#HTG - Chapter 5

3.9K 213 191
                                    

Chapter 5

Date?

< Channa >

Afternaing kumain, buti nagpaalam na muna si Tric—este Patrick Rein na magpapahinga muna siya. Mom offered na magstay sya sa bahay naming since we have a vacant rooms pero nakapagbook na daw siya sa isang hotel. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Naimagine ko na lang kung paano ako mababaliw kapag nasa bahay siya kasama naming ni Kuya! It will just bring a lot of memories.... Tapos magiging si Emo Channa nanaman ako, tapos mag-sstatus sa facebook ng hashtag walang forever tapos kakain ako ng ampalaya kase bitter ako.... Hayssss....

Masakit ang ulo ko paggising kinabukasan. Di rin ako nakatulog ng maayos kakaisip dun sa Patrick Rein na yun at kung bakit naging magkamukha sila ni Tricks ko. Hanggang sa pagtitimpla ko ng gatas at paggawa ng toast ay yun pa rin ang nasa isip ko.

"Woohoo! Ohayo Channa-chan!"

Kamukha lang ba o siya talaga si Trciks? Is reincarnation really true? Sabagay, hindi nga ako naniniwala sa multo pero bigla na lang sumulpot si Tricks na parang kabute sa buhay ko. Then maybe it can happen? Pero bakit Mango Juice ang gusto niya? Ayaw niya na sa apple? May bago na bang version ang libro ni Snow white at manga na ang kinain niya hindi na apple? Baka naman nag-iiba ang preference ng isang multo kapag nabuhay ulit sila?

"Uhh... Channa-chan? I'm here! Hello! Can you see me? Halooooooo!"

Teka..... Sapat na bang dahilan ang mango juice para masabi ko na hindi siya si Tricks? Hindi diba?At isa pa, bakit parang may nararamdaman akong ......... may kulang?

"CHANNA SYRIL SARINOOOOOOO!!!!!"

"Anak ng tokwa!" agad akong lumingon sa baliw na sumigaw sa may tenga ko. "Milk! Ano ba yan? Mic ba inalmusal mo ngayong umaga?!" gulat na tanong ko habang kinukusot yung tenga ko.Di na ako magtataka kung biglang may umagos na dugo sa tenga ko. Siguradong nabasag ni Milk eardrums ko.

Ngumuso siya at humalukipkip sa harap ko. "Kanina pa kaya ako nandito Channa-chan pero di mo ako pinapansin. Yung just staring at your milk. What's with your milk ba? Panis?"

"Panis ka dyan! Hay nako, nahahawa ka na kay Kieffer ha. Same wave length na kayo Milk. Mga joke niyo korni talaga." Pabiro kong sabi. Lumabi lang siya at nagpacute sa harap ko. Ay nako, kurutin ko pisngi ng batang to ee! Haha.

"Umupo ka muna dyan at kumain. May waffle dyan gawa ni Kuya. Yan dapat ang inaalmusal mo hindi mic okay?" Agad naman siyang umupo sa tinuro kong upuan. Ako naman tumayo para kuhaan siya ng plato.

"Hidoi Channa-chan."

Napangiti na lang ako kay Milk na nakalabi. Ang cute niya pa rin talaga! Parang batang ang sarap paiyakin sa kurot. Hahaha!

"So anong ganap at napadalaw ka? Maaga pa aa." Tanong ko habang kumakain kami. Sumulyap ako sa wall clock na nasa dingding ng kusina. Past 8 am pa lang. Ee sa pagkakaalam ko 10 am ang sapilitang gising ni Milk pag walang pasok. Take note: Sapilitan pa yun!

"Oh right! Is it true that Kuya Tricks came back? Is it true?!" Napatigil naman ako sa pagsubo sa kinakain ko ng marinig ko ang sinabi niya. Si Milk naman nanlalaki ang singkit na mata habang nakatingin sakin.

"Who told you? Si Kuya Vest ano?" tumango naman si Milk bilang sagot. I rolled my eyes. Si Kuya talaga pasaway. Sabi ng wag munang sabihin kina Milk. I don't want them to get worried.

"He actually called me last night and then he told how your fiancé has the same face with Kuya Tricks. I didn't really believe Kuya Vest at first because you know, lagi nila ako pinagttripan ni pervet alien. But he sounded so worried about you. He said that you need someone to talk to and asked me to come here visit you."

I sighed. "Si Kuya talaga. Sabi ng okay lang ako ee."

"He can't help it Channa-chan. He's your brother and he knows how much you love Kuya Tricks. I actually feel the same. I'm always worried about you Channa-chan." Sincere na sabi ni Milk.

"I know, I'm sorry." Yan na lang ang nasabi ko. I always try to hide my sadness with my smile. Ayoko talagang nag-aalala sila sakin. Siguro dahil hindi ako sanay? Mas sanay siguro ako dun sa kilala nilang Channa na makulit, pasaway, amazon, laging palaban sa problema at laging nakatawa. Pero ewan ko ba, pagdating kay Tricks di talaga ako makabangon.

Milk smiled at me. "It's okay Channa-chan. We understand you ofcourse. But please don't forget that you can lean on us when you need to. We are always here to support and help you."

"Aaawww kainis. Gusto kong maiyak sa mga sinasabi mo Milk." Sabi ko na medyo pinunasan yung mata kong may konting luha. "And about Tricks, he's not really back. I'm not sure kung si Tricks ba talaga yun Milk. Although sobrang magkamukha silang dalawa. As in parang pinagbiyak na bunga. O parang clone ni Tricks. Muntik na kaming himatayin Kuya actually nung nakita naming yung Patrick Rein na yun. Kaso lang..... medyo parang nag-iba siya. I felt like he's changed in some way I can't explan. Isa pa, he doesn't remember me or even Kuya Vest."

"Oh my! Parang mga story sa anime!"

"Right! Actually daig pa nga ata naming stories ng koreanovela." Nakangisi kong sabi.

"So.. what's your plan Channa-chan?"

"Actuall--' natigilan kami parehas ni Milk ng marinig naming ang tumunog ang doorbell. "Ay wait, baka ayan na yung inorder ko online." Sabi ko kay Milk at saka tumayo para tignan yung nagdodoorbell.

"Yes po?" Napanganga ako ng makita kung sino ang nasa harapan ko.

"Hey, good morning! May I come in?" he greeted with a smile. I just opened that door wider without saying anything. I was stunned and shock!

"Ahmm.. Sorry. Wala si Mama dito ee, nasa trabaho na. Do you want me to call her?" I asked him.

"Actually no, I'm not here for Tita. I'm here for you." Sabi niya pero di nakatingin sakin. Naglilibot ang mata niya sa bahay naming.

"F-for me?" gulat na tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. Hala! May utang ba ako sa kanya? O baka naman.... He remembered something ang he wants to talk about it?

"Yup." This time he looked at me. "Wanna go on a date?"

"Teka.....Date? Date?? DATE????" parang tanga kong tanong. Hala! Totoo ba to? Si Patrick Rein inaaya ako magdate?! Hala talaga!

"Channa-chan who is it?" narinig kong sabi ni Milk. Nakita kong sumilip si Milk galling sa pinto ng kusina naming. Nakita ko rin kung pano nanlaki ang mata niya ng Makita si Patrick Rein.

"Oh, may bisita ka pala."

I wasn't able to respond dahil the next thing we knew. Bumagsak na si Milk sa sahig at nawalan ng malay. Shemay. Lagot kami kay Kieffer.

***
A/N: Hi guys ! Sorry to keep you waiting huhuhuhuuuu ! Di talaga ako makagawa ng update dahil ako ay nocturnal 😂 este night shift pala 😂 Salamat sa lahat ng patuloy na nagcocomment, nagmemessage sakin at sa mga patuloy na nagbabasa ng HTG <3 I love you forever guuuuuys ! Dahil sa inyo kaya gusto kong magawa talaga tong story na to :* <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's That Ghost [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon