Unti-unti kong binuksan ang pintuan at bumungad sakin si Ate Julie na may nakalagay na party hat sa kanyang ulo. May dala pa siyang cake at nakasinding kandila.

Tumawa ako at umiling lalo na noong nakita ko si Kuya Luke na may dalang balloons.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Pumutok ang mga confetti na dala ng asawa ni Kuya at nagtawanan sila.

"Thank you!" Sabi ko sabay yakap ko sa mga kapatid ko.

"Happy birthday, Coreen!" Nakabihis na si mommy at daddy nang pinasok ako sa kwarto at pinaulanan ng halik.

"Salamat po!"

Hindi mawala ang ngiti ko. Nawala lang ito nang sinabi ito ni Kuya Luke...

"Coreen, lagot ka! Naka pajama ka pa!" Humalakhak siya.

Tumaas ang kilay ko.

"Ano naman ngayon?"

"Hayaan mo na, Kuya! Sige na, Coreen. Blow the candles!"

Sinoot muna ni Kuya Luke sakin ang isang party hat bago ako pumikit. Nag wish ako ng masayang birthday bago dumilat para hipan ang kandila.

Nang namatay ang kandila ay naaninaw ko sa aking pintuan si Noah na may dalang gift tsaka roses.

"OH MY GOD!" Sabi ko sabay tingin kay Kuya Luke.

Nagtawanan sila. Kinurot ni Kuya Luke ang pisngi ko.

"Crush mo oh. Naka pajama ka pa. At di pa naliligo."

Sinapak ko siya. Tumawa si Noah at binigay ang flowers sakin.

"OMG!" Sabi ko at nilapag ang mga bulaklak sa kama ko.

Ang bilis at ang lakas ng pintig ng puso ko. Nag abang ako sa pintuan. Ilang segundo ko iyong tinitigan bago nagsalita si Noah.

"Happy birthday, Coreen." Sabay ngisi niya.

Nahulog ang panga ko nang narealize na siya lang. Wala si Rozen. Wala siya.

Pumikit ako at pinilit na ngumisi.

"Salamat!"

Pagkatapos ng surpresa nila ay lumabas na sila sa kwarto at hinayaan akong mag ayos para sa kaarawan ko. Nasa loob ako ng bathroom habang pinupukpok ng shower ang sarili kong ulo.

"Ikaw ang nagtaboy sa kanya kaya magdusa ka. Dapat siya yung nagdurusa, eh. Bakit ako itong nagsisisi ngayon? Tsss."

Pinagpatuloy ko ang pagligo kahit na para akong baliw at umaaliw-iw sa sarili ko.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Where stories live. Discover now