Future, 3016.
JUNE 1, 3016
Habang naglalakda ako sa isang park, may nakita akong pendant na nakasabit sa isang puno. Nilapitan ko yung puno at kinuha yung pendant at sinuot ito. Mayamaya naman ay lumiwanag yung pendant at puro puti na ang nakita ko...
***
Future, 3016.
June 1, 3016.
Kaharap ko yung pendant na sinuot ko kanina. Nakalagay siya ngayon sa isang box. Nung sinuot ko kasi ay lumiwanag at may nagpakita sa akin na isang matanda na parang may inaatake siya sa likdo ko. Pero, parang kilala ko yung inaatake nung lalake. Pero hindi ko matandaan kung sino ba sila.
___
(Ito yung nagpakita sa pendant)
"Akala niyo makakatakas kayo?" sabi nung lalake sa harap ko.
"W-Wala ako matatakasan!" Sigaw ko. Bilang nilabas nung lalake yung wand niya at inatake ako. Hindi pala ako yung kausap niya. Napatingin ako sa likod at may nakita akong isang lalake at babae na may hawak yung babae na sanggol na lalake.
Nakakabigla. Namatay yung dalawa at yung sanggol naman ay naglaho... Maya-maya ay nawala yung ilaw at bumalik ako sa katotohanan...
***
Future, 3016.
June 1, 3016
Binuksan ko yung box at kinuha yung pendant at umalis. Ipapakita ko ito sa mga kakilala ko kung ano itong hawak ko.
~~~
Nandito ako ngayon sa harap ng isang police station at ipapakita ko yung pendant. Kumatok ako sa pinto ng isang pulis at sumigaw siya ng 'pasok!' Binuksan ko yung pinto at nakita ko yung police na nagsusulat.
"Ano kaylangan mo bata?" Tanong nung pulis.
"Ummm... Itatanong ko pa sana kung ano ito," sabi ko at sabay pinakita yung pendant. "Nakita ko po kasi sa isang park pagkatapos--"
"Bakit mo hawak ang Vlad Necklace?" Tanong nung pulis.
"Vlad necklace?" Tanong ko. Hindi ko maintindihan itong pulis na ito. Biglang tumayo yung pulis at sinara yung mga kortina at humarap sa akin.
"Saan mo nahanap yan?" Tanong niya sa akin.
"Sa isang park po" sabi ko. Pumunta siya sa computer at hinanap kung saang park ko nahanap yung Pendant.
