Chapter 14. Naku Po :(

664 15 3
                                    

*nagulat si Elisse sa nasabi kay McCoy. DI sya nakagalaw at tiningnan lamang si McCoy habang tumatakbo palayo*

*nagtext kay Andi*

Elisse: Andi! Di nalang ako papasok. Sa next class nalang. Meet tayo sa abutan ng South at West please.

Andi: Oh sige! Patapos na rin to si Sir eh. Hintayin mo ako diyan.

Elisse: Sige..

*9:25 am; end of class; nagkita na si Andi at Elisse sa may SW Wing*

Andi: Oh, ano problema? Bat di ka pumasok?

Elisse: Ahh? Wala. Feel ko kasi wala na akong aabutan kaya di nalang ako pumasok, sobrang late ko na din kasi, nakakahiya pumasok *sabay yuko, lingon patalikod*

Andi: Oh teka! teka! Bat parang sad? Anong nangyari?

Elisse: Hindi, wala. Okay lang ako. Promise!

Andi: Hindi. Alam ko pag kailan ka okay at hindi okay. Oh bakit ba? Ano ba nangyari talaga?

Elisse: *sigh*

Andi: Sige na. Alam mo naman makikinig ako diba?

Elisse: Eh kasi, diba kanina nag text ka kung nasan na ako? Tapos sabi ko tumatakbo ako.

Andi: Oo, tapos? Ano nangyari?

Elisse: Nabangga na naman ako.

Andi: Ulit? Oh, so.. ano ngayon?

Elisse: .... by McCoy!

Andi: Whaat? O tapos! Ano nangyari? Nag sorry ba? Tinulungan ka ba?

Elisse: Yun nga eh, nag sorry sya tapos tinulungan nya ako ... sana. Kaso nung Saturday nung absent ka, magmi-meet sana kami ni Michael sa McDo eh sya nakita ko akala ko nananadya sya na sinusundan nya ako tapos ngayon pa na late din ako, nabangga pa nya ako kaya ayun, nasigawan ko :(

Andi: What? Ha? Bakit? Ano .. anong sinabi mo?!

Elisse: Sinabi ko kung nananadya ba sya at di ko kailangan tulong niya at kung pwede ba lumayo sya sakin :(

Andi: SINABI MO YON? Mygahd Elisse, wala naman ginagawa ang tao eh :( Sya pa nga tumulong sayo tapos yun natanggap nya.

Elisse: Kaya nga eh. Pero siguro nadala ko lang yung impression ko sa kanya nung first kami nagkita kay BV parin ako pero nagulat lang naman talaga ako. Di ko naman talaga sadya.

Andi: Kaya nga. You should've been more careful sa nasabi mo. Ngayon, di natin alam nasa isip ng tao ngayon. I suggest, you meet him and humingi ka ng sorry.

Elisse: Nagulat lang naman talaga ako eh, di ko talaga sinasadya yun :(

Andi: Kaya nga. DI naman nya alam eh na parang reaction mo lang yon. Kaya you should talk to him.

Elisse: I will try pero natatakot ako :(

Andi: Ngayon kapa natakot? Wala ka nang magawa kundi yan lang. If you like, I'd ask Warren or help.

Elisse: Di wag na. Nakakahiya, ako nalang bahala. Tulungan mo nalang ako please?

Andi: SIge sige! Pero tara pasok na tayo baka ma-late na tayo.

Elisse: Sige *kunting smile*

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

*McCoy's POV*

*kumakain sa cafeteria mag-isa, nakita ni Warren at Jeremy (kasana nya sa varsity)

Warren: Oh! Andyan ka lang pala. Bat di ka nag text na mag lulunch kana? Ayaw mo na ako kasama no? :/

McCoy: Sira! Di kasi wala akong load.

Jeremy: Weh? Ikaw walang load? Kailan? Haha

McCoy: Ngayon lang. Oh tara sabayan nyo na ako!

Warren: Oh bat parang namatayan ka ng buhok? Anyare?

McCoy: Ha? Ako? Wala naman ah. Bakit ba? Kain na nga kayo?

Warren: Huli kana eh. Halatang nababagabag ka eh. ANo ba nangyari? Di ka naman palaging tahimik ah.

Jeremy: Oo nga, sige na. Sabihin mo na! Tayo tayo lang naman eh.

McCoy: *sigh*

Warren: Oo nga, sabihin mo na bro nang malaman din namin.

McCoy: *sigh* di kasi kanina, nakasalubong ko na naman si Elisse.

Warren: Oh tapos? Anong nangyari? Ayaw mo nun, tadhana na yan bro eh.

Jeremy: Teka! teka! Sino ba yan? Yun ba yung anak ng friend ng mom mo na "inaway" mo sa NBS?

McCoy: Oo, yun nga teka pano mo alam?

Warren: *guilty* Oy wala akong kinalaman.. Oh tapos, anyari?

McCoy: Eh kasi, the other day. Nakita nya ako sa McDo eh may imi-meet din pala sya, tapos akala nya nananadya ako at sinusundan ko sya tapos kanina papunta syang class nya, nabangga ko pa sya. Sinubukan kong tulungan kaso parang nagalit eh :(

Warren: Parang? Bakit? Ano ba sinabi?

McCoy: Eh sabi nya layuan ko sya. Na hindi nya daw ako kailangan :(

Warren: Oh bat parang sad ka? Affected masyado ka eh? Gusto mo sya no?

McCoy: Di ko alam bro eh. Nasaktan ako masyado. Gusto ko lang naman sya makilala eh.

Jeremy: Baka naman nagulat lang din sya sa nasabi nya.

Warren: Oo nga, baka nga. Intindihin mo nalang muna. Nagmamadali din kasi kanina.

McCoy: Di naman ako galit o ano. Wala lang, gusto ko lang kasi sya makilala pero parang bad record na ako eh. Ewan ko. Ang gulo.

Warren: Alam mo bro, tip ko. Malalaman mo eh kung di nya talaga sadya kung kusa syang lalapit. hayaan mo muna ngayon. Wag mo muna pansinin. Bayaan mo ang tadhana gumawa ng paraan.

McCoy: Eh pano pag wala.

Jeremy: Eh ang negative mo naman eh. Tiwala lang. Babae kasi yan bro so medyo sensitive. Pakipot ka muna ngayon, pag nilapitan ka nun, confirmed may gusto sayo yun! Pag wala, eh wag na ipilit.

Warren: Tama! Kaya wag mo na muna isipin yan. Tara kain na tayo!

McCoy: *natahimik *sigh* Sige tara!

'Til I Met YouWhere stories live. Discover now