CHAPTER 29

992 11 0
                                    

Nabigla si Devon sa nakita niyang papasok din sa hotel kasabay niya si James at ang isang

magandang buntis, ito siguro si Trish bulong ni devon sa sarili, kunwari di niya nakita pero

nagtama ang mata nila ng babaing buntis na kasama ni James at biglang nanlaki ang mga mata

nito pagkakita sa kaniya na tila nakakita ng magandang regalo na kung saan matagal nang

inaasam..

Trish: OMG..OMG.. I can't believe this...your May Natividad right?(tanong nito sa dalaga na di na nagawang lumakad ng mabilis para makalayo, aminin man nito o hindi inggit at selos ang nararamdaman niya sa babaing kasama ni James

James: silly, she's not May natividad sweetie(saad ni James na Nabigla pagkakita kay Devon, di niya inaasahang makita ulit ito sa araw ding iyon) she's Devon, Bret's sister..

Devon: hi, yes I'am May Natividad, Actually Devon May Natividad Seron (tugon niya sabay ngiti ng pagkatamis tamis sa dalawa,pero mas sa babaing buntis)

Trish: oh my your really pretty, much more pretty in person and no make-up, I'm a huge fan, as in..wait your Devon?Bret's sister? so its you that James were talking about?(nanlalaki ulit ang mga mata nito sa narealize na rebelasyon )

James: we'll go ahead Devon, nice meeting you again(dali daling hinila ang kawawang buntis, panu natunugan at kinabahan sa maaring bitawang salita ng dating fiancee na  ngayon ay best friend na niya, alam nito ang lahat..ang nararamdaman niya kay Devon at ang pagkakaroon na ni Devon ng fiancee)

Trish: bye baby, hope we could be real friends(nasabi nalang niya na sinadyang tawagin ng baby si devon para inisin ang kaibigan, who would have thought na ang modelong hinahangaan niya at pinaglilihian niya ay ang babaing iniibig ng kaibigan niyang si James, lagi nitong complain sa kaniya nung nasa states pa sila na, oh trish I miss my baby devon, walang ibang bukambibig sa tuwing nag-kakausap sila kundi si Devon haizzz sigh nito sa isip)

habang si Devon ngumiti na lang dahil sa mabilis na paghila ni James sa buntis,kahit kelan brutal pa rin ito kahit sa babaing buntis ..napapailing na lang si Devon..nang mag-ring ang phone niya..

Devon: magandang lalaki asan kana, please hurry up and rescue me...

Pat: malapit na ako mahal na prinsesa, pasensya na kelangan kong bumagay sa'yo..sinong asungot ba ang nandyan at nagpaparescue ka?

Devon: he's here Pat, and luckily he's with his wife, a beautiful preggy..hurry -up please..

Pat: seconds nalang andyan na ako..

Samantalang di parin makapaniwala si James na ang babaing modelo na nakita niya sa magazine at si devon ay iisa..kaya pala ganun nalang kung magwala ang puso niya noon..

Trish: hmmm ba't tulala ka na dyan? ikaw ha ang galing talaga ng taste mo..(tukso nito kay James)

James: kelan ka pa naging fan ni Devon o May(litong tanong nito)

Trish: well 4 years na, hmm naalala mo nung ininvite tayo ng hubby ko na manood ng ramp run way sa Paris, pero kj ka dun ko siya unang nakita, but i didn't get the chance na malapitan siya, dahil kelangan niyang umalis kagad para sa ibang appointments niya sa ibang bansa, masyado na siyang sikat nung time na yun at mas lalo na ngayon, kahit pa binwasan niya yung mga appearances niya siya pa rin ang pinakasikat, at siya ang pinaglilihian ko ng baby ko ,ya dapat maging kaibigan ko siya sa pamamagitan mo,(mahabang salaysay nito)

James: you mean yung mga magazine mo na nakita kong nakafile lahat ng yun nandun si Devon?

Trish: yes..yes ..yes at yes pa sa iba mong katanungan

MY BEST BUD'S BABY SISTER(completed)Where stories live. Discover now