"Coreen naman kasi. Rozen naman kasi..." Umiling ako. "Posible kayang ma-fall out si Rozen sakin? Eh ilang taon niya na akong mahal, ah?"

Nanlaki ang mata ko.

"OH MY GOD! Posible! Tulad ng pagkakafall out ko kay Noah!"

I swear mababaliw na ako sa kakaisip.

Nang natapos na ako ay bumababa na ako. Naabutan ko si Noah, Ate Julie, Kuya Luke, at asawa ni Kuya Luke sa dining room.

"Umalis na si mommy at daddy?" Tanong ko.

"Oo." Anila.

"Anong gagawin mo ngayon, Coreen? Mag di-date?" Ngumisi si Ate Julie at napatingin kay Noah.

Umiling ako.

"Hindi noh. Magpapaenrol ako. Noah!" Bumaling ako kay Noah. "Nabigla ako. Di ka man lang nagsabing nakabalik ka na."

Ngumisi siya, "Kahapon pa ako nakabalik. Sinorpresa lang kita."

Nag evil smile si Ate Julie. "Uyyy!" Aniya.

Inirapan ko na lang si Ate.

Syempre, di ko masisisi si Kuya at Ate kung bakit hanggang ngayon ay si Noah ang kinakantyaw nila sakin. Hindi naman kasi nila alam na si Rozen na ang gusto ko.

"Kahapon?" Umupo ako at sumali sa kainan nila.

"Oo." Nagkatitigan kami ni Noah.

Hindi ako makapagtanong. Pero parang may kung ano sa titig ko na nalaman agad ni Noah ang gusto kong itanong.

"Hindi siya sumama. Ang alam ko anim na buwan pa bago siya bumalik." Aniya.

"Sino? Si Reina?" Usisa ng kapatid ko.

"Si Rozen." Sagot ni Noah.

Napatingin si Ate Julie sakin. Nag iwas agad ako ng tingin. Hindi na ako masyadong naging mausisa kay Noah tungkol kay Rozen. Tama na siguro iyong kasama ko siya dito. Hindi naman siguro masama kung magkaibigan kaming dalawa.

"Your family... hindi nila alam na gusto mo si Rozen?" Biglaang tanong niya nang nasa linya kami sa finance.

Umiling ako at hindi siya tinignan.

Ayaw kong isipin niyang interesado ako sa usapang ito. Pero hindi siya bumitiw sa topic...

"Ang alam nila ay ako ang gusto mo?" Tanong niya.

Tinignan ko si Noah, "Oo. Mula kasi gradeschool, alam na nilang ikaw ang crush ko. Pero may something sa mga kapatid ko na pag nandyan si Rozen ay pinagkakanulo din ako."

"Kaya pala." Tumango si Noah. "Kaya pala nang binanggit ko ang pangalan ni Rozen ay iba ang tingin ng ate mo."

"Ewan ko ba sa kanya."

Nang natapos kaming mag-enrol ni Noah ay nakipagkita na ako sa iilang kaibigan ko. Ni-text ko kasi sila na i-titreat ko sila ng dinner at night out. Napagkasunduan nilang mag vi-videoke kami sa LED. Syempre, pumayag ako. Hindi naman masyadong estrikto sina mommy at daddy sakin ngayon dahil birthday ko at medyo malaki na ako. I'm nineteen, baby!

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Kde žijí příběhy. Začni objevovat