''ok class you may go.'' pagdidissmiss ko sa klase.
Im a instructor for technical defenses visual of art, also known as artist teacher.
Pagkatapos ng klase ko ay agad akong umuwi.
Pagdating ko sa condo ko nagpahinga ako ng konti at naligo na.
Habang nakababad ako sa bathtub at nagrerelax, nakarinig ako ng kaluskos sa labas ng banyo. Nung una di ko ito pinansin pero ng napamulat ako sa pagkakahiga sa bathtub ng biglang bumukas ang pinto ng banyo.
Napatayo ako at hinila ang towel na malapit sakin.
''si~sino kayo?!'' tanung ko sa tatlong lalaki na nakaharang sa pinto ng banyo. Bakit ganun? Para silang ninja? Nakatakip ang mukha.
''dika namin sasaktan kung kusa kang sasama sa amin.'' sabi nung nasa gitna.
''a~ah?! Hi~hindi! Di ako sasama sainyo!'' bulyaw ko sa mga to.
''mukhang di ito makukuha sa pakiusap, kunin niyo na siya at dalhin.'' yung nasa gitna ulit. At umalis na ito naiwan yung dalawang kasama nito.
''wag kayong lalapit!'' banta ko sa mga to, habang nasa bathtub parin ako at nakatayo.
Aktong hahawakan na ako ng mga to ng biglang may humarang na lalaki, teka? San dumaan to? diko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin.
''wag niyo siyang gagalawin.'' sabi nung lalaki. Nang biglang maglaban ang mga to, isa laban sa dalawa. MalaAction Movie ang dating at ng mapatumba niya na ang mga to humarap ito sakin.
⊙_⊙
ANG GWAPO SYEEETT!!! Tili ng malandi kong isipan.
Hinila ako nito palabas ng condo ko, hanggang makadating kami sa parking lot at hinagis nito ang susi ng kotse ko.
''umalis na tayo dito habang wala pa yung iba.'' sabi nito at sumunod naman ako??? Parang kusa lang? Ganun?
Tsaka ko nalang napansin na nakatapis lang pala ako ng tiwalya -__-' ...
