Hoy Bobo! I Love You!

41 2 0
                                        

Dedicated to: Meku_28
Salamat sa pagpagamit ng Cellphone mo! Lol.
~~~~~~~~
Ako si Nicole Brilliantes. Maganda at mayaman. Brilliantes ang apilyido ko. Parang brilliant! Pero hindi ehhhh. Bobo ako. Bobo daw ako sabi nila. Bobo ako kasi palagi akong huli sa klase, kumbaga, first honor sa likod ng stage. Palaging 75-80 ang grades ko. Kaya Bobo ako. Galit rin sakin ang mga magulang ko kasi Di daw ako katulad ng Ate at Kuya ko na grumaduate ng Sumacumlaude sa college at simula kindergarten first honor sa harap ng stage. Ehhhh ako? Sa March na mag-ga-graduate pero ano? Di yata ako ngayon makaka-graduate.

"Miss Brilliantes!! I said answer the question in the board!" Sigaw saakin ng teacher ko. Nagsabi ba siya? Di ko naman narinig ehhhh. TSS. Tumayo ako at pumunta sa board. Hala. Pano to? Pinapahanap ni Algebra yung ex niya. Pambihira!

"Ehhhh Ma'am! Bakit ko pa hahanapin yung ex ni Algebra kung puro naman pala problema ang haharapin ko?" Sabi ko kay ma'am. Tumawa silang lahat kahit si ma'am.

"Hay nakung bata ka. Sa love ang talino mo pero pagdating sa academics ang Bobo mo!" Sabi ni ma'am. Ngumiti ako at magbow.

"Thank you for your compliment ma'am." Sabi ko at umupo na. Tumawa uli sila. Haha joker rin pala ako. Hahahaha lol.

"Sige! Jomari Lopez! Pakihanap ng ex ni Algebra." Biro ni Ma'am. Tumayo si Jomari sa upuan niya at pumunta sa board.

Siya naman ang First honor sa harap ng stage. Matalino, gwapo, mayaman, heartthrob, mahal ko, wait. Ano daw? TSS. Di ko pala yan mahal kasi na turn off ako! Ang sama-sama ng ugali ng isang yan! Sarap ipakain sa shark! Porket matalino siya at ako naman bobo, linalait na niya ako at inaasar!

"Ang dali lang naman sagutan ng problem ehh. Kailangan mo lang talaga ng isip." Sabi ni Jomari at tumingin sakin. "The answer is 50 ma'am." Dagdag niya.

"Ako si ma'am? Tanga lang Jomari? Ha?" Sabi ko. He smirked.

"Ako tanga? Ok lang. Kaysa naman sa Bobo diba?" Asar niya sakin. I just rolled my eyes. Diba? Ang sama niya? Umupo nalang siya sa upuan niya.

Nagpatuloy si Ma'am sa paglelesson hanggang sa tumunog ang mahiwagang bell!

Lahat na ng classmate ko ay umalis na. Ang bibilis no? Basta tunog ng bell, ang bibilis! Kaya ako at si... Linibot ko ng paningin ang classroom at si Jomari nalang sa naiwan dito. Wow destiny.

"Hoy Bobo." Tawag niya saakin. Di ko siya hinarap. "Sabi ko, Hoy Bobo!" Ulit niya. Di parin ako tumingin sakanya.

"Hindi ka lang pala bobo. Bingi ka ka rin pala." Sabi niya at naparinig ako ng pagsara ng zipper ng bag. Thank God! Aalis na siya!

Dumaan siya sa harap ko at tumingin saakin ng sandali. "Bobo, bingi at pangit. Hahaha! 3 in 1 ka pala ehhh!" Asar niya bago tuluyang umalis. Ang sama niya Shet! Mas masama pa sa Demonyo!

Inis akong tumayo at umalis sa classroom. Nakakaimbyerna talaga si Jomari! Gosh. Pumunta nalang ako ng school garden. May peace kasi dun. Kinuha ko ang cellphone ko at nagcheck ng Facebook.

"Wow ahhhhh. Best employee nananaman si Ate? Galing!" Sabi ko. Ewan ko kung bakit pero naiiyak ako. May picture silang apat nila Mom at Dad kahit si Kuya nandun. Ako lang ang wala. Mabuti ng Di nalang nila ako ginawa. Diba? Shoot. Napaluha na ako.

"Bakit kasi ang Bobo ko? Edi sana dun din ako sa Harvard mag-ga-graduate." sabi ko sa sarili ko.

Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako! Bakit kasi ang bobo ko?! Bakit wala akong alam?! Bakit palagi akong bagsak sa klase?! Ano baang nagawa kong mali para maging ganito ako?! Uggggh! Inis kong pinunasan ang mga luha ko. Tinago ko ang cellphone ko at  tumayo na.

Hoy Bobo! I Love You! (One-Shot)Stories to obsess over. Discover now