BESTFRIEND

158 9 2
                                    

"Bestfriend sorry hindi ako makakasama sa'yo. May date kami ng gf ko. Promise babawi ako." wika nito at mabilis na ginawaran ako ng halik sa noo. Nakasanayan ko na ring ang gawain ito kaya hindi na bago para sa akin.

"Alis na ako" sagot ko rito at naunang umalis sa silid. Nagpapasama ako sa kaniyang magmall kaso dahil sumingit ang girlfriend nito ay hindi siya makakapunta. Psh! But still wala parin akong pake kung hindi ito makakasama dahil kaya kong makarating sa mall nang mag-isa.

Habang naglalakad ako patungo sa parking lot ay panay ang sulyap at titig ng mga estudyante sa akin. Tss. Bago ako pumasok sa kotse ay itinaas ko muna ang gitnang daliri ko sa kanilang lahat at mabilis naman silang nag-iwas ng tingin.

Kahit makarating ako sa mall ay hindi parin ako tinitigilan ng panakaw-nakaw na tingin sa akin ng mga tao. Hindi ka pa nasanay! Sagot ng isang parte ng utak ko.

Kahit araw-araw akong pakatitigan ng mga tao ay hindi parin ako masanay-sanay. I find it odd. Sa pagkakatanda ko ay wala akong taong inagrabyado o anong masamang ginawa. Ni-wala akong kaaway sa school o sa labas. So anong possibleng rason nila para bigyan ako ng malagkit na tingin na parang ang laki ng kasalanan ko sa mga ito?

Kung ang sagot naman ay sa pisikal na kaanyuan ay hindi rin tugma. Hindi ako magandang babae. Mahabang tuwid na buhok ang meron ako na malapit nang umabot sa bewang. Ang mukha ko ay maliit na bilog. May dalawang rin akong bilog na bilog na mata na minsan ay napagkakamalan akong adik. Hindi masasabing matangos o pango ang ilong na meron ako dahil tama lang ito. Hindi ako naglalagay ng mga lipstick o kahit ano kaya natural lang ang labi ko. Ang sinasabi ng iba ay may mukha ako at malugod ko naman silang sinasagot ng pabalang. Lahat ng tao ay may mukha. Basic.

Hindi ko namalayang ako na pala ang nasa unahang pila para bumili ng ticket. Sumilip muna ako sa mga showing na palabas. Napatango ako ng makita ang mga forte kong palabas. Isang horror.

Mabilis na natapos ang oras ng paghihintay ko para mabuksan ang sinehan. Dali-dali akong umupo sa may likod. Hindi dahil maganda ang view dito. Ayokong titigan na naman ako ng mga tao. Gusto kong ako naman ang tititig sa kanila.

Nang magsimula ang palabas ay napahiyaw agad ang mga tao samantalang para akong tanga na lumilingon sa paligid. Nagtitingin sa mga tao kung anong ginagawa. Napako ang paningin ko sa lalaking nakaakbay sa isang babae. Hindi kita ang mukha ng babae dito sa pwesto ko pero ang lalaking iyon ay malinaw pa sa patak ng ulan kung sino siya. Mabilis na inilapat ng babaeng ang labi nito sa lalaking iyon. Umiling ako, itinuon ang tingin sa malaking screen. Naramdaman ko ang isang butil ng tubig na pumatak sa aking kamay. Hinawakan ko ang aking pisnge at doon napagtantong umiiyak na pala ako. Geez.

Tumayo nalang ako at ilang minutong nakatanga sa cr. Ayokong lumabas, baka masaktan na naman ako. I wonder kung bakit ako umiiyak? I already tell myself that I don't love him. He's only my fucking bestfriend for Pete's sake.

Nang matapos ang palabas ay nagtungo ako sa arcade. Inubos lahat ng pera doon at inalis sa isipan ang nasaksihan kanina.

--

Tanghali na akong nagising. I dunno kung bakit o ano ang dahilan basta pagtingin ko sa alarm clock 10:30 am na. Psh!

I do my morning rituals coz eventhough I woke up late gusto ko paring pumasok. I want to learn kidding I want to... Argh! I dunno basta gusto kong pumasok.

Pumanhik muna ako sa kusina para makakain dahil kumakalam na ang sikmura ko. Habang papalapit sa kusina ay hindi ko maiwasang makarinig ng isang impit na boses na umiiyak. I rolled my eyes.

"Nak kain ka na." wika ni Mama. Hindi ko pinansin ang mabilis na pagpunas niya sa mata para hindi ko makitang umiyak ito. Itinusok ko ang isang hotdog. Nakakatlong kagat palang ay naririnig ko na naman ang pilit na pagpipigil ni Mama na umiyak muli. Nawalan na ako ng gana. Marahil ay gusto nya ring mawala ko sa kusina para umiyak sya.

BESTFRIEND (One-Shot)Where stories live. Discover now