Hapon na at malakas ang ihip ng hangin. Mag-isa lang ako ngayon dito sa park at kasalukuyang nakaupo sa swing. Napagisip-isip ko na din, nakakapagod na din palang habulin ang taong kailanma'y hindi ka mapapansin at mamahalin pabalik. Sobrang manhid na ng puso ko dahil sa sakit. Bakit ba ako nagpapakatanga sa taong ayaw naman sa akin? Bakit ko pinagkatiwalaan ang taong ni minsan hindi naman pala ako tinurin bilang isang kaibigan? Sobrang sakit. Sana panaginip lamang ito na pwede kong takasan. Naputol lang ang malalim kong pag-iisip nang may naramdaman akong presensya sa likod ko, amoy pa lang kilala ko na kung sino. Napangiti na lang ako ng mapait. Bakit sya andito?Aalis na dapat ako pero nagsalita sya .
"Light."
"Nakakapagod ka na din palang habulin? Haha. Okay na, suko na ako Luke. Ayaw ko nang magpakatanga ng dahil lang sayo. Sobrang sakit na kasi eh. I loved you for 3 years, inaasahang mamahalin mo din ako pabalik pero umasa lang ako sa wala. *Sighs* Sana maging masaya ka sa piling ni Cheska. Until we meet again"
Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na ako at hindi na hinintay ang isasagot nya , kung meron man.
(A/N: Beginner lang po ako sa pagsusulat. I am just sharing my imaginations. Sana
YOU ARE READING
Start Again
Teen FictionA story of Bianca Light Valderama and Nathan Luke Villegas. A flipped lovestory. A/N: First na story ko po ito kaya wag nyo po sanang masamain. Beginner writer lang po ako. Medyo inspired.
