{4} Fanboy.

3.6K 178 23
                                    

{4} Fanboy.

"Wala ka naman sigurong balak lumabas mamaya 'di ba?" Tanong ng Kuya mo habang tinitignan ka ng masama. Napayuko ka at nagpatuloy sa pagkain.

Ang totoo niyan, inis na inis ka sa Kuya haba baba mo. Putangina niya kasi. Sa lahat na lang ng oras na pwede siyang umaktong parang totoong Kuya eh pinili niya pa 'yung oras kung saan nagkakatikiman na kayo ni Baekhyun! Yung ready na kayong magse--okay, hindi ka naman siguro papayag nun. Pero sht, sayang talaga! Nakakainis talaga si Kuya! Sa isip-isip mo.

Sino ba naman kasing hindi masasayangan 'nun? Heaven na 'yun, dre! Tas bigla kang hinila ng putangina mong Kuya na ang tingin mo sa kanya ngayon eh demonyo.

"P-Po? Oo naman." Sagot mo sa kanya pero hindi ka pa rin nakatingin.

Bwisit talaga. Paulit-ulit mo siyang minumura. Pano ba naman kasi? Napaka-cockblocker niya!

{ flashback }

Nagpatuloy ang halikan niyo ni Baekhyun. Unti-unti nang bumababa ang halik niya hanggang sa mapunta siya sa leeg mo. Ang saya-saya mo na nang mga panahong 'yun.

Nang bigla mong narinig ang boses ng Kuya mo.

"Danna?"

Kung kanina eh may papikit-pikit ka pang nalalaman dahil sa sobrang sarap, ngayon eh bigla kang nagising sa katotohanan na hindi matutuloy ang inaasam mong mangyari sa pagitan ninyong dalawa.

Nang dahil sa istorbo mong Kuya.

Kaya kahit ayaw mo, humiwalay ka kay Baekhyun at dali-dali kang lumabas.

{ end of flashback }

"Aba'y dapat lang! Mag-aral ka. Tyaka ayusin mo 'yung Chemistry mo." Payo sa'yo ng Kuya mo.

Nakayuko ka kaya hindi niya nakita na inirapan mo siya. Nagpatuloy kayo sa pagkain. Nang matapos na kayo eh nagmadali kang bumalik sa dorm niyo. Nakabihis na lahat ng mga kasama mo samantalang ikaw, maliligo pa lang. Dinalian mong maligo pero sinigurado mong malinis ka.

Aalis na 'yung mga kasama mo pero ikaw, magmamake-up pa lang.

"Ayaw niyo ba akong hintayin?" Nagpaawa ka sa kanila. 

Fanboy Kingka {Baekhyun Fanfic}Where stories live. Discover now