"Danny please, ang tagal-tagal mo kaya!" Sabi nung isa mong room mate.

Napasimangot ka. Pero bigla silang napangiti tyaka lumapit sa'yo. Tas sinabing joke lang. Kaya ayun, kahit inabot ka na ng Pasko sa pagaayos, hinintay ka pa rin nila. Nang matapos ka eh dumiretso na kayo agad sa gym ng school niyo.

Syempre, una mong hinanap si Baekhyun. 

Pero wala pa siya run.

Ano kayang nangyari sa kanya nung iniwan ko siya run? 

Hindi mo maiwasang magisip ng kung ano-anong mga bagay. Naisip mo na baka galit siya sa'yo kasi iniwan mo siya sa ere. Letche kasi si Kuya! Syempre, sino pa bang ibang sisihin mo kundi ang walangyang umepal sa inyo? 

Ilang minuto na ang nakakaraan pero wala pa rin si Baekhyun. Inaya ka ng mga kaibigan mong sumayaw at uminom pero tinanggihan mo silang lahat. May mga nakikipagsayaw sa'yo pero tinanggihan mo pa rin.

Hinahanap mo si Baekhyun.

"Miss, okay ka lang?" Tanong sa'yo ng isang lalake na may hawak ng isang cup ng alak. Pogi siya. Pero si Baekhyun pa rin hinahanap mo.

Tumango ka lang sa kanya tas nag-ala giraffe ka ulit dahil sa kakahanap sa lalakeng ma-eyeliner na 'yun.

"Sinong hinahanap mo?" Tanong sa'yo nung lalake.

Tanginabels. Kamo sa sarili mo dahil naiinis ka na. Susungutin mo na sana siya pero naisip mo na baka alam niya kung nasaan si Baekhyun kaya minabuti mong sabihin kung sino ang hinahanap mo.

"Andito na ba siya... Baekhyun?" Kamo sa kanya. 

Napangiti siya sa tanong mo.

"Men's Dorm. Room 206." Tyaka ka niya kinindatan at ngumiti ng nakakaloko.

Hindi mo na lang pinansin 'yung lalake at agad na lumabas ng gym. Gusto mo talagang magsorry sa kanya kaya pinuntahan mo siya sa Men's dorm. Syempre, hindi bawal ang babae run hindi tulad sa Ladies' dorm. 

Nasa tapat ka na ng kwarto niya. 

Kung sweswertehin ka nga naman. 

Napangiti ka nang mapihit mo 'yung door knob. Ang tanga kasi ni Baekhyun. Hindi alam mag-lock :3 

Nakapasok ka sa kwarto niya. Maayos dun kaya agad kang napangiti. Dagdag pogi points. Sabi mo sa isip mo. Atyaka ka umupo sa malambot niyang kama.

At dahil manyak ka, nakaisip ka na naman ng kung anu-anong mga bagay nang marinig mong nagsho-shower siya. Shet, swerte ko talaga! 

Hinihintay mo siya sa kama niya pero na-curious ka nang marinig mo ang isang pamilyar na kanta na nagmula sa banyo kung nasaan si Baekhyun.

Ay sht, GEE! Kamo sa isip mo. Naalala mo ang kanta ng paborito mong girl group na SNSD. Pero nagtaka ka kasi alam mong si Baekhyun ang kumakanta.

Hindi ka pwedeng magkamali.

Biglang kumislap ang mga mata mo nang maisip mo ang posibilidad na fanboy siya. Kasi imposibleng kumanta siya ng kanta ng SNSD kung hindi siya fanboy, 'di ba?

Hindi ka nagisip. Dali-dali kang pumunta sa harap ng pinto ng banyo niya at pinihit ulit 'yung door knob. At dahil hindi talaga uso sa bundok nila Baekhyun ang salitang 'lock' agad mo 'yung nabuksan.

"FANBOY KA?!"

At lumantad sa'yo ang paraiso niya. 

Putangina! Napamura ka habang tinitignan ang katawan niya. 

"Ay sht! Taeyeon!" Nasambit niya dahil sa gulat. 

Napangiti ka dahil ulit sa narinig mo. Pero mas lalo dahil sa nakikita mo. Shet~ 

Fanboy siya! Sht, may pag-asa kaming dalawa! 

Fanboy Kingka {Baekhyun Fanfic}Where stories live. Discover now