Chapter 1: First Day

5.3K 64 3
                                    

"Hoy! Harley Tesher Terrenal! Kanina pa kita ginigising ha! Anong oras na? Bumangon ka na dyan!" Rinig na rinig ko ang lakas ng pagkatok ng aking napakagandang ina. Mabait yan!

"Kapag hindi ka pa bumangon dyan, ako mismo ang papasok sa kwarto mo at susunugin ko ang mga FHM Magazines mo dyan!" Agad naman akong napatayo dahil sa sinabi ni Mama.

Lahat na galawin mo, wag na wag lang ang mga magazines ko oy! Pinag-ipunan ko yan lahat tapos sisirain at susunugin lang ni mama?

Kung tatanungin niyo ako kung bakit meron akong FHM magazines, regalo lang yan sakin. Dahil nga sa mga regalong yon, na-enganyo rin ako na bumili. Pake niyo ba? Concern lang naman ako sa health ko! Hindi lang naman puro picture ng pahubad ng babae ang nandoon eh, may nakalagay rin naman doon na mga tips para maging healthy kami.

Agad naman akong lumabas ng kwarto at nakita ko agad ang nanay ko na nasa labas ng kwarto ko, halos mamula siya sa galit. Mukha siyang kamatis pfft.

"Ikaw talagang bata ka! Sa susunod na hindi ka gumising ng maaga, hindi na kita gigisingin! Deretso sa basurahan ang mga magazine mo! Naiintindihan mo?" Napatawa naman ako sa sinabi ni nanay. Hindi siguro sila nag-ano ni tatay kagabi. Nag-usap ha! Hindi siguro sila nakapag usap ng maayos.

"Si Mama talaga, bibili nalang kita ng pasalubong mamaya. Ano bang gusto mo?" Paglalambing ko dito.

"Talaga? Sige sige, isang burger lang, masaya na ako!" Natawa naman agad ako sa sinabi ni Mama. O diba? Basta libre, maaalis na agad ang galit. Try niyo rin minsan Hahaha!

"Sige ma, maghahanda muna ako, papasok na ako sa School." Agad naman akong kumilos. Ayaw ko namang malate sa first day ng school.

----------------------------------
Nakaalis na ako sa bahay at nakasakay na ako sa jeep. May napapansin lang ako, kanina pa nakatingin sakin yung katabi kong babae. May mali ba sakin? Napatingin din ako sa ibang pasahero, titig na titig sakin?

Dahil ba sa sobrang gwapo ko? Kaya tinititigan nila ako? Natigilan ako ng biglang nagsalita yung katabi kong babae.

"Uh, kuya," napatingin naman ako sakanya, may itsura ang babaeng ito. Kaso nga lang, FLAT.

"Bakit?" Nginitian ko yung babae. Nag-blush naman agad agad yung babae. Tingnan niyo! Sa sobrang gwapo ko, nginitian ko lang, nagblush agad!

"Kuya kasi..." Kinagat niya ang labi niya at tumingin sa ano ko. Shit. Bawal yun! Nako, gusto niya yung hotdog ko? Madami namang hotdog dyan! Bakit yung akin pa?

"Sorry miss ha, bawal pa kasi." Napatingin naman ako sa malayo.

"Kuya, anong bawal? Sasabihin ko lang naman na bukas ang zipper mo. At kitang kita na yung spongebob mong brief." Shit. Anong sabi niya!?!? Napatingin naman agad ako sa pantalon ko. SHIT BUKAS NGA ANG PINTO NG KINABUKASAN! Agad ko namang sinaraduhan iyon.

Narinig ko rin ang pagtatawanan ng mga pasahero. Pakshit, kung minamalas nga naman. Bakit kasi SPONGEBOB na brief ang suot ko ngayon?!? Meron naman akong SUPERMAN o BATMAN! Tsk!

At ngayon lang ba sila nakakita ng brief? O bukas na zipper?

"Iho, sa susunod, siguraduhin mong sarado ang zipper mo, aba nakakahiya kaya!" Patawang sabi noong lalaking nakapantalon.

"Ah," ano ba ang dapat kong sabihin? "Aksidente ko lang pong hindi nasaraduhan, pasensya na ho." Napatingin naman ako sa sahig. Grabe, hiyang hiya na ako.

"Nako, wag kang mahiya! Dapat proud ka! Dyan nagsisimula ang kinabukasan ng mga kabataan! Malaki ba?" Ay leche? Baboy ni manong!

Mabuti nalang malapit na ang school ko kaya bumaba na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi pa ako late.

"Shit, nakatakas ako." Pagkasabi ko nito, nagsimula na akong tumakbo papasok sa school. Tumakbo na ako kasi malapit na akong malate. 5 minutes nalang magsisimula na ang klase.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang 3rd floor. Grabe, bakit ba naman kasi nasa 3rd floor ang mga rooms para sa mga 4th year students?

At sa wakas! Nakaabot ako na hindi late! Pumasok naman ako sa classroom at nakatingin sakin ang mga kaklase ko. Yung iba sa kanila ay kilala ko na, pero yung iba ay hindi.

"O, Harley? Anong nangyari sayo?" Tanong sakin ni Junjun. Ang pinakamaliit saming mga lalaki. Hindi kasi siya NAG-AANO. Alam niyo na yan! Hindi kasi siya Umiinom ng cherifer, kaya nahuli ang height.

Umupo nalang ako sa upuan ko at inayos ang sarili ko.

"Bakit mukha kang narape?" Tanong naman ni Rex na mahilig sa mga ano. Maging open-minded tayong lahat, mahilig siya sa porn. Walang biro. Hindi yan mabubuhay kung wala yun.

"O baka naman siya ang nangrape?" Sabi naman ni TimTim, yung pinsan kong Man Hater. Ayaw na ayaw niya sa mga lalaki. Pwera sakin, kasi pinsan niya naman ako. At alam niyang iba ako! Sadya naman eh! Matino at wholesome kaya ako!

"Ano? Nakascore ba brad?" Inakbayan naman ako ni Francis. Na sa pagkakaalam ko, ay may tinatagong pagkatao. Napapansin namin na BAKLA siya. Bakit ba ayaw niyang umamin? Parang naman hindi namin siya matatanggap.

"Tumigil nga kayo! Tumakbo lang ako dito kasi akala ko late na ako no!" Pagkakasabi ko nito, agad naman silang nagtawanan.

"Ulols ka ba? May 30 minutes pa bago pa magtime! 8:00! 7:32 am palang no!"

Agad naman akong nanghina sa sinabi ng isa kong kaklase na hindi ko matandaan ang pangalan. Kami lang ang maiingay at yung iba naman ay sobrang tahimik, dahil nga, bago lang sila sa section na ito. Section B kasi eh.

Habang patuloy kaming nagkwe-kwentuhan at nagkakamustahan kung kamusta ang bakasyon nila, ay biglang pumasok ang teacher namin.

"Good morning miss!" Nagsitayo kaming lahat. Bago lang itong Teacher na ito dito siguro, hindi ko pa siya nakikita, ngayon lang. At tsaka, mukha siyang bata. Siguro nasa mid-20s.

"Okay, sit down class," umupo naman kami. At nagpasalamat sa teacher. Katabi ko si TimTim At yung isa namang upuan sa tabi ko ay walang nag-ooccupy. Nalate siguro?

"Bago ako magsimula," tumayo ang teacher. "Ipapakilala ko muna sa inyo ang magiging bago niyong kaklase."

Bigla namang nagbukas ang pintuan. At may isang babae na pumasok. SHIT. MY HEARTEUUUU!

Taihen AcademyWhere stories live. Discover now