luha ko.. Dahil..

Hindi si Eujime ang tunay na pumatay sa aking ama base sa ala-alang bumalik sa akin kundi..

 

 

 

 

Si Jiro.. Siya ang pumatay sa aking ama.

*End of Flashback*

Taming A Hot Vampire [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon