I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 6.

Magsimula sa umpisa
                                    

Iyak pa din siya ng iyak. Ano ba yan bakit pa kasi ako nag tanong eh. Sorry GoodGirl :(

"GoodGirl Sorry.."

"Sorry for what?.."

"Nagtanong pa kasi ako eh. Sana hindi na lang kita tinanong.. Umiyak ka pa tuloy.."

Yung direksyon na sinasabi niya. Ito din yung same direksyon papunta sa bahay ko eh. bakit kaya andito kami..

"Kaliwa ka na dyan. Tapos dun sa *too village* ako nakatira.

"Weh?"

"Mukha ba akong nagjo'joke?" 

Amp. Pahiya ako dun ah. 

"Eh dito din ako nakatira eh.."

Yung reaksyon niya. Tuwang tuwa. Kinatuwa naman nito.

"TALAGA? kakalipat ko lang dito. ANG SAYA SAYA NAMAN!"

Naknang sumisigaw na naman siya. kanina umiiyak ngayon naman sigaw ng sigaw.

"Pwede ba. Wag ka ngang sumigaw. Ang ingay ingay mo."

"Ang galing kasi eh. Bestfriend kita. Classmate kita, tapos ngayon magka'village pa tayo. Ang galing talaga.."

Tuwang tuwa naman to. Pinark ko na yung kotse ko sa tapat nung bahay niya. Malaki yung bahay niya. Siya lang mag isa diyan? Grabe yaman din pala nito. well, halata naman sa mukha niya eh. Ganda pa.

tinulungan ko siya ibaba yung mga pinamili niya. Ano ba tong babaeng to, ang dami daming pinamili. May kasama pala siya yung yaya niya. Tapos sabi niya dun daw minsan uuwi mga pinsan niya. 

"Sige na umuwi ka na. Gabi na masyado.."

"Hindi mo man lang ako papakainin?!.."

"Wag na, bukas na lang. I'll treat you lunch. pa'Thankyou ko na din kasi sinamahan mo ako.."

 Umuwi na ako. Bwisit to, hindi man lang ako pinakain. Sa kabilang street lang naman yung bahay ko kaya hindi na masyadong malayo yung byahe ko. 

Buti na lang pag uwi ko may niluto yung yaya ko. Oo may yaya ako, katamad kayang maglinis ng bahay. At hindi ako marunong kung pano. 

Pagkatapos kung kumain umakyat na ako sa kwarto ko. 

*one message receive*

From: GoodGirl :)

Hey. Thankyou GoodBoy. I'll treat you na lang tomorrow kaya pumasok ka ng maaga. Goodnight. Sweetdreams. :]

Amp naman. Kelangan ko pa pumasok ng maaga.. 

Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya sakin kanina nung magkausap kami sa sasakyan, Sobra pala siyang nasaktan. Ang tanga ko. matagal na pala niya ako kailangan wala man lang ako nagawa nung mga panahon na malungkot siya.

Iba kasi si Aya eh. Siya yung tipo ng babae na kahit nakakairita minsan sa kakulitan hinding hindi mo pagsasawaan alagaan.

Nakakainis. Wag na wag sakin magpapakita yung Ex niya na yun. G*go siya, sinaktan niya si Aya. Pinakawalan niya yung isang kagaya ni Aya. Amp. Ano ba tong mga pinagsasabi ko. Pero, totoo naman kasi eh. Si Aya yung tipo na akala mo strong, palaging masaya. pero fragile siya eh.

*krrrrrrriiiiiiiiiiiiinnnnnnnngggggggggg*

Amp. Anong ingay ba yun? Pag tingin ko sa orasan hala 7:00 na, 7:30 pasok namin. Patay na naman ako nito sa prof ko. Hindi na naman ako makakapasok ng 1st subject namin. 

Naligo na ako. Inayos yung gamit ko. Kumain? Hindi na late na late na ako. 8:30 na ako. Tsaka sabi naman ni Aya lilibre niya ako eh. Sana nga wag naman ako tipidin nun. Dami dami niyang pera eh.

I Fell In Love with My Best Friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon