Catch Phrases/Teaser

7.7K 90 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kapag natikman mo ang halik ko, baka makalimutan mo ang pangalan mo...baka nga pati address mo makalimutan mo e. Baka magka-amnesia ka pa, kawawa ka naman. Tsaka kapag nalaman mo kung gaano ako kasarap humalik, siguradong mai-in love ka sa akin."


Matagal nang may pagnanasa, este, pag-ibig si Olivia kay Manolo, ang kanyang best friend na pa-fall. Kahit pa may mahal na itong iba, pikit-mata pa rin niya itong minamahal, kahit pa masaktan. Ang pag-ibig niya rito, tipong pag-ibig ng isang martir sa kanyang inang bayan. 'Yung tipong maaari na siyang patayuan ng monumento sa sobrang pagka-martir.

Gano'n siya e, mahal niya, e. Gusto na niya itong iwasan at ilaan ang puso sa iba pero sa tuwing tititigan siya ng maliit nitong mga mata at sasabihan na mahal siya nito ay nawawala na siya sa sarili.

Kung pagbabasehan ang paraan ng pagtingin nito sa kanya at pag-aalaga, masasabi niyang mahal siya nito nang higit pa sa pagiging kaibigan. Kung bakit ba naman kasi ayaw pa nitong umamin na pareho sila ng nararamdaman para hindi na sila naglalaro ng tagu-taguan ng feelings?

Kung siya na lang kaya ang magtapat? Kakayanin ba niyang ma-busted at umiyak habang-buhay?

~~

Tagu-taguan ng Feelings

by Tamara Cee

to be released by Precious Hearts Romances

Tagu-taguan ng Feelings (published under PHR) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon