"Your papers are ready, George. Sa sabado na ang alis mo. Sasalubungin ka ng tita mo sa airport pagdating mo ng Singapore, may condo kana rin na malapit lang sa Yale university na papasukan mo."

She composed herself to be okay, the thought of living the country and be away to her family makes her heart melancholic. But then, she wanted to find herself, nalulungkot man ay kailangan niya iyong labanan. Masakit para sa kanya na lumayo kay Glendon na walang closure ang relasyon nila but she doesn't want to see him. Hindi pa niya kayang makipagharap sa dito matapos ang pangyayari. Buo na ang pasya niyang lumayo pansamantala, paghilumin ang sakit at magsimula ng panibagong buhay.

Balang araw makakalimutan niya rin ang unang pag-ibig at kabiguan sa lalaking minahal niya ng lubos. Nakakalungkot lang isipin dahil parang kailan lang ang saya-saya nila at sa isang iglap nagbago ang lahat. Alam naman niya sa simula pa lang na magiging kontrabida na buhay nila si Maris. Hindi maganda ang kutob niya sa babae noong una pa lang at ngayon nga na nagtagumpay itong sirain sila, siya na ang kusang bibitaw at lalayo.

Hindi niya pinangarap na magkaroon ng kahati sa atensyon at pagmamahal ni Glendon sa kanya. Nangako noon ang lalaki na iiwasan si Maris pero anong nangyari at nasa opisina niya ang babae? Paano nito nalaman ang pinagtatrabahuan ni Glendon gayong nasa Hacienda ito? Iwinaksi niya ang nasa isipan, isang tikhim ang nagpabalik sa kanyang diwa.

"Sorry dad." She cursed herself in silent, "Uhmm...thank you so much for doing this for me, daddy."

She heard her father took a deep sigh, "anything for you, sweetheart. I'm your father, I'll do everything just to make you happy. Glendon called me how many times asking you-"

"Dad, I don't want to talk to him, ayoko siyang makita o maka-usap."

"Ayaw mo bang pakinggan ang paliwanag niya?"

"What for? Kung ano man ang sasabihin na paliwanag niya ay hindi na niyon mababago ang desesyon kong umalis. I leave him for good and it's better in this way na hindi na magsanga ang landas namin."

"Well, ang akin lang naman is why don't you try to listen to his explanation first? Hindi ka naman niya siguro pipigilan kahit gustuhin man niya just after he explained to you. Umuwi siya rito noong isang araw, akala niya ay narito ka. Nagbakasakali siya na makapag-usap kayo, pero dahil wala ka rito ay kaagad ding bumyahr pabalik diyan sa siyodad."

"Dad, hindi naman niya kailangan magpaliwanag because I saw what I saw. It's more than an explanation to me. So, there's no need for us to clarify things dahil maliwanag pa sikat ng araw ang nakita ko."

"George, kapag nagmahal ka kaakibat niyan ang sakit, pagsubok, tiwala at kung gaano kayo katatag para mapanatili ng buo ang relasyon niyo."

She frowned at her father's remarks. "As if hindi ko alam ang love story niyo ni Mom, daddy. Ikaw nga e, kinakawawa mo si Mommy noon."

Tumawa ang ama sa kabilang linya, "sweetheart, iba ang storya ng buhay pag-ibig ng Mommy niyo, at inaamin ko naman nagkamali ako, tinanggap ko lahat ng pagkakamali ko, and later on I realized na kung gaano ko kamahal ang Mommy niyo. But looking to Glendon nang dumating siya rito I knew then, how much he loves you. He looks terrible."

An acrid smile form in her lips, she gently closed her eyes and open it again, "daddy..."

"It's okay, sweetheart. Naiintindihan kita, kung hindi mo kayang harapin siya ngayon I will not force you. Magsimula ka ulit ng panibago at sa pagbalik mo kung nandiyan pa siya at naghihintay sa'yo, 'wag mo nang pakawalan."

"Thanks, daddy. I will remember that, dad. Sa ngayon I need to fix myself first." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata, nagpaalam siya sa ama bago pa marinig nito ang pag-iyak.

Dumapa at isinubsob ang mukha sa kama. Pakiramdam niya ay may isang haganting bato na nakadagan sa dibdib niya. She misses him so damn much, sa bawat araw na lumipas na hindi nakikita ang binata ay tila unti-unting nilulunod sa kalungkutan ang puso niya. She felt a sharp knife burying so deep inside. But her pride is too high, it pulled her courage to be able to see Glendon for formal closure. She whimpered.

