“What will I do Ate?” naguguluhang tanong ko. I’ve dated many guys pero hindi pa ako nakaranas na ako ang manligaw sa kanila.

“Follow what your heart says P” seryosong sabi ni Ate Sam.

“I wanted to ate Sam but I’m afraid”

“Take risks P if you feel that he is worthy of that risks”

Napatingin ako kay Ate Sam.

Magtatanong pa sana ako ng biglang sumulpot si Kuya.

“Twenty minutes is up.”

Hindi na ako umalma. Napaisip ako sa sinabi ni Ate Sam. Is he really worth it?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lakad-takbo ang ako ngayon habang papunta sa locker ko. Nakakabangag pala ang kumain ng sobrang daming goya? Hindi ako nakatulog kaagad.

Heto tuloy ako nagkukumahog para hindi mahuli sa unang klase ko at sa kamalasan pa naman ay naiwan ko pa ang mga libro ko sa locker.

Napatingin ako sa relo. Five minutes na lang at huli na ako.

Nang nakaabot na ako sa locker ko ay napatakip ako sa ilong ko.

Medyo nahihilo ako sa naamoy ko. Mahina talaga ang sikmura ko sa mga mababahong bagay. Pero pinipilit ko talaga na makuha ang libro ko at pikit mata kong nilalanghap ang nakakasulasok na amoy.

Dali-dali kong binuksan ang locker ko para agad na makuha  ang libro ko pero parang gusto kong magsisi na binuksan ko pa ang locker ko nang tumambad sa akin ang tatlong patay na daga.

Bukod sa ang baho talaga ng mga patay na daga ay nakita ko pang inuuod na ang mga ito. Bigla akong nanginig.

I grabbed my phone with my shaky hand and dialed a number.

“K-k-Kuya I ne-need he-help”, hindi ko na  narinig ang sagot ni Kuya biglang nagdilim ang paningin ko.

~~~~~~~~~~~

“What are you doing here?”, tanong ko kay Mico ng nanumbalik na ang malay ko. Hindi pa ako ready na makita at makausap siya dahil naguguluhan pa talaga ako whether I will take risk or not.

“You called me” simpleng sabi nya sa akin.

“Huh?” takang tanong ko sa kanya. As far as I remember si Kuya ang tinawagan ko.

“Tssss”

“I did not call you” sabi ko sa kanya.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now