Love Or Game (KRISJOY One Shot)

750 22 11
                                    

 Dyna's POV

Dyna: ... OH? Ano??!!!! 

Mainit ang ulo ko habang kinakausap sa phone ang bestfriend kong si Lester.

Dyna: Eh ano naman ngayon kung nakipagbreak ka na naman sa girlfriend mo? Eh nakipagbreak din ako............................... Tinatanong pa ba kung bakit? Eh bored ako eh?.............................. Heartless ako?? Dahil nakipagbreak ako sa Boyfriend ko? Pareho lang tayo g*go! Nakalimutan mong playboy ka! Kung sakalin kita diyan eh! We're both heartless!! 

At binabaan ko na lang siya ng telepono. 

Heartless ba ang tawag sa taong madaming boyfriend? heartless pa ba yun? Napakamapagbigay ko nga eh! Shini-share ko yung atensyon ko sa mga nagkakagusto sakin.

1 message from Lester...

Meet me ASAP. Same location.

Aba! Kung makapagdemand akala mo kung sino!!! Hindi ikaw ang boyfriend ko noh!!!

Pero di  ko din naman natiis ang bestfriend ko. Pinuntahan ko din naman siya after ng isang oras. Naabutan ko naman siya sa Resort nila na may kaakbay na babae. Inaagaw ko yung hawak niyang baso ng alcohol (kung anumang inumin hindi ko alam basta alam ko alcohol, hindi na ako nag-abalang magtanong) at sagad na ininom ito. Naramdaman ko na naman ang matatalim niyang titig kaya...

Dyna: Ano??!!!!

Taas kilay kong sigaw sa kaniya na di man lang pinapansin ang kasama niyang babae.

Lester: Ba't ngayon ka lang? Sabi ko ASAP diba? As soon as possible yun kung sakaling hindi mo alam.

Umakto akong tumingin sa relo.

Dyna: Oh ano? Isang oras pa lang naman ang nakalipas ah. Anong minamadali mo?

Sarcastic na sabi ko.

Oh? Diba? Parang wala lang siyang kasama! Basta kami ang magkasama ni Lester, wala ng tao sa paligid. Puro sigawan na lang lahat. Ganun kami eh. Weird kaming magbestfriend.

lester: Tsk!!

Yun lang ang sasabihin niya? Naku!!!!

Dyna: Ba't mo ako pinatawag? 

Lester: Kwentuhan mo ako sa boyfriend mo.

Dyna: Sino bang boyfriend ang tinutukoy mo? Si Arnold ba, si Warren, si Martin, si Joem or si Javen?

At ngumisi ako after enumerate ang mga boyfriends ko. 

Lester: Yung kakabreak lang.

Dyna: Ah... Wala na sa listahan yun. Ex na yun. Hindi na kailangan pag-usapan. Eh sino naman 'tong kasama mo?

Kita niyo? Parang hindi lang talaga nag-eexist ang babaeng 'to.

Lester: ah.. Si Shiela.

Agad namang kumunot ang noo nung babae. I knew it.. Ganito na naman ang mangyayari.

"Anong shiela? Babe! I'm Katrina!"

Pinigilan kong tumawa pero hindi ko kaya kaya nilayuan ko  na sila. Resorts ang business ng family nina Lester. Kung tinatanong niyo kung gaano karami ang resorts nila ay di ko alam. Tanungin niyo siya.

Lester: Hoy Babae! Ba't mo ako iniwan dun?

Tanong ni Lester nang nahabol niya ako.

Dyna: Eh natatawa ako eh. Girlfriend mo tapos di mo kilala?

Lester: Masisisi mo ba ako kung sa sobrang dami nila di ko na sila kilala?

Dyna: atleast ako, kilala ko pa rin mga boyfriends ko. Mas matino pa ako sayo eh.

Love Or Game (KRISJOY One Shot)Where stories live. Discover now