Binato ni Glendon ang hawak na kopita. He was so mad and upset. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Georgina, hindi na rin niya ito ma-kontak. Gustuhin man niyang saktan si Maris nang oras na iyon ay hindi niya magawa, nanaig parin sa kanya ang matinong kaisipan.

He was drinking all day, the thought of not seeing her for the past days makes him fly into rage. Mahigpit niyang ikinuyom ang kamao, ang mga ugat sa kamay niya ay tila gusto nang kumawala. He cursed many times, Georgina was so unfair. He thought. He never let him explain his side, where in the first place he doesn't know what really was happening that time. Dumating si Maris sa opisina niya na may bitbit na dalawang Starbucks coffee, he was being rude kung hindi niya iyon tatanggapin.

Magkaibigan sila ni Maris kaya hind niya lubos maiisip na may inilagay pala itong gamot sa kape niya, she planned all of it from the beginning. Bigla na lamang siya nakaramdam ng pagkahilo. Maris helped him lying in couch, hinihila siya ng antok pero nilalabanan niyang 'wag matulog kahit nanghihina ang katawan at umiikot ang paningin niya.

The next he knew, nakadagan na sa kanya si Maris, kissing him... He wanted to push her away dahil ayaw an ayaw ni George na lumapit pa si Maris sa kanya. Until she unbottoning his polo, inipon niya lahat ng lakas upang maitulak an babae pero hindi niya magawa, wala siyang sapat na lakas, lalo na at parang sawa ito na pumatong sa kanya.

That was the moment when the door opened, at hindi malaman na dahilan ay nagkaroon siya ng lakas upang iwaksi si Maris na nakadagan sa kanya. He tried to gain strength to walk towards George na nabigla at nanlaki ang mga mata sa hindi inaasahang tagpo. Pain crossed her beautiful eyes.

Si Glendon naman ay nanlamig sa kinatatayuan, naghanap siya ng makakapitan upang 'wag mabuwal. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, tila ipinako siya at walang kakayahan na maigalaw ang paa nang mga sandaling iyon.

He was living like a zombie, gumagalaw siya na parang walang buhay. Walang minuto na hindi pumapasok sa utak niya ang mukha ni George ang mukha ng babaeng kinasasabikan na makita at mahagkan. He promised himself to love her and will never make her cry. Ngunit nang dahil lamang sa kagagawan ni Maris ay nawasak ang pangarap na binuo niya para sa kanila ni George but despite of it he can't avoid thinking George was being unfair to him. She should at least let him explain before turning her back.

Napitigil ang pag-iisip niya ng tumumog ang cellphone. Ngali-ngali niya iyong kinuha at sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.

"Ninong..."

"Glendon..." He paused, "she's leaving the day after tomorrow."

"What? Ninong please... give me her address, I want to talk to her."

"Gustuhin ko man na ibigay sa'yo ngunit ayaw rin niyang makipag-usap sa'yo. Sarado pa sa ngayon ang utak ni Georgina, sana maintindihan mo iho. Sa sabado ang alis nniya alas diyes ng umaga. Patungo ng Singapore, doon niya ipagpapatuloy ang pag-aaral."

Nanghinang napa-upo si Glendon matapos marinig ang sinabi ng ama ni George. He turned off the phone and throw it around. Punched his fist on the floor until he felt it numb. Gusto niyang ipagsigawan ang sakit na nararamdaman. Nang mapagod sa kakasuntok ng sahig ay itinaas niya ang palad at hinilamos sa mukha. Kumikirot iyon dahil nagkasugat sa ginawa niya, pero hindi niya iyon alintana dahil triple ang sakit na nasa dibdib niya kaysa sa kamay.

He clenched his jew, tumayo siya at tinungo ang pinto ng palabas ng penthouse. Pupunta siya ng university, aabangan niya ulit doon ang kasintahan. Magbabasakali parin na maka-usap ito at makapagpaliwanag. Hindi nito kailangan na umalis dahil lang sa kanyang ginawa.

Kung kinakailangan na magmakaawa siya ay gagawin niya manatili lamang sa bansa si George. Kung gusto nitong lumayo siya, gagawin niya. Kahit sa malayuan lang basta makita niya ito ay sapat na sa kanya. Kahit masakit na hindi na niya ito mahawakan ay tatanggapin niya. He loves her... so much.

SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